Thankyou po kay ate rune na ngayon ay mentor ko na :) heres the update guys :)
Christian pov
Bago ko simulan ang aking kwento ay nais ko munang magpakilala sa inyo ako nga pala si Christian Caleb Arellano, tall,dark and handsome kung tawagin isa akong straight noon, oo tama kayo ng basa readers noon dahil umiibig ako sa baklang yon.
Nakita ko nanaman siya, ang taong kumakatok palagi sa pusot isip ko. ang nagpapawala sa sisitema ko, at ang dahilan din kung bakit hinde ako nag girlfriend dahil noon pa man ay siya na ang nilalaman nitong puso ko.
Sa pagkaka alam ko isa akong tunay na lalaki pero simula nung nakita ko sya sa park para akong nakakita ng isang anghel na pinababa sa lupa, pero hinde kami pwede dahil una parehas kaming lalaki.
Kaya ngayon natatakot ako kase nararamdaman ko nanaman ang pagwawala ng sistema ko simula noong bumalik siya. At ang mas malala pa ay sa UNIVERSITY pa ng mga magulang ko oo mayaman din kami pero isinasawalang bahala ko yon dahil money can't buy happiness.
Kailangan kong sungitan o supladuhan siya dahil hinde pwedeng maging kami, bakit? Una parehas kaming lalaki, oo umiiral sakin ang taas ng pride ko. Ako si Christian Caleb na habulin ng babae ay hinde ko matanggap na nagkagusto kay skyler pero wala kang magagawa pag pinana ka ni kupido.
At isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko siyang lapitan o ligawan man lang ay dahil sa mga magulang ko dahil di nila tanggap na nagkakaganito ako at sa isang bakla pa.
Pagtapos ang insidente sa cafeteria ay lumabas siya, nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na magpapalit lang pero hinde yun ang tunay kong dahilan ang totoo niyan ay balak ko siyang sundan.
Nakita ko na siya may kausap na lalaki at sa tingin ko nahuli nanaman ako dahil nakangiti siya habang kausap yung lalaking yon. Halata namang mas pogi pa ako don pero di ko maiwasan na magselos .
Nakita ako ni skyler kaya dali dali akong umalis sa botany garden dahil alam kong lalapitan niya ako. Tumungo na lang ako locker ko para magpalit ng damit pero di ko mapigilan ang sarili ko pinagsusuntok ko yung locker ko dahil naiinis ako don sa lalaking yun.
Wala naman akong magawa dahil naduduwag pa din ako na sabihin sakaniya ang nararamdaman ko. Alam ko naman yung nararamdaman niya sakin pero kaya ko namang ibalik sakaniya yung pagmamahal na yon patago nga lang.
Pagkatapos ng mga nakita ko ngayon hinde ako magiging kampante dahil kilala ko yung lalaking kausap ni skyler isa yung paminta. Kaya nabuo sa isip ko na liligawan ko na si skyler.
Kailangan makabuo ako ng isang plano para makuha ko sya dahil at the first place ay akin naman talaga siya at walang makakahadlang doon kahit pa itakwil ako ng mga magulang ko gagawin ko ang lahat para lang makuha siya.
A/n ayan na readers binigyan ko na ng pov si christian what can you say?
BINABASA MO ANG
Ang BF Kong Suplado
FanfictionSi Skyler Lebane isang DYOSANG nilalang na kung saan ay pinabalik sya ng mga magulang nya upang magaral dito sa pilipinas pero sa di inaasahang pangyayare nakasama nya ulit ang kanyang ULTIMATE CRUSH mapaibig nya kaya si Christian Caleb Arellano ati...