Chapter 56: Ms. Mataray

10.2K 264 38
                                    

Chapter 56: Ms. Mataray

•••Ann Dee•••

Nagising ako dahil sa sunod sunod na tawag. Wala sana akong balak sagutin ito but the caller seems persistent. Aish. Anong oras na ba? Iminulat ko ang isang mata ko at pilit kong inaninag ang orasan sa may bed side table ko.

6:00 AM.

What the heck? Who in their right mind would call at this hour? Naiinis man, kinuha ko narin ang cellphone ko para sagutin ito pero agad na nawala yung inis na nararamdaman ko nang makita ko ang pangalan ng taong tumatawag sa akin.

Uwak Calling ...

I didn't waste any more time, I immediately answered his call, halos magkanda-utal na rin ako sa pagsagot dahil hindi ko ini-expect na tatawag sya. "H-hello Raven? Napatawag ka?" I tried to act normally or should I say I tried to act like a person who just woke up, baka kasi isipin nya masyado akong excited na sagutin ang tawag nya.

[Wala naman, na-miss lang talaga kita] malambing na sagot nya. Inilayo ko ang cellphone na hawak ko at impit akong tumili. Ano ba? Hindi pa nga ata tuluyang sumisikat ang araw pero heto at nagpapakilig na sya. Aish. Pero hindi dapat ako magpahalata na kinikilig ako dahil baka asarin nya lang ako so I cleared my throat and I tried to speak normally.

"Miss you too , pero pwede ba kapag tatawag ka yung tipong mga alas otso or alas nuwebe na ng umaga? Medyo panira ka kasi ng tulog ehh" kunwa ay reklamo ko.

[Oo na oo na , sige na bumalik ka na sa pagtulog. Matulog ka boung araw, gigisingin na lang kita sa pamamagitan ng halik ko]

Natigilan ako sa sagot nya. Ha-halik talaga? Mabuti na lang talaga at hindi ko sya kaharap ngayon, dahil kapag nakita nya ang namumula kong mukha, paniguradong aasarin nya ako ng walang humpay. "EWAN KO SAYO!" sigaw ko para itago ang hiyang nararamdaman ko. Narinig ko syang tumawa ng mahina pero saglit lang yun dahil bigla na naman syang naging seryoso.

[Anyway, bago ko makalimutan, can you call me if ever na magawi si Cloud dyan? I really need to talk to him asap. Thanks and I love you!]

He ended the call after that. Bakit nya kaya hinahanap si Cloud? Masyado pang maaga kaya balak ko sanang bumalik na lang sa pagtulog pero gising na gising na ang diwa ko kaya hindi ko na magawang makatulog lalong lalo na at nabanggit ni Raven si Cloud. Now that I think about it, what happened yesterday didn't end well. Nag-usap kami ni Cloud pero taliwas sa inaasahan ko ang nangyari.

I offered him friendship, unfortunately he rejected my offer. Aaminin ko nasaktan ako sa sagot nya but I need to respect his decision if that's what he really wants. Alam ko na nasaktan ko din sya dahil umasa sya pero hindi ko naman kayang pilitin ang sarili ko na mahalin sya. Pwede akong mag-panggap pero kung gagawin ko yun pare-pareho lang kaming masasaktan.

Mali ba ang desisyon kong piliin ang taong mahal ko?

Anyway, since I can't go back to sleep anymore magluluto na lang ako ng breakfast. Palabas na ako ng kwarto ko nung makasalubong ko si Phoenix, mukhang kagagaling nya lang sa pagtakbo dahil hinihingal sya.

"A-ate ... B-baba ... dyosa!" Phoenix said in between breaths.

"Ano?" naguguluhang tanong ko, hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi nya. Hindi nya ako sinagot at basta nya na lang hinawakan ang braso ko at basta nya na lang din akong hinila. "Hey!" protesta ko pero sige parin sya sa paghila. Di kaya naka-drugs ang kapatid ko?

Mr. Mafia PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon