•
"Nam malapit na ang closing saan mo balak magbakasyon?"
tiningnan ko si Jin Hyung na kasalukuyang tinatahi ang polo ko napunit kasi eh.
"Wala dito lang ako sa bahay"
kaswal na sagot ko kasi yun naman talaga ang totoo wala naman akong maisip na pupuntahang lugar kaya mabuti nalang na dito nalang ako sa bahay.
"Edi sasamahan na kita wala din akong plano eh. edi dito nalang ako magbabakasyon sa bahay mo!"
Napangiti nalang ako dahil sa sinabi ni Jin Hyung hindi niya talaga ako nabigong mapasaya sana ako din mapasaya ko siya hinila ko si Jin Hyung papalapit sa akin at niyakap siya ng mahigpit buo na ang desisyon ko hindi ko na itatago itong nararamdaman ko sa kanya dahil baka pagsisihan ko ito sa lahat.
"Mahal kita Jin Hyung~"
Kakalas na sana si Jin Hyung sa pagkakayakap sa akin pero mas lalo ko lang hinigpitan. Ayoko. Ayoko siyang bitawan dahil baka kapag pinakawalan ko siya eh baka iwan niya ako dahil hindi niya ako tanggap dahil sino ba namang tao ang magmamahal sa isang taong katulad ko na patapon na ang buhay.
"Ayos lang Jin Hyung kung hindi mo ako tanggap pero sana hayaan mo akong mahalin ka at patunayan sayo na totoo ang sinasabi ko at wala namang masama sa same sex relationship dahil sabi nga ni Min Hyung, kapag ang puso tumibok wala kanang magagawa kundi sundin ito at ito nanga sinusunod ko kung ano ang tinitibok ng puso ko"
Mahabang litanya ko at pinakawalan na siya kaya magkaharap na kami ngayon nakatitig lang siya sa akin kaya napayuko nalang ako mukhang wala nga akong pag asa pero hindi ibig sabihin nun susuko na sana ako nagulat ako ng hawakan ni Jin Hyung ang magkabilang pisnge ko at mabilisan akong hinalikan sa labi tapos pinagdikit niya ang noo naming dalawa.
"Wala din akong pakeelam sa sasabihin ng iba matagal ko ng hinihintay na sabihin mo sa akin ang tatlong salita na yun at ngayon nasabi mo na eh sobra mo akong napasaya, I Love you too, Nam :*"
Napangiti nalang ako dahil sa narinig ko mahal naming dalawa ang isa't isa at hindi ko hahayaang may makapagpahiwalay sa amin.
Hinila ko pahiga si Jin Hyung kaya ang kinalabasan nasa braso ko ang ulo niya nakita ko ang pamumula niya kaya natawa nalang ako dahil ang cute cute niya.
"Yah~ Bakit mo ako tinatawanan? :3"
Nakangusong tanong nito kaya hindi ko napigilang magnakaw ng halik.
"Ang cute cute mo kasing mamula 😉"
Mas lalo siyang namula ng kindatan ko siya kaya itinago niya ang mukha niya sa dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga niya dahil wala akong pang itaas na damit.
"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya kaya sana makabawi ako sa mga bagay na nagawa mo para sa akin dahil hindi ko alam ang gagawin kapag nawala ka sa akin"
Pagkatapos kong sabihin yun eh hinalikan ko siya sa noo niya at mas niyakap siya ng mahigpit.
Tulog na si Jin Hyung kaya ngayon nakatitig lang ako sa maamong mukha niya, hinding hindi ako magsasawang titigan ang mukhang to. Binago niya ako, tinulungan niya akong labanan ang pinakakinakatakutan kong nakaraan na kahit ilang beses ko siyang pinagtulakan noon eh hindi niya ako sinukuan hanggang sa makuha niya ang tiwala ko kaya siguro hindi ko naiwasang mahulog sa kanya dahil hindi naman siya mahirap mahalin.
"Mahal na mahal kita Jin Hyung at ikakamatay ko kung mawawala ka sa akin..."
Pagkatapos kong ibulong sa kanya yun eh natulog narin ako habang yakap yakap siya.
TBC
BINABASA MO ANG
He Died (NamJin Short Story)(COMPLETED)
FanfictionOnce you NamjIN, You can't NamjOUT 👬