Chapter 17

29 2 2
                                    

Jupiter

Sinundan ko si whisper ng lumabas siya sa classroom. Shit, umiiyak siya! Ang tanga tanga ko naman kasi! Bakit ko siya iniwang magisa kagabi! Hindi ko manlang naisip na baka mamaya kung ano na ang mangyari sa kanya, nagalala kasi ako kay ivy. Hindi malakas si ivy, hindi siya tulad ni whisper na kahit anong problema ay kayang kaya niyang harapin. Kung alam ko lang na false alarm lang pala iyon ay hindi ko siya iiwan!

Pag dating ko sa field ay doon ko siya nakita. Nakasandal sa lalaki. Hindi ko kilala yung lalaki dahil nakatalikod sila pero isa lang ang hula ko si louie. Fuck!

WHISPER

Hindi na ako pumasok sa classroom pagkatapos nun, pinakuha ko nalang kay louie yung bag ko, hindi ko siya kayang makita.

"Louie?"

Nilingon naman niya ako at agad nginitian. "Ano yun?"

"Pwede mo ba akong ihatid sa bahay?" Ayoko na kasing magisa.

Bigla namang nagliwanag ang mukha niya "Sure! Plano ko naman talagang ihatid ka eh. Bakit nga pala ang lungkot mo? May problema ka ba?" Tinignan ko lang siya at yumuko.

Shit naman!

"Alam mo, pwede mo naman akong sabihan eh, I'm your friend right?"

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. Wala naman sigurong masama kung magsasabi ako da kanya diba?

"I'm inlove with Jupiter" there, i said it. Para akong nabunutan ng tinik matapos kong sabihin iyon. Masarap pala sa pakiramdam na masasabi mo yung nararamdaman mo  kahit hindi na mismo sa taong mahal mo.

"I know" napatingin ako sa kanya ng sinabi niya iyon. Alam niya? Paano?

"Weh? Paano mo nalaman?" Naglakad nalang kami pauwi sa bahay para naman magtagal pa ang pag kikwentuhan namin.

"Well, though hindi mo naman sinabi sa akin noon ng diretso, alam ko lang" nagkibit balikat pa siya matapos noon. Pabitin naman!

"Paano nga kasi!" Sabay palo ko sa balikat niya. Ay muscles!

"The way you look at him. The way you smile whenever you see him. The way you respond to him. All of your actions shout love. Sad life, he can't here you nor feel it" Gusto kong maiyak sa sinabi niya. Totoo naman kasi. Kahit kailan hindi niya maririnig yung pagmamahal ko para sa kanya. Kahit kailan hindi niya mararamdaman. Lagi niya lang naririnig si ivy. Masamang mainggit pero sovrang inggit ang nararamdaman ko kay Ivy, that should be me! She left him, ako hindi ko siya iniwan. Pero ano? Bumalik lang siya nakalimutan niya na ako.

"Hindi ka niya mahal" Parang gusto kong sapakin si louie ngayon. Oo na okay!

"You don't have to rub it in my face! I already know. Hindi niya ako mahal" at masakit yon. Sobrang sakit.

"Pero ako handa kitang mahalin" napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Nasa tapat nadin pala kami ng bahay namin. Hinarap ko siya at tinitigan lang. Did he really said that?

"A-ano?" Nauutal kong tanong sa kanya. Huwag niya akong binibigla!

"Kaya kitang mahalin. Kaya kong higitan iyang pagmamahal na nararamdaman mo para kay jupiter. Kaya kong tumupad sa mga usapan natin na hindi niya nagawa. Hindi kita babaliwalain tulad ng ginagawa niya. Hindi kita sasaktan whisper. Just give me a chance" hinawakan pa niya ang kamay ko matapos niyang sabihin iyon. Naloka naman ako! Masyadong mabilis! Agad kong binawi ang kamay ko at ngumiti ng tipid sa kanya.

"Louie. M-masyado ka naman atang mabilis. Kakakilala palang natin  ganyan na agad ang sinasabi mo!" Kunwarung naiinis kong sabi sa kanya. Eh kasi naman! Inuuto lang ata ako nito eh!

"Wala naman sa tagal ng panahon iyan nasusukat. Nasa nararamdaman" What the hell. Kelan pa to naging makata?

"Ewan ko sayo Louie." Didiretso na sana ako sa bahay pero bago ako makaalis ay hinawakan niyq ako sa braso.

"Give me a chance. I'm not asking for it, I'm demanding for it." Seryoso niyang sqbi sa akin. Anong sumapi kay louie?

"Louie, wag ngayon, mahal ko pa rin kasi siya. Ayokong maging panakip butas lang kita" ayoko talaga. Si louie na nga lang ang kaibigan ko.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon