DBS: Don't expect too much.
Enjoy...
----------
Epilogue
'Nagising ako sa isang puting kwarto kaya agad kong inilibot ang paningin ko at tumigil yun kung saan nakatayo ang isang lalaki.
"Min Hyung, nasan si Jin Hyung?"
Yan agad ang naitanong ko sa kanya.
"Namjoon..."
Bigla akong kinabahan sa pamamaraan ng tingin ni Min Hyung sa akin parang may gusto siyang sabihin na hindi niya kayang sabihin pero isinantabi ko ito dahil ayokong mag isip ng masama.
"Min Hyung, dapat sa iisang kwarto niyo lang kami pinasok"
Sabi ko at tatayo na sana para puntahan si Jin Hyung ng pigilan ako ni Min Hyung tiningnan ko siya pero inilingan niya lang ako pero hindi ko inaasahan ang susunod niyang sasabihin.
"Namjoon...Si Jin...Wala na siya"
"He died....while trying to save your life"
Agad