Chapter 30: Mr. Madaldal

12K 393 11
                                    

Chapter 30: Mr. Madaldal

•••Ann Dee•••

"Cheers!" Itinaas ni uwak yung boteng hawak nya at hindi nya ito tinutungga hanggat hindi ko din itinataas yung boteng hawak ko. "C-cheers" napipilitang sabi ko. Hindi ko alam kung pang-ilang cheers na namin to, basta ang alam ko lang, medyo mapungay na ang mga mata nya at medyo nahihilo nadin ako.

Oo at lasang softdrinks lang yung pinainom nya sa akin pero may alcohol content padin yun kaya nga sa tuwing aayain nya ako ng cheers itinataas ko na lang yung bote ko pero hindi na ako umiinom. Ayoko namang pilitin ang sarili ko na ubusin yun. Bakit mo pipilitin ang sarili mo kung hindi na nga kaya ng katawan mo hindi ba?

"A-alam mo bang gwapo ako?" Bigla ay sabi ni uwak. Hindi makapaniwalang tinignan ko naman sya. Lakas tama? GGSS lang masyado? Yan ba ang epekto ng alak sa kanya? Mas lalo syang nagiging mahangin?

"Okay" tipid na sagot ko pero mukhang hindi sya nakontento sa naging sagot ko.

"Gwapo ako, alam mo ba yun?" Pag-uulit nya sa sinabi nya. Grabe, ang kulit lang.

"Oo na, oo na, alam kong gwapo ka, alam na din ng boung pilipinas na gwapo ka, in fact boung mundo alam na gwapo ka" hep. Wag kayong assuming. Hindi sa sumasang-ayon ako sa kanyang gwapo sya, but I've seen enough shows and movies, mas madaling kausap ang lasing lalo na kapag sinasang-ayunan mo lang ng sinasang-ayunan ang lahat ng sinasabi nya.

"You got that right! Ang gwapo gwapo gwapo ko talaga! Alam mo ba, sa sobrang kagwapuhan ko, may araw na nahihirapan na ako, kaw ba naman, magkandarapa ang mga babae sayo dahil sa sobrang kagwapuhan mo! Aish. Amputs! Ang gwapo ko talaga!"

Yeah right. I just rolled my eyes at him, eh pano ba naman paulit ulit na lang sya sa pagsasabing gwapo sya. Tss. Kung hindi sya nagsasawa, pwes ako, naririndi na ako!

"Tsk. Bat ba ang sungit sungit mo pagdating saken ha?!" Medyo galit na sigaw ni uwak. Aish. Eto na! Gantong ganto yung mga lasing na napapanuod ko sa mga movies, daig pa ang bipolar kung mag-mood swing! Hindi ako nagsalita at nagtataka ko lang syang tinignan, hindi ko kasi alam kung ano ang ginawa ko or nasabi ko na hindi nya nagustuhan. "Yan! Hindi mo ba alam na nakakainis yan?! Asar na asar ako dyan kung alam mo lang!" Muli ay sigaw ni uwak habang nakaturo sa ibaba ng mata ko.

Hindi ko alam kung ano yung sinasabi nyang 'YAN' pero base sa itinuturo nya sa ilalim ng mata ko, isa lang naman ang makikita mo dun at yun ay isang maliit na nunal. Don't tell me kinakabadtripan nya yung nunal ko??? Grabe naman, pati walang kamalay malay na nunal pinagdidiskatahan nya.

"Ano bang problema mo sa nunal ko ha!" Lakas loob na tanong ko. Tss. Siguraduhin lang nyang matino ang sagot nya dahil kung hindi babangasan ko talaga sya ng malala!

"Nunal??!!! What the fuck are you talkin about???!!! Tss. Isa pa yan sa mga kinakaasaran ko sayo ehh! Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi mo!" Pagkatapos yang sabihin ni uwak ay bigla na lang syang tumungga mula sa iniinom nya. Lalo naman akong naguluhan dahil sa sinabi nya. Eh kung hindi yung nunal ko ang kinaiinisan nya, ANO?

"Eh kung hindi yung nunal ko, ANO?!"

"Tss. I'm not talking about your freakin mole! Yang pag-irap irap mo sa akin, yan ang nakakabadtrip! Eh kung dukutin ko kaya yang eyeballs mo?! Aish! Idagdag pa yang pagka-slow mo!!"

Aaahh yun pala yun, akala ko kung ano na ehh. I rolled my eyes at him again, wala eh, di ko mapigilan. Mukhang nakita nya naman yung ginawa ko dahil sinamaan nya ako ng tingin at bukod dun ay pinagpatuloy nya ang paglilitanya nya. Napakadaldal namang lasing neto.

Mr. Mafia PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon