My Beautiful Mistake / Goof

1.6K 33 4
                                    

                                                 MY BEAUTIFUL MISTAKE 

                                                    By: DS34/ Alexa May

PUBLISHED UNDER NINJA PUB

PROJECTNY- TOUCHE

 Entry for ABC's of Love. Rank 4.

 ~~~

Hi, ako si Michael Rae De Ocampo, labing walong taong gulang at kasalukuyang nag aaral sa ikatlong taon sa kolehiyo. BS philosophy ang kursong kinukuha ko in preparatory sa pagpapari ko. Oo, magpapari ako. Yun kasi ang gusto ng magulang ko since both of them are an active member of our chuch, a fully active christian catholics. Dala ng matinding respeto at pagmamahal sa magulang ko'y sinusunod ko lahat ng gusto nila at kabilang na roon ang pagpapari.

Bago ako tumuntong ng kolehiyo ay desido na ako sa nais ng magulang ko na maging ako, na maging pari.

Nagbago lang ang lahat at nagdalawang isip na akong ituloy ang pagpapari nang makilala ko si Aubrey Bradberry, ang first love ko.

Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan 'to. Siguro doon nalang sa panahong nakilala ko si Aubrey Bradberry.

Isang byernes ng gabi, pasado alas nwebe na , habang naglalakad ako sa kahabaan ng kalsada pauwi sa aking dormitoryo ay may nakita akong isang babaeng pula ang buhok na pagewang gewang na naglalakad. Magkasalubong kami at tumigil siya mismo sa harapan ko. Nag angat siya ng paningin at nakita ko ang namumungay at namumulang mga mata niya. Napaatras ako ng kaunti, akala ko noong una'y isa siyang bampira kahit alam kong hindi naman totoo ang kwento tungkol sa mga ito.

"Hey!" wika niyang nakangiti. Hinawakan niya pa ako sa magkabilang balikat na ikinagulat ko. 

"Are you okay miss?" nauutal kong tanong. Tila nawawalan ito ng balanse kaya siya napakapit sa akin. 

"Where's your house?" tanong niya. 

"Huh?" sambit kong nakakunot noo. 

"Take me with you!" anya at bigla na lamang nawalan ng malay. Hindi ko alam ang gagawin ko. Walang ibang taong dumaraan sa parteng yaon kaya hindi ako makahingi ng saklolo. Hindi ko rin naman maaring iwan ang babae sa kalsada dahil yaon ay mali kaya naisipan ko nalang siyang iuwi muna sa dormitoryo.

Akay akay ko ang walang malay na babae papasok sa trangkahan na pinagtakhan ng landlady ko. Sinalubong niya ako sa nagtatanong na mga mata kaya naman ipinaliwag ko sa kanya ang pangyayari.

Dahil lalaki ako't may iba ding kasamahan sa kwarto ko'y iminungkahi ng landlady naming sa kwarto nalang niya ito magpapalipas ng gabi.

Kinaumagan ay nadatnan ko ang babae sa hapag kainan. Halatang bagong gising ito. Magulo ang buhok niya at gusot gusot pa ang maluwang na puting tshirt na suot na pinahiram yata ng aming land lady. Nakataas ang isang paa nito sa mesa habang umiinom ng kape at nakikita ko ang kaputian ng kanyang hita. Nag iba ako ng paningin at akmang hindi na tutuloy sa kusina nang marinig kong nagsalita siya.

"Hey, ikaw ba si Michael? " tanong niya. Napilitan akong lingunin siya, "Oo ako nga" sagot ko. 

Ngumiti siya, "Mag aagahan ka ba? Upo ka, samahan mo na ako," saad niya. Umupo naman ako sa kaharap niyang upuan at nagtimpla ng kape.

"Salamat pala sa pagpapatuloy sa akin rito," wika niya, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Wala yun," ang tanging nasabi ko.

One-Shot Stories (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon