Whisper's POV
Okay. 2 days ng hindi nagpaparamdam sakin yang si jupiter ah, porket ba nandyan na ung ivy niya kakalimutan niya na ako?!! Bwisit na yun! Bibigwasan ko talaga yun pag nagkita kami! Speaking of 2 days. Di ko parin nakikita yung lalaking antipatiko/gentleman/poging tumulong sakin 2 days ago! Bwiset na regla naman kasi ito! Jusko ang ganda tumiming!
Tinatamad akong pumasok ngayon sa school. Nakakasawa mukha ng mga teacher! Gusto ko lang humilata at hintaying tawagan naman ako ni jupiter. Namimiss ko na siya.
Tinext ko nalang siya, baka sakaling maalala niya pa ako.To: Babykuko<3
HOY! BUHAY KA PA BA? KILALA MO PA BA AKO? USO MAGPARAMDAM!!
sent.
Bakit siya ganon? Bumalik lang yung perslab niya di na niya ako pinapansin! Ano ako? Substitute? Letse siya. Pero kahit ganun, mahal ko pa din siya. Kahit masakit.
SCHOOL
Kahit tinatamad ako, pumasok parin ako, sayang ang lessons eh. Masyado akong maganda at matalino para maging tamad! Char!
Natapos na ang buong klase pero hindi parin pumapasok si kuko. Hindi kaya may sakit yun? Hala baka namatay na yun! Wag naman sana lord! Di ko oa natitikman yun eh! Charot!
After class, I decided na pumunta sa bahay nila. I am so nagaalala na talaga sa kanya. Bakit ang conyo ko?
Saktong papalapit ako sa gate nila ng lumabas siya. Ang hot talagang kuko ko! Naka boxers lang siya noong lumabas siya. Yummy!
Sisigawan ko na sana siya kaya lang may lumabas din na kasunod niya.Si ivy.
So all this time na hindi siya nagpaparamdam? Na hindi siya nagpapakita? Na akala ko may sakit na siya! Na akala ko patay na siya! Ay kasama niya iyang hitad na yan? Buong umaga? Or maybe, kagabi pa yan dito! Dito natulog at. at. at.
Naramdaman ko nalang na may mainit na tumulo sa pisnge ko noong nakita kong hinalikan siya ni ivy. Sa lips. Take note, sa lips! Kung gusto lang naman niya ng kiss edi sana sakin siya nanghingi! All he need is to ask! Kahit torrid o french kiss or whatever you call it ibibigay ko! Letse siya!!
BAKIT BA AKO NASASAKTAN? WALA NAMAN PALA AKONG KARAPATAN!
Nang nagawi sa akin ang paningin niya ay dali dali kong pinunasan ang luha ko, fuck these tears. Napalingon din sa akin si hitad at biglang sumimangot. Problema mo?
Kumaway nalang ako sa kanila at tumalikod, sabay takbo.Siguro sila na? Hindi lang siguro! Oo yun! Yes na yes! 3 years naging sila dati. Tapos wala pa silang closure. Maybe, this time is their sencond time. Extra lang talaga ako. Just a substitute of his lost love. Best friend niya lang naman ako eh, so wala akong karapatang maginarte ng ganito. Pero shit! Ang sakit!
Hindi pa ako nakakalayo ng may nag vibrate sa bulsa ko. I open it to see his text.
From: babykuko<3
Hey whis, bakit ka umalis agad? I have something to tell you.
No more napkin. Yeah, whisper nalang. He has something to tell? Na sila na? Na, he don't longer need me in his life because his great love is back, for good!
I took 1 last glance sa kanila at umalis na. Bahala ka letse.

BINABASA MO ANG
Love Me Again
Novela JuvenilAso't pusa kung magbangayan, pero hahantong din pala sa pagmamahalan. Former Mr. Planetang may kuko meets Ms. Napking kulay violet