Maling Akala

1.6K 20 8
                                    

TAMEME 

By: DeathStar34

~~~

'Kung hindi niya kaya, ako nalang gagawa.'

Buo na ang desisyon mo. Kakausapin mo na siya, sasabihin mo na sa kanya ang lahat, magtatapat ka na.

Muli mong sinulyapan ang sarili mo sa malaking salamin na nakapaskil sa dingding ng kwarto mo. Sinipat mo ang sarili mo at sumilay ang isang ngiti sa iyong mapulang labi. Hindi mo maiiwasang balikan ang nakaraan, ang panahong una kayong nagkakilala...

Tulad ng ibang istorya, ang unang pagkikita niyo ay cliche na. Hindi na bago,pangkaraniwan na lang.

Unang araw noon ng pasukan. Nahuli ka ng dating sa silid aralan dahilan ng pagkaligaw mo sa Unibersidad. Transferee ka kasi kaya estranghero ka pa rin sa bago mong eskwelahan. Maingay sa klasrum, puno ng estudyante. Dalawang magkatabi na bakanteng upuan na lang ang iyong nasilayan, 'yun ay sa bandang likuran. Tahimik kang naglakad patungo roon, diretso ang paningin sa silyang iyong ookupahan. Tumigil ang tatlumpung bunganga sa pagsasalita at sa gilid ng iyong paningin ay napansin mo ang tatlumpung pares ng mga matang dumako sa iyong direksyon.

"Sino siya?" tanong ng maarteng tinig. Hindi mo man ito nakikita, alam mong sa isang babaeng may makakapal na kolorete sa mukha 'yun nanggaling.

"Siya yata 'yung sinasabi nilang bagong salta sa section natin."

"Ah, siya 'yung galing sa Unibersidad ng San Luis na hindi pumasa sa battery exam?"

Hinayaan mo na lamang ang mga bulung-bulungan. Naupo kana sa kahoy na silya, nagbaba ng paningim at binuklat ang iyong kwadernong naglalaman ng iyong iskedyul.

Makalipas ang ilan pang minuto ay dumating na ang inyong propesora, ipinakilala ka sa klase at pagkatapos ay nagsimula na siyang magturo.

Natapos na ang tatlong asignatura ngunit wala pa rin ni isa sa iyong mga kamag-aral ang pumansin sa'yo.

Magsisimula na muli ang klase nang may lalaking humahangos na pumasok sa inyong silid-aralan. Naagaw nito ang atensyon niyong lahat. Pumameywang na humarap dito ang inyong propesora.

"Mister Bartolome, late ka na naman. Kaya ka hindi pumapasa sa klase ko dahil diyan."

"Ma'am, it's better to be late than to be absent," anya sa pilosopong paraan. Hindi na muling nagsalita ang inyong guro, pinagpatuloy na nito ang naudlot na leksyon habang ang lalaki naman ay tumungo sa direksyon mo, sa bakanteng upuan sa tabi mo.

Hindi mo maiwasang hindi siya suriin habang papalapit sa gawi mo. Matangkad siya at morena. Medyo may kapayatan man siya, maganda naman ang pangangatawaan. Bumabakat sa suot niyang kamiseta ang katawang nabanat sa pag-eehersisyo. Tila kay sarap niyon haplusin. Napalunok ka sa tinakbo ng iyong isipan. Ibinaling mo na lamang ang iyong tingin sa kanyang mukha. Medyo may kahabaan ang buhok niyang kasing itim ng gabi na tila kay lambot, ninais mo tuloy itong mahawakan. Makapal ang kilay nito ngunit bumagay sa kanya. Mahaba ang kanyang pilik-mata at kasing hugis ng almond ang kanyang kulay kaking mga mata. Sakto lamang ang tangos ng ilong niya. Makinis ang mukha niya at mamula-mula ang manipis niyang labi na tila kaysarap halikan.

Napatda ka ng bigla na lamang siyang tumikhim. Sa pagiging abala mong suriin ang kabuuan niya ay hindi mo namalayang nasa harap mo na pala siya. Kimi mo siyang nginitian at umusog upang bigyan siya ng daan patungo sa kanyang uupuan.

Hindi mo na siya nilingon pa, itinuon mo na lamang ang iyong tingin sa gurong nagtuturo sa inyong harapan at pilit na intindinhin ang winiwika nito gayong ang laman naman ng iyong isipan ay ang lalaki sa iyong tabi.

One-Shot Stories (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon