Kabanata 3
Tinignan niya ako nang matagal. Yung tipong parang lalamunin na niya ako sa mga titig niya.
"H'wag ka ngang magpatawa diyan, Drake!" And for the first time, tinawag ko siya sa pangalan niya.
"Napakaplastik ng tawa mo. Pati tono ng pananalita mo, plastik. Psh," iritadong sabi niya at tumungga ulit ng beer. Napataas ang isang kilay ko.
"Wow ha? At marunong kang makinig ng tono sa pagtawa?!"
"Napaghahalataan ka kasi. Nagpapanggap kang matigas sa labas, pero sa loob loob mo, nasasaktan ka. Iiyak mo yan," ma-awtoridad na sabi niya. Lumunok ako. Sino ba siya para sabihan ako?
"Wala kang alam," matipid na sabi ko saka tumayo na ako sa pagkakaupo. Hinila niya ang kamay ko at pilit ulit akong pinapaupo.
"Ano ba?!"
"Psh, duwag ka. Kung gusto mong umiyak, umiyak ka! Para mawala yung sakit!" nakangising sabi niya pero punong-puno ng pang-aasar ang boses niya na kulang na lang, isampal niya sa mukha ko na mahina ako.
Hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Narinig kong tumayo na rin siya.
"Hatid na kita," alok niya.
"No, thanks."
"O-okay!" nakangising sabi niya. At nanlaki ang mata ko nang sumakay siya sa kotse niya at pinaandar yon!
Tanga ba siya?! Hindi ba niya nahahalata na naiinis ako sa kanya?! Bwisit. Naglakad ako sa highway at nagbabaka sakaling may dumaan man lang kahit isang taxi! Pero wala! Naglakad na lang ako.
"Napakaplastik ng tawa mo. Pati tono ng pananalita mo, plastik. Psh."
Nag-echo sa isip ko yung sinabi niya. Gano'n na ba ako kahalata? Gano'n na ba kahalata na nasasaktan ako? Binubura ko naman yung sakit, eh. Kaya lang, habang tumatagal kasi, mas lalo lang tumitindi yung sakit na nararamdaman ko.
Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako habang naglalakad sa kawalan.
___
DRAKE'S POVDahan-dahan kong pinapaandar ang sasakyan ko. Akala siguro niya iniwan ko talaga siyang mag-isa ro'n. Hindi naman ako gago para mang-iwan ng babae sa walang taong lugar. Baka mamaya mapa'no pa siya, kasalanan ko pa. Umikot lang ako, at heto ako ngayon, patagong sinusundan siya. H'wag lang siyang magkakamaling lumingon kundi mahuhuli ako.
Napansin kong humihikbi siya, at napailing na lang ako. Sinasabi ko na nga ba, e. Nasasaktan 'yan. Nagpapanggap na matapang duwag naman.
Natatawa pa rin ako sa tuwing maaalala ko kung paano niya ako hilahin nung una kaming nagkakilala. Siya lang yata yung babaeng naglakas loob na kaladkarin ako sa harap ng maraming tao. Hindi ba siya nahihiya sa itsura ko? Pero mabuti na rin 'yon kahit papaano naging best friend ko na siya. Oo, gago ko na kakikilala ko pa lang, best friend agad. Hindi naman ako tanga, pero naghahanap lang ako ng mapaglalabasan ng sama ng loob. E mukhang okay naman siyang kausap.
Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-ring yon. Malabo ang mata ko pero halos magwala yung puso ko nang makita ko kung sino 'yong tumatawag.
Ang babaeng nanakit sa akin ng sagad sa buong sistema ko. Iniwas ko ang tingin sa cellphone ko. Ayokong marinig kahit boses niya. Unang beses lang ako nagmahal tapos gaguhan pa?
Napakunot ang noo ko nang mawala sa paningin ko ang best friend ko. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko para hanapin siya. At parang nakahinga ako nang maluwag nang makita kong nakaupo siya sa isang malaking bato. Umiiyak pa rin siya. Pero iba na yung iyak niya. Nakahawak na siya sa dibdib niya na para bang nahihirapan siyang huminga.
Kaagad akong bumaba at nilapitan ko siya. Sobrang lakas ng paghinga niya na parang hinahabol niya ito.
Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya at tiningnan ko ang mata niyang hilam na hilam sa luha.
"Kei Marie!" sigaw ko dahil parang hindi pa rin niya alam na nasa harapan na niya ako. Inalog alog ko pa siya sa balikat niya.
