Whisper
"Whisper, I'm sorry okay? Please kausapin mo naman ako" hindi ko parin si jupiter kahit anong kulit niya sa akin.
"Nag panic lang naman pala si ivy nung naabutan niyang hindi naka lock ang condo niya, akala niya may nakapasok na. Hindi niya lang pala na ilock. Sorry na please. Babawi ako sayo mamaya promise. Please?" Pag mamakaawa niya sabay yakap sa akin. Magpapabebe muna ako. Napaka arte talaga ng ivy na iyan!
"Sorry na okay? Ililivre kita mamaya. Please wag ka ng magalit ha? Alam mo namang di ko kayang magalit ka eh!" Pero nagawa mo kong iwan kagabi.
Tahimik lang akong nakikinig sa mga kwento niya. Tahimik na nasasaktan. Puro si ivy ang lumalabas sa bibig niya. Akala ko pa naman, may malanding ugnayan ng namamagitan sa aming dalawa! Assuming ka kase!
"Sorry talaga kung di kita nasabayan kagabi, umuwi ka pa tuloy magisa." Okay lang, sanay naman na akong magisa.
"Paulit-ulit nalang, okay na nga eh, tsaka hindi naman ako umuwing magisa" sabi ko sabay buklat ng notebook ko. Nasa room kasi kami, wala pa namang teacher at kaonti palang ang estudyante.
"Ha? Hindi ka umuwi magisa? Sinong kasama mo?" Puno nang pagtataka niyang tanong.
"Si louie" simpleng sagot ko, napangiti ako bigla. Naalala ko na naman ang ka adikan ng mokong na iyon! Baliw din iyon! Bawat bahay na may doorbell ay tinitigilan namin para lang mag doorbell tapos ay biglang hahatakin ako patakbo! Feeling ko bumalik ako sa pagkabata.
"Louie? Sino naman iyon?" Pinagtaasan ko lang siya ng kilay at nagsulat na."Ah si louie, bago kong friend iyon! Siya iyong lalaking kasama ko noon sa labas ng room" kwento ko sa kanya. Totoo naman.
Bigla siyang nagtaas ng boses "Ano?! Di ba sabi ko wag kang sasama doon?"
"Bakit? Ano naman? Tsaka kilala ko naman siya!" Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase ko dahil nag sisigawan na kami, lagi nalang kami nagaaway.
"Kilala mo? Eh pangalan lang naman niya ang alam mo!" Sinisigawan na talaga ko ng mokong!
"Bakit? Ano naman sayo? At least siya kahit hindi ko pa matagal kilala marunong tumupad sa usapan! Eh ikaw? Ikaw na matagal ko ng kakilala, kasama araw araw, ikaw pa iyong bumali ng usapan! Iniwan mo ako doon! Iniwan mo ako kahit alam mo ng delikado" gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko lang. Nakakahiya naman eh.
Natigilan siya sa sinabi ko at hinawakan ang kamay ko.
"I already said sorry whisper. Alam mo naman ang dahilan diba? Akala ni ivy may nanloob sa kanila kaya nagalala lang-" pinutol ko na agad ang sasabihin niya.
"Yeah, I know. Hindi mo na kailanganv ulit ulitin, alam ko na. Nagalala ka sa kanya pero sakin hindi kahit alam mong delikado na dahil mag gagabi na! Alam ko na!" Hindi ko na napigilang mapaiyak, maiiyak ka nalang sa pagkainis, pagkabiwisit at sakit.
"Dahil alam ko namang kaya mo! Malakas ka! Kaya mo ang sarili mo pero siya whisper, ivy is so vulnerable, please under-"
"Paano kung may nangyari sa aking masama doon? Hindi mo ba naisip yon? Pano kung na rape ako dun? Tingin mo ba kaya ko iyong magisa? Ha! I understand! Ngayong bumalik na siya, exit na ako! I am just her substitute right? Hindi ba sumagi sa isip mo na kailangan din kita?" Shit! Masyado na akong madrama!
"Of course nagalala ako! It's just that-"
"Pero mas mahalaga lang siya sayo. Okay I get it. I'm sorry for over reacting. Sino ba naman ako diba?" Pagkatapos noon ay tumayo na ako at lumabas ng classroom. Hindi ko siya kayang makasama ngayon. I need to get out.
Napadpad ako sa nay field ng school at umupo doon. Parang dati si jupiter ang lagi kong kasama tumamabah dito, pero ngayon magisa nalang ako. Well, people changed.
"Hey" napalingon ako sa tumawag sa akin.
"Louie"
"Magisa ka na naman? Wala ka bang kaibigan ha?"
"At ikaw kabute ka ba? Lagi ka nalang susulpot diyan!" Lulubog lilitaw kasi itong mokong na ito.
"Bakit ang lungkot mo na naman?" Tanong niya sabay tabi sa akin.
"Louie, friends na tayo diba?" Bigla kong tanong sa kanya. Mabait naman si louie eh.
"Oo naman! Ikaw lang naman itong may ayaw eh!" Sa totoo lang, wala naman akong kaibigan maliban kay ate at kay jupiter. Pero ngayon, parang nawawala pa sa listahan ko si jupiter.
"Louie. Dahil friends na tayo, wag mo akong tatalikuran please? Wag kang tutulad sa kanya" sabi ko sabay sandal sa balikat niya, and let my tears fall.

BINABASA MO ANG
Love Me Again
Teen FictionAso't pusa kung magbangayan, pero hahantong din pala sa pagmamahalan. Former Mr. Planetang may kuko meets Ms. Napking kulay violet