CHAPTER SIX.At binato ko sa kanya pabalik yung may kagat na manok.
Pero agad niya naman tong nasangga ng plato niya. At ang masama natamaan pa yung natutulog.
"What the fu-" Napatigil siya nang biglang binato siya ni Jimin ng pizza sa mukha. Hala sayang yung pagkain.
"Punyeta. Ano bang nangyayari dito?" Sigaw sigaw ni Yoongi habang nakasabit pa sa buhok niya yung may kagat na manok, at may bakat pa ng pizza sa pagmumukha niya.
"Eunbi!! Eto na yung pagk-" Nakita kong may dala dalang tray si Jungkook papunta sa table namin. Ayun oh. Nadapa pa. Lampang bata.
Nadapa siya kung saan nakaupo si Namjoon. Natapunan tuloy si Namjoon ng chicken at gravy sa ulo.
"What the hell?!" Sigaw sigaw naman nito. Habang tinatanggal yung manok sa ulo niya.
Nakita ko namang tumungtong si Hoseok sa lamesa.
"FOOD FIGHT!!! WHOOOOO!!" Pagsisigaw pa neto. Habang binubuhos yung softdrinks kung saan saan. At nagsasayaw na parang timang.
Sumama naman tong si badjao. Umakyat din to ng lamesa. Patay kang kabayo ka baka mabugbog ka ng badjao jan.
"LET'S PARTY WHOOOOO!!" Putspa?! Nagsisigaw din habang may gravy pa sa ulo niya. At nagsasayaw nanaman ng parang seaweed. Akala ko galit to?!
Nakita ko namang nagbatuhan na rin yung ibang estudyante. Nga nga. Akala ko pa naman magiging matino ko silang makasama ngayon. Maling mali ang aking akala. Napafacepalm nalang ako sa mga nangyayari.
Nagtakip na ako ng plato sa ulo. At lalabas na ako ng cafeteria para di na ako madamay pa sa gulo.
Nasa may pinto na ako sa wakas. Papalabas na sana ako ng cafeteria ng biglang may pumasok sa pinto.
"WHAT HAPPENED HERE?!?!" Anak ng taba naman oh.
Tinuro naman nung mga estudyante yung 7 na lalaki. Buti nalang nakalayo na ako sa kanila hay salamat.
"ALL OF YOU!! IN MY OFFICE NOW!!" Nagsisigaw naman eto. Yung principal pala namin yung dumating.
Byers! Takas na me mga timang!! HEEHEHEHE.
"LEE EUNBI!!!" Aba. Punyeta.
May biglang humatak sa likod ko at kinaladkad ako. Madadamay pa ako?! Galing naman talaga hay nako.
"Kasali ka din diba? HUEHUEHUE" Hinatak naman ako nito bigla at biglang inakbayan.
"Ano ba?! Wag mo kong idamay dito!!" Kinagat ko naman yung braso nito.
"Aray!! Hindi manok yung braso ko!! Punye-"
"KIM SEOKJIN AND LEE EUNBI!!" Pagsisigaw pa nung principal. At sumenyas na sundan siya.
Sinundan naming 8 yung mabibigat na yapak ng paa ng principal namin. Hay nako, magkakaron na talaga ako ng deduction at punishment. Wag naman sana pls.
BINABASA MO ANG
Skool Luv Affair [BANGTAN BOYS]
Fiksi PenggemarPano nga ba kung naging kaklase mo yung mga top 7 na makukulit sa eskwelahan nyo? • Fanfiction story about BangTan Boys. And the lead character is Jeon Jungkook!