"S-sabi mo... iiyak ko lang, 'di ba?! Mawawala na yung sakit... P-pero... G-gago ka! Mas lalong naninikip yung puso ko!" Namumutla siya! Hinila ko ang bag niya at tiningnan ko kung may tubig siyang dala, pero wala. Binuhat ko siya at mabilis na pinaupo sa harapan ng sasakyan ko. Naghagilap naman ako ng tubig sa compartment ko. Tae, bakit puro beer?! Putang ina! Kulang na lang itapon ko lahat ng laman ng compartment ko para lang makahanap ng tubig!
At parang kuminang yung mata ko nang makita ko ang nag-iisang mineral water. Kaagad kong kinuha 'yon at tumakbo ako palapit sa kanya. Mabilis ko siyang pinainom ng tubig pero namumutla pa rin siya!
"Dadalhin kita sa ospital!" suhestiyon ko.
"Ayoko!" sigaw niya at kahit nahihirapan pa siya, tumayo na siya at naglakad pero hinila ko ang kamay niya.
"Bitawan mo nga ako!"
"Ihahatid na kita. Hindi ka pwedeng umuwi mag-isa." Sa sitwasyon niya, alam kong hindi niya kayang umuwi mag-isa!
"Pakialam mo ba?! Ano ba kita? Samantalang kakikilala mo palang sa akin!"
Mariin kong ipinikit ang mata ko. Takte, paulit-ulit?
"Best friend nga kita, 'di ba?" sabi ko. Natigilan naman siya. Doon na ako nakakuha ng pagkakataon para hilahin siya pero nagmatigas na naman siya.
"Uuwi akong mag-isa!" sigaw niya. Bakit ba ang kulit niya? Kapag ganitong naba-badtrip ako, iiwanan ko talaga siya rito. Pero siyempre, hindi ko naman gagawin 'yon! Kaya naman hinila ko siya sa baywang niya at halos mabingi ako sa pagsigaw niya nang buhatin ko siya na parang isang sako ng bigas!
"Ahh! Damn you! Fuck! Ibaba mo ako!" sigaw niya at pinaghahampas ang likod ko.
"Tangina. Pwede ba h'wag kang magmura!" suway ko sa kanya
"Gago ka! Wala kang pakialam kung magmura ako o hindi!" sigaw niya.
"Alright, bahala ka sa buhay mo," walang ganang sabi ko at binuksan ko na yung kotse ko saka pilit ko siyang pinasakay. Pinanlisikan naman niya ako ng mata.
"H'wag kang magtatangkang bumaba. Hahalayin kita dito," pananakot ko. Tae, malay ko sa panghahalay. Oo na, nakapanood na ko n'on, pero para manahimik lang siya, kailangan takutin ko siya kahit isang beses lang. Pero mukhang nagkamali yata ako. Itong babaeng 'to? May kinatatakutan?
"Halayan ba? Baka gusto mong ikaw ang halayin ko?! Hoy! Baka nakakalimutan mo, unang pagkikita natin, sinigaw mo sa mukha ko na never been touched, never been kissed kang hayop ka." Natulala ako sa sinabi niya.
"Oh? Ba't namumula ka?" natatawang sabi niya.
"Namumula? Kalokohan mo," bulong ko.
"Uyyyy... namumula." Napapatawa na lang ako sa pagbabago ng mood nitong babaeng 'to. Hinila ko yung seatbelt at marahang kinabit iyon sa kanya.
"Sweet mo, ah? Ginawa mo rin ba 'to sa kanya?" pang-aasar niya na hindi ko nagustuhan. Padabog kong isinara yung pinto ng passenger seat at umikot para makasakay na rin.
Hindi na siya nang-asar. Nahalata yata na hindiko nagustuhan yung tabas ng dila niya. Sweet? Kahit kailan yata hindi konarinig yan kay Misha. Sa loob ng isang buwan na naging girlfriend ko siya,hindi ko naman naramdaman na ayaw niya sa akin, e. Magaling kasing maglaro ngdamdamin ng iba. Napailing na lang ako. Ang gago ko kasi. Kahit sinaktan niyaako, yung puso ko parang gago na nagwawala pa rin sa tuwing maaalala ko siya.
BINABASA MO ANG
Just Fall In Love Again
General FictionAfter being hurt in her previous relationship, Kei Marie Gonzales vows never to fall in love again. But when she meets the stubborn Drake Cortezano, Marie wonders if opening her heart again isn't a bad idea at all. *** Kei Marie Gonzales is left hur...
Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte