Chapter 44: Ms. Desperate

12.5K 389 63
                                    

Chapter 44: Ms. Desperate

•••Ann Dee•••

Lord, please give me wings so I can fly o kaya gawin nyo po akong bola para mag-bounce ako in case na malaglag ako dito!!!! What was I thinking? Nung malaman ko dun sa dalawang lalaki na si Raven ang nagpapalinis ng bintana agad kong kinuha ang pagkaka-taong yun. Nag-prisinta ako, ayun nga lang hindi ko ini-expect na TAKOT PALA AKO SA HEIGHTS! Hindi ko alam kung pang-ilang dasal ko na to o nakailang sign of the cross na ako, pero nasa 14th floor na ako at isang floor na lang ay makikita ko na si uwak so I might as well do this. Malapit na ako, ngayon pa ba ako aatras?

Dahan dahang umaandar paitaas ang kinatatayuan ko, hindi ko alam kung ano ang tawag sa bagay na to, pero madalas ko itong makita lalo na kapag kailangang linisin ang mga bintana ng matataas na building. Okay lang sana, keri ko naman eh, ang hindi ko lang ini-expect ay ang malakas na hangin dahilan para mag-sway itong kinatatayuan ko. I swear, isang hanginan lang baka liparin  na ako sa KAMATAYAN ko! Aish. Kung mangyayari man yun kasalanan nung dalawang lalaki sa ibaba, pumayag payag sila sa trip ko kaya sila ang may kasalanan kapag may nangyaring masama sa akin!

Nung una ayaw nilang pumayag dahil sa babae ako, tinignan pa nga nila ako mula ulo hanggang paa na para bang tinitignan nila kung takas ba ako sa mental o ano ehh, pero in the end napapayag ko din sila lalo na nung menention ko na ang pangalan ni uwak. Natakot ata sila dahil ang sabi ko magwawala si uwak kapag hindi nasunod ang gusto nya.

So here I am, dangling for dear life.

Pinikit ko na lang ang mata ko hanggang sa marating ko na ang 15th floor. At nung makarating na ako dun, bumungad sa akin ang likod ni uwak, seryosong seryoso sya habang nag-ta-trabaho at mukhang hindi nya pa ako napapansin dito sa likod nya. Kapag kaya nag-salita ako maririnig nya kaya ako? Kinatok ko ang glass window and at the same time ay sinigaw ko ang pangalan nya.

"RAVEEENNN!" Sigaw ko. Pero kasabay ng pagsigaw ko sa pangalan nya ay ang pag-ihip ng malakas na hangin dahilan para mag-sway ang kinatatayuan ko. Dahil sa pinagsamang gulat at takot ay napasigaw ako ng malakas, and this time ay napalingon na sa akin si uwak. Mukhang nagulat syang makita ako dito pero agad din naman syang nakabawi sa pagkagulat nya dahil bigla nya akong sinigawan.

"FUCK! ANONG GINAGAWA MO DYAN?! BUMABA KA RIGHT THIS INSTANT! BILISAN MO AANTAYIN KITA SA IBABA!" After saying all that ay mabilis syang lumabas ng office nya, most probably hihintayin nya na lang ako sa ibaba kaya naman sinimulan ko nadin ang pagbaba. Paano kaya kung bigla akong nalaglag dito? Sasaluhin nya kaya ako? Pero hindi dapat yun ang itanong ko, mas tamang itanong kung kaya nya ba akong saluhin.

Hindi ko alam kung pang-ilang floor na ako pero natatanaw ko na si uwak sa ibaba, mukhang galit sya. Uh-oh. Pero nakakatuwa syang panuorin, nakapatong sa bewang nya ang mga kamay nya habang nakatingin sa akin, tapos may mga taong nakapaligid sa kanya na nakikigaya nadin sa kanya. Bigla tuloy akong na-conscious dahil ako ang center of attention at panigurado kapag baba ko dito masasabon ako ng bonggang bongga.

The moment I got off that thing, agad akong hinila ni uwak papunta sa may parking lot. Agad namang nag-make way ang mga tao sa paligid, syempre kaw ba naman haharang ka sa daan ng isang taong halos hindi na maipinta ang mukha. Pagdating namin sa parkinh lot marahas na binitawan ni uwak ang kamay ko at tinignan nya ako ng masama. Malawak ang parking lot at walang masyadong tao dito kaya kung papatayin man ako ni uwak ngayon ay pwedeng pwede, walang magiging witness. Inaasahan ko nang sisigawan nya ako pero hindi ko parin talaga mapaghandaan yung galit nya.

"WHAT WERE YOU THINKING? PWEDE MONG IKAMATAY YUNG GINAWA MO!" Sigaw nya, halos nakikita ko na yung litid nya sa lakas ng sigaw nya. "ANO BA KASI ANG GINAGAWA MO DITO HA? AGAW EKSENA BA LAGI ANG GUSTO MO? ISA KA TALAGANG AMAZONA! KELAN KA PA NAGING KAPATID NI SPIDERMAN? ANO? BAKIT HINDI KA MAKASAGOT? ANOOO?"

Mr. Mafia PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon