Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Prologue

503K 5.4K 287
                                    

Prologue


HER POV

I once believed in love. Pagkatapos no'n, hindi na naulit pa.

Akala ko talaga siya na. Akala ko we have a perfect relationship na talaga namang kaiinggitan ng marami. Relationshit pala. Four years... hindi biro ang pinagsamahan naming dalawa. Siya lahat ng first ko but we ended up hurting each other nung malaman niyang buntis ako.

"Ipalaglag mo yung bata. Shit! Magagalit ang parents ko nito kapag nalaman nilang nakadisgrasya ako!"

What? Nakadisgrasya? Girlfriend niya ako!

"Nababaliw ka na ba, Leo?! Dugo nating dalawa ang pinag-uusapan dito!" sigaw ko sa kanya.

Halos mahilam na ang mata ko sa luha para lang magmakaawang panagutan niya ako. Akala ko matutuwa siya kapag nalaman niyang magkakaroon na kami ng anak, hindi pala.

Tama nga sila kung ano yung mga bagay na ineexpect mo, yun pa ang hindi magkakatotoo.

"Marie, I'm sorry, pero ako na lang ang nag-iisang tagapagmana ng kumpanya namin. Hindi ko silang pwedeng biguin." Marahas niyang binitawan ang kamay ko at iniwan akong mag-isa sa kalsada.

Damn it! Kahit anong gawin kong sigaw ng pangalan niya, hindi niya ako nililingon!

Alam ko nabigla lang siya. Bukas kakausapin ko siya ulit.

Mahal niya ako. Kaya nga tumagal kami, 'di ba?

HIS POV

Hindi ako naniniwala sa love.

Kalokohan lang 'yan. Pero kinain ko lahat ng sinabi ko nang isang beses, matitigan kong mabuti ang mukha niya.

Napamura na lang ako sa isip ko at nasabing "Love at first sight? Second sight? Third sight?" Tangina. Ang corny, 'di ba?

Kung noong mga bata pa lang kami, inaasar ko na siya dahil ang taba-taba niya. Ngayon namang malalaki na kami, hindi ko akalain na palihim akong naglalagay ng sulat sa locker niya.

Misha...

Palagi siyang tumatakbo sa puso at isip ko.

O, 'di ba napakakorni ko?

Fourth year high school ako nang magtapat ako sa kanya. Bale first year college naman siya.

Mas matanda siya ng isang taon sa akin. Hinintay ko pa talagang grumaduate siya bago ako magtangkang manligaw sa kanya. Ayoko namang ulanin siya ng tukso sa school dahil nililigawan siya ng isang nerd na katulad ko.

Nakakagago kasi, e. Sobrang kapal ng salamin ko na kulang na lang mabulag na ako. Naka-brace din ako na sobrang sakit talaga sa gilagid. Kung dati siya ang palagi kong inaasar, naiba naman 'yon nang mag-high school kami. Ako naman ang inaasar ng lahat.

"Sinasagot na kita, Drake." Halos lumundag ang puso ko nang marinig ko 'yan mula sa kanya.

"Talaga, Misha?!" sigaw ko. Ngumiti siya at tumango-tango. Lahat ng tao sa school nila ay nakatingin sa amin dahil na rin bigla ko siyang niyakap.

"Yuck. Ang nerd naman nung yumakap do'n sa babae." Hindi ko pinagbigyang pansin iyon. Ang mahalaga sa akin, yakap ko ang babaeng kauna-unahang nagpatibok ng puso ko.

Isang buwan ang lumipas, monthsary na namin, pinuntahan ko siya sa school nila para bigyan siya ng bulaklak. Masaya na sana kung hindi ko lang narinig ang pag-uusap nila ng kaibigan niya.

"So, nagawa mo na yung pustahan, Misha! Ito na ang prize!" masayang-masayang banggit ng kaibigan niya. Sa pagkakatanda ko, schoolmate ko rin noon ang kaibigan niya.

"Guys, masasaktan si Drake." Boses niya yon. Biglang nanikip ang dibdib ko. Sa sobrang sakit, nabitawan ko ang bulaklak at nagbalak akong tumakbo pero dahil na rin sa luha sa mata ko at sa labo nito, nadapa ako. Anak ng.

"Drake?!" narinig kong tawag niya sa akin. Kaagad akong tumayo at nagmadaling makasakay sa kotse ko.

Totoo ngang may pagmamahal. Pero magiging totoolang 'yon kapag naramdaman mo yung sakit... Kapag naramdaman mong parangmamamatay ka na sa sobrang sakit.


Just Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon