p r o l o g u e

43 6 0
                                    

PROLOGUE.



Ako nga pala si "Eunbi" simple lang akong babae na medyo masungit at may makulit na personality, mahal ko ang mga kaibigan ko.

15 years old at isang Grade 10 student. May tatlo akong matatalik na kaibigan. Si Misook, Chinhae at Dahyeon.

Si Misook, siya yung kaibigan ko na kayang magbago ng mood sa isang segundo, At singkit siya. Halos di na makita mata niya eh. Pero mabait siya, masiyahin at tumatayo bilang pinaka ate sa aming apat.

Si Dahyeon naman. Isa din tong singkit. Siya pinakamaliit samin. Makikita mo kagad sa mukha niya kung anong mood meron siya, kapag masaya siya, mahahawa ka sa kanya kakatawa, pero pag malungkot siya para siyang bata na kinuhaan ng pagkain at laruan. Pero tong kaibigan kong to mabait siya at matalino.

Si Chinhae naman. Eto yung kaibigan ko na mahilig magbasa, magdrawing at magsulat ng kung ano ano. Minsan magugulat ka nalang sa kanya na tawa siya ng tawa. Minsan naman nakasimangot siya. Pero si Chinhae, madali mo siyang makasama, mabait din at siya pinakamatangkad samin.

Ako naman. Ako yung pinakabata samin. (Makabata naman to, parang years agwat, Months lang naman eh! HAHAHAHA.) inosente daw ako tsaka baby daw ako, ang nene ko pa daw. Wews! Hindi kaya!

Yung school nga pala namin, sabihin na nating yamanin mga estudyante dito. At tsaka, mayaman din tong school na to.

May dorm kasi sa school mismo. So bale, yung mga students na pumapasok dito, dito na din natutulog, nagbibihis, naliligo chu chu. In short, eto na din yung parang bahay ng mga students.

Pero kapag weekends naman, pwede kaming umuwi sa bahay talaga namin or kung may emergency talaga.

4 to 3 students ang pwede sa isang room na magiging bahay na ng mga students. Masaya ako dahil kasama ko yung tatlo kong kaibigan dito.

Pero ang maganda dito, magkahiwalay ang building ng school namin sa building ng mga dorm namin. Kasi grabe naman, pagsamahin ba naman ang school at bahay?!



><><><><><><><><><><><><><>

Hello Guys! Sana may bumabasa pa neto. Hahaha! Move na kayo sa chapter one! Thank you! Bangtan sa mm!

LABYU!

-ikay :>

Skool Luv Affair [BANGTAN BOYS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon