Chapter 28: Ms Ninakawan

14K 392 22
                                    

Chapter 28: Ms. Ninakawan

•••Ann Dee•••

"Wooaaaah" I can't help but be mesmerized by the beautiful scenery right in front of me. Aaminin ko first time kong makatapak sa white sand beach at first time kong makapunta sa ganito kagarang lugar, parang ang sarap lang sa pakiramdam. (:

"Tss. Will you close your mouth?! Airport ba yang bibig mo? Ang kulang na lang langaw na la-landing ehh!"

Tinignan ko ng masama si uwak na nasa tabi ko lang at hindi maipinta ang mukha, kabababa lang kasi namin ng bangka na naghatid sa amin dito at hinihintay pa namin yung iba naming kasama na lulan naman ng iba pang bangka. Siguro nababagot na syang maghintay kaya hindi maipinta yung mukha nya. Pero grabe sya, walang patawad, ni hindi nya man lang ako hinayaang i-appreciate yung lugar. First time ko kaya dito! Tss. Kainis.

"Eh ano bang pakealam mo? Bakit, balak mo bang agawin yung mga costumer kong langaw haaa???"

"Mandiri ka ngang babae ka sa mga pinagsasabi mo! Talagang pinangatawanan mo yang langaw business mo?! Tss"

"Eh bakit ba kasi nangengealam ka? Kung nandidiri ka eh di wag mo akong kausapin!"

Nakakainis. Panira talaga sya kahit kelan. Medyo lumayo na lang ako sa kanya, baka kasi magtuloy tuloy yung pagbabangayan namin ehh pero sa ginawa kong yun ay napansin ko yung mga tao sa paligid namin, mukhang natawa sila sa pinagsasabi naming dalawa. Aish. Nakakahiya naman, sa lahat ng pwedeng pag-usapan, bakit ba naman kasi tungkol sa langaw ang naging main topic namin. Pesteng langaw yan ohh. Pero para syang tanga, sya ang nagsimula dun sa langaw langaw na yun tapos sya pa ang may ganang mandiri sa akin. Eh di wow!

Anyway, nung kompleto na kami dumeretso na kami sa hotel na tutuluyan namin. According to our *uhum* 'TEAM LEADER' naming uwak, 4 person per room lang at bahala na kami kung sino ang gusto naming kasama basta ba girls only and boys only sa isang room, bawal ang mix. Also, free kaming magliwaliw ngayong gabi pero tomorrow ay mag-s-start na kami sa team building activities namin. Kung ano man ang gagawin namin bukas, wala akong idea, for sure puro kalokohan lang yun, si uwak ba naman ang maging team leader namin ehh.

Habang naglalakad, nilapitan ko si Maribel at kinausap. "Maribel? Pwede ba akong maki-join sayo sa room mo?" Wala naman kasi akong kakilala at ka-close sa mga kasama namin ngayon except for Maribel kaya sya ang gusto kong makasama sa kwarto. Alangan namang maki-join ako sa mga hindi ko naman ka-close at kakilala diba?

"Sure walang problema" sagot nya kaagad, she then smiled sweetly at me and I smiled back at her.

Tumuloy na kami sa magiging kwarto namin, simple lang ito pero maganda naman. May dalawang malaking kama sa gitna, kaya naman pala 4 na tao lang sa isang kwarto eh, may malaking tv sa gitna, aircon, isang single na sofa at maliit na lamesa sa gitna at meron ding sariling banyo yung kwarto plus meron pang veranda kung saan matatanaw mo ang malawak na karagatan. Perfect view.

May makakasama kaming dalawang babae ni Maribel, hindi ko sila kilala pero alam kong kabilang sila sa fans club ni uwak. At dahil sa kami ang magkakasama sa isang kwarto, ipinakilala ni Maribel sa akin yung dalawa.

"Ann Dee, ito nga pala si Sammie at ito naman si Annie, magkapatid sila at sila ang makakasama natin dito sa kwarto" pagpapakilala ni Maribel. Agad ko namang inilahad ang kamay ko sa kanila para sana maki-pagshake hands pero deneadma lang naman nila ito kaya medyo napapahiyang binawi ko na lang ang kamay ko. Ang sungit naman netong dalawang to.

Pumunta na lang ako sa side ko which is yung kamang malapit sa veranda at inayos ang mga gamit ko, yung kama kasi malapit sa pintuan ang pinili nung magkapatid, buti na lang at si Maribel ang makakatabi ko. Okay lang na sungit sungitan ako ng ibang tao basta ang mahalaga, may isang tao padin akong makakausap despite my situation. (:

Mr. Mafia PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon