Whisper
"Hoy!" Napatalon ako sa gulat ng may biglang tumawag sakin.
"Pucha! Bakit ka ba nanggugulat ha? Feeling close ka din eh!" Asik ko sa kanya. Peste tong lalaking to eh! Masyadong fc!
"Whisper, close na tayo diba? Text mate na nga tayo eh! Akin na yung damit ko." Sabay lahad niya sakin ng kamay niya. Masyado tong ewan eh!
"Oo na eto na!" Kinalkal ko yung damit niya sa bag ko, pag ka bigay na pag kabigay ko ay tinalikuran ko na siya agad. Pero dahil makulit siya hinabol parin ako.
"Hoy! Bakit mo naman ako tinalikuran agad? Friend na tayo diba?" Ang kulit.
Deadma lang.
"Hoy pansinin mo naman ako!" Lampake
Deadma 1.0
"Whisper. Uy!" Nangangalabit pa eh!
Deadma 2.0
"Pag di mo ako pinansin hahalikan kita!" Napatigil ako bigla at hinarap siya. bwiset
"Ano bang problema mo? Ha?" Nakakaasar na kasi siya!
"Pansinin mo kasi ako!"
"Eto na pinansin na kita ano pang gusto mo?!" Malelate na ko shit!
"Hatid kita mamaya pauwi"
"W-what?" Anong pakulo nitong bwiset nato.
"Sabi ko, ihahatid kita. Tara na late ka na!" Sabay hawak ng kamay ko at dali daling tumakbo.
Wait. Hawak niya ang kamay ko. HHWR! Holding hands while running ang peg namin! Yuck!
"Hoy! Bitawan mo nga ang kamay ko!" Pilit kong hinahatak ang kamay ko pero mas lalo niya lang hingpitan. Aba!
"Hoy ano ba! Masakit na ah!" Peste to! Nakita ko nalang ang sarili ko na nasa tapat ng room at pinagtitinginan ng mga kaklase ko.
Nahagip ng mata ko si jupiter, nakatingin siya samin. Sa kamay naming magkahawak. Kinuha ko bigla ang kamay ko at agad siyang hinarap.
"Shooo! Alis na! Dito na room namin! Bye!" Sabay kaway pa sa kanya. Paalis na ko ng hinawakan niya ang kamay ko.
"Ano na naman?"
"Mamaya ah? Hatid kita."
Binelatan ko lang siya "Neknek mo"
Dumeretso na ako agad sa upuan ko at inayos ang gamit ko. Buti nalang wala pa teacher namin. Ligtas!
"Sino yun?" Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko si jupiter. Nagkibit balikat ako at tinuloy ang ginagawa ko.
"Hindi mo kilala pero magpapahatid ka?" Nakataas kilay niyang tanong sakin.
"So? Edi kikilalanin ko siya mamaya!" Taray ko.
"Ano? Pano kung may gawing masama iyon sa iyo? Ha? Ni hindi mo kilala sinasamahan mo! Pano kung rapist iyon?" At pinagtataasan niya pa ako ng boses!
"Ang gwapo naman niya para maging rapist!" Totoo naman! Hindi naman siguro ganoon iyon. Hindi naman talaga ko magpapahatid doon sa mokong na iyon eh. Ano siya siniswerte? Ang sarap lang asarin nitong si kuko eh! Kuko....
"At talagang gwapo pa siya sa paningin mo ha? Whisper naman!" Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase ko dahil sa kakasigaw netong ewan na ito.
"Ano? Anong problema mo? Parang kang tanga dyan!" Sigaw ko din sa kanya. Mung gago!
Napahilamos nalang siya sa mulha niya at napabubtong hininga.
"Ako na ang maghahatid sayo! Hindi ka sasama sa lalaking iyon" nagseselos ba to? Asa naman whisper. Asa naman.
"Ano? Pwede ba! Wag ka nga oa dyan!" Kinikilig ako.
"Anong pwede ba? Bahala ka dyan! Ako maghahatid sayo! Tapos." Hindi ko mapigipang mapangiti ng palihim. Yes! Parang tulad ng dati.
Humarap nalang siya sa notebook niya at nagpanggap na nagsusulat.
Mabilis dumaan ang oras at uwian na. Dali dali akong nagayos ng gamit at hinarap siya.
"Tara na?" Sabi ko ng nakangiti sa kanya. Excited na ako! Ang tagal din kasi naming di nagkasama ng kami lang, nag bonding. Ang dami kong plano! Kakain kami mamaya sa kanto ng kwek-kwek, fish ball, kikiam, isaw, etc! Basta yung matagal kaming magkakasama!
Tinignan ko muna ang labas ng room bago kami tuluyang umalis, baka mamaya andoon ang mokong na unggoy na iyon masira pa ang plano ko!
Nasa park na kami naglalakad ng biglang tumunog ang cellphone niya.
Tinignan niya muna ako bago sinagot."Hello? Ivy, bakit ka napatawag?" Bakit abg sweet ng boses niya? Istorbo itong babaeng ito eh!
"Ha? Anong nangyari?" Napataas siya ng boses at tila nagaalala. What's happening?
"Ano? Papunta na ako dyan, wag kang lalabas ng bahay niyo, dyan ka lang!"
What?! Pano ako!
"Hoy anong nangyari?" Tanong ko sa kanya pero naiinis na ako!
"Whisper, kaya mo namang umuwi magisa diba? Pupuntahan ko lang si ivy, may nakapasok daw kasi sa condo niya-"
"Iiwan mo ako dito? Mag gagabi na! Wala na akong masasakyang tricycle!" Totoo iyon! Kapag ganitong oras kasi ay wala ng masyadong dumadaang tricycle
"I'm sorry, babawi ako bukas. Ingat ka!"
"Pero pa-. Jupiter!" Umalis na siya at dali daling tumakbo.
Napangiti nalang ako ng mapait at nag patuloy sa paglalakad. Ang dami ko pa namang plano para magtagal ang oras na magkasama kami. Pero iiwan niya lang pala ulit ako para sa babaeng iyon.
"Ay pusang gala!" Napapitlag ako ng biglang may umakbay sakin. Sasapakin ko na sana ng makita kong ang unggoy iyon!
Kinurot ko nalang siya sa braso at tinanggal ang pagkakaakbay niya sakin.
"Bwiset ka! Bakit ba ang hilig mong manggulat!" Lagi nalang kasi siyang nanggugulat.
"Bakit di mo naman ako hinintay? Diba sabi ko sayo sabay tayo? Iyan tuloy magisa ka naglalakad!" Nangasar pa. Inirapan nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Bakit ka pala naglalakad magisa?" Tanong niya sakin.
"Iniwan ako ng kasama ko" naiiyak ako shit. Nakakainis si jupiter!
"Ako di kita iiwan."
Ansabe?
BINABASA MO ANG
Love Me Again
Novela JuvenilAso't pusa kung magbangayan, pero hahantong din pala sa pagmamahalan. Former Mr. Planetang may kuko meets Ms. Napking kulay violet