CHAPTER THREE.
FRIDAY
Soireè party na namin ngayon. Ano ba magandang suotin?
"Hoy Chinhae ano susuotin mo para sa soireè party mamaya?" Tanong ko kay Chinhae.
"Damit, beh malamang. Duhh" Sarkastiko niyang sagot.
Binatukan ko siya. Aba nagtatanong kaya akong maayos.
"Aray! Oo na. Magsusuot ako ng pants at t-shirt. Okay na?" Malamang. Alanganamang mag gown ka? Sabunutan na kita eh. De jk.
"Ewan ko sayo, kay Misook na nga lang ako magtatanong" Umakyat ako dun sa double deck na bed.
Oo, double deck mga kama dito. Dun siya sa taas tapos ako naman sa baba. Nakita ko siyang nakatalikod at nakakumot pa.
"Uy lam mo ba yung nangyari sakin dun sa classroom nila Jin? Grabe sobrang ingay nila doon. Si Namjoon, yung mukhang badjao. May paparty party pang nalalaman tapos si Jungkook lang matino. Buti nga tinulungan niya ako na magpatahimik ng classmates niya eh. Oo nga pala, friday na ngayon. Misook, ano susuotin mo mamaya sa soirèe party?" Kinwento ko sa kanya yung nangyari at tinanong ko na din kung ano susuotin niya mamaya.
Nagantay ako ng sagot ngunit wala akong nakuha. Punmedyas naman. Wala ba akong makakausap sa dorm ng matino? Mga kaibigan talaga. Mahal na mahal ako eh no? Inaantay ko pa din siyang sumagot.
Nang nakarinig ako ng tunog. Humihilik si Misook. Putspa. Tulog pala. Kanina pa ako daldal ng daldal dito tas yun pala tulog?! Nasayang yung dirty watereu sa bibig ko!
Bumaba ako ng double deck at nakita kong nagiinat at nagising na si Misook. Ang ganda ng timing mo teh?!
"Goodmorming!!" Sigaw sigaw pa niya. Aba good mood ata to ah.
"Uy, Eunbi. Alam mo bang napanaginipan kita na kinekwentuhan mo ako?" Kwento niya. Parang di pa makapaniwala at manghang mangha si bruha.
Ewan ko sayo. Punta na nga lang ako kay Dahyeon.
Ayun, wala. Nasa banyo pala. Kumakanta pa.
"Sukosyimah no, no, no asdfgh no, no, no lkjdldjs" No no no pala yung kinakanta niya. Siguro nagsasayaw din yun dun. Aba ewan ko.
Tanghali na. Kailangan nang kumain ng lunch. Pumunta kami sa cafeteria ng school at umorder na ng pagkain.
"Fried Chicken?" Tanong sakin ni Misook.
Tumango lang ako habang dala dala yung tray sa table namin.
"Kakain naman tayo mamaya din ng Fried Chicken ah? Bat nag fried chicken ka pa?" Dagdag pa niya.
"Ehh, okay lang yan. Favorite ko eh" Sabi ko sabay kagat sa hita nung chicken.
Bumalik na uli kami sa dorm pagkatapos kumain. At inantay hanggang mag 5 pm.
"Eunbi! Ikaw na unang maligo! Ikaw pinakamabagal maligo satin!" Sigaw ng Dahyeon.
"Ikaw kaya yun! Kumakanta kanta ka pa kasi eh!" Sigaw ko pabalik.
"Hoy Dahyeon, Ikaw na mauna maligo. Bilisan mo lang"
"Opo ma'am Chinchin" Sagot naman neto habang kumukuha ng towel at damit niya.
BINABASA MO ANG
Skool Luv Affair [BANGTAN BOYS]
FanfictionPano nga ba kung naging kaklase mo yung mga top 7 na makukulit sa eskwelahan nyo? • Fanfiction story about BangTan Boys. And the lead character is Jeon Jungkook!