Kabanata 4
DRAKE'S POV
Pagkahatid ko sa kanya, dumeretso na rin ako pauwi sa bahay namin. Pero hindi ko inaasahan ang taong makikita ko sa tapat ng bahay namin. Ang gago ng malabo kong mata, hanggang ngayon, maganda pa rin siya sa paningin ko kahit sinaktan niya ako.
"Drake." Para akong timang tuwing maririnig kong tinatawag niya ang pangalan ko.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" walang ganang tanong ko. Lalagpasan ko na sana siya dahil hindi rin naman niya sinagot ang tanong ko. Pero hinawakan niya ang braso ko.
"Drake, I'm sorry. H-hindi ko sinasadya."
"Alin ang hindi mo sinasadya? Ang gaguhin ako? Dahil ba 'to sa pang-aasar ko sa 'yo nung mga bata pa tayo? Ayan na, panalo ka na! Masaya ka na?! Nasaktan mo na ako!" Ayokong sigawan siya pero hindi ko mapigilan! Dahil hanggang ngayon, masakit pa rin yung ginawa niya.
"Hindi! Drake hindi yon!" Ngayon iiyak-iyak siya?
"Then, what?! Aminin mo nga sa akin, Misha. Ano'ng pinagpustahan niyo para magawa mong gaguhin ako nang ganito?!" Sandali siyang natigilan sa tanong ko. Nanginginig ang mga kamay niya at halatang natatakot sa pagsigaw ko!
"M-money," matipid na bulong niya na naging dahilan para mas lalong umapaw ang galit sa puso ko.
"P-pera?! Naghihirap na ba kayo, Misha?! Bankrupt na ba yung kumpanya ng lolo mo na ipapamana sa daddy mo?! Imposible naman yatang hindi ka binibigyan ng pera dahil kung kuya mo nga niregaluhan ng studio ng magulang mo! Ikaw pa kaya na pangalawang anak?!" Puta, pera?! Kapalit ng pagpapaikot sa akin? Nanatili siyang nakatungo habang umiiyak."H'wag kang umiyak, Misha, dahil wala kang karapatang umiyak sa ginawa mo sa akin. Sana umpisa pa lang, sinabi mo nang pera lang pala ang katapat mo para hindi na kita niligawan, babayaran na lan—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang dumapo sa mukha ko ang kamay niya!
Sinampal niya ako.
"Hindi ko kailangan ng pera mo, Drake, dahil marami kami niyan. Oo, niloko kita nang dahil sa pera! Niloko kita just for fun pero hindi ko naman akalain na gano'n kabilis kitang mamahalin! Kaya natalo ako sa pustahan!" galit na galit na sigaw niya sa akin. Shit. Kasalanan ko pa ngayon kung bakit natalo siya? Anong klaseng buhay 'to? Bakit ngayong sinasabi niyang mahal niya ako, mas lalo lang akong nasasaktan? Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at mariin ko siyang tinitigan sa mata.
"Tandaan mo, Misha, pagsisisihan mong ginago mo ako. At kapag dumating ang araw na 'yon, hinding-hindi mo ako mabibili. Kahit ubusin mo pa lahat ng pera niyo."
Tinalikuran ko na siya. At pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay, doon na nagsimulang tumulo yung gagong luha ko para sa kanya.
"Kuya, pinatatanong ni Mama kung hindi ka ba daw talaga sasama sa Japan next month?" tanong ng kapatid kong si Yesha.
"Sasama na ako."
______
MARIE'S POV"Hep! Sa akin 'to!"
"Ako ang nauna kaya sa akin 'to!"
Aba't! Kanina pa niya sinasagad ang pasensya ko, ha! Nakikipag-agawan lang naman sa akin itong isang bata sa dress na nakita ko rito sa department store! Ako ang nauna kaya sa akin dapat mapunta 'to! Kailangan kong mabili 'to para sa birthday ni Rica mamaya!
Nakipagtitigan sa akin ang babae kaya naman hinila ko ulit ito.
"Mineeee!" sigaw ko. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami rito sa mall.
"Ah... Eh... Ma'am, marami pa po kaming stock niyan. Kung gusto niyo, ikuku—"
"Hindi! Gusto ko ito!" halos magkasabay na sigaw namin nung babae. Nagkatinginan kaming dalawa at sa hindi malaman na dahilan, nagkatawanan kami na parang baliw.
BINABASA MO ANG
Just Fall In Love Again
General FictionAfter being hurt in her previous relationship, Kei Marie Gonzales vows never to fall in love again. But when she meets the stubborn Drake Cortezano, Marie wonders if opening her heart again isn't a bad idea at all. *** Kei Marie Gonzales is left hur...
Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte