Chapter 14

11 1 0
                                    

Whisper

Pagpasok na pag pasok ko sa room ay mukha na agad ni ku- ehem, jupiter, ang nakita ko. Okay, keep calm whisper, maganda ka, kailangan kalmado ka lang, keep clam and be beautiful.

"Hoy! Ano? Kamusta? Buhay ka pa pala ah!" Pabiro kong sabi sa kanya ng makalapit na ako. Ayokong masira ang araw ko, baka mukha ng jowa niya masira ko.

"Hey" hey your face asshole.

"Ano? Hey lang sasabihin mo? Kwento naman you!" Ganyan nga whisper. Ganyan nga.

"A-ayos lang naman. Bakit pala di mo tinuloy pag punta sa bahay kahapon? Bakit umalis ka agad?" Kasi mas masasaktan lang ako.

"Ah yoon ba? Ayoko makaistorbo senyo eh!"

"Hindi, pauwi na din naman siya noon eh" lampake sayo.

"Ah, doon siya natulog?" Me and my big mouth. Parang nagaalangan pa siya sumagot. Sabihi  mo na, kahit ano na namang isagot mo masasaktan padin ako eh.

"Oo eh. Lasing kasi siya kaya doon nalang" pero mas masakit pala pag mismong galing sa kanya.

"Naks naman! Boyfie to the rescue ang peg! Sid you two did it?" Please say no.

"What?! Of course no! I respect her!" And love her. Vow about me? What am I to you?

"Oh. Hina mo! Joke. Sige cr lang ako" pipigilan niya pa sana ako ng tumalikod na ako. Sakit eh. They're back together. Yehey, whatever.

Lahat ng luha ko, iniyak ko na kanina sa cr. Nakakainis, namamaga tuloy ang mata ko! Bwisit ka Jupiter!

Pabalik na ako sa room ng biglang may sumigaw.

"Hoy babaeng niregla! Ang tagal kitang hinanap! Yung T-shirt ko ibalik mo na!" Napalingon agad ako sa sumigaw at namula ng makita ko siya. Pesteng bwisit na to! Kailangan ipagsigawan?

Lumapit siya sa akin at pinitik ako sa noo.

"Aray ano bang problema mong ugok ka?!" Asik ko sa kanya. Ang sakit kasi putek!

"Di ka manlang ba magte thank you sakin kasi sinagip kita sa kahihiyan noong nakaraan?" Ang kapal ng mukha nito, swear.

"Edi thanks! Peste ka bakit kailangan mo pang ipagsigawan ha? Umalis ka nga sa daan harang ka din eh!" Nakaharang kasi malelate na ako nito eh!

"No! Akin na ang number at name mo, yung T-shirt ko ibalik mo na" aba aba, mabilis to ah!

"Name? Whisper. Number? Ulul. Bukas ko isaoli. Ngayon? Padaan dahil late na ako!" Punyeta talaga matigas ang bunbunan nito ayaw akong padaanin!

"Anong ulul? Ibigay mo muna. Hindi kita papadaanin kung hindi mo ibibigay!" Maabilidad ang batang ito.

Ibinigay ko nalang sa kanya at nagmadaling bumalik sa room.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong ni Jupiter.

"Wala kang pake!" Bwiset, maninet ang ulo ko nyeta siya.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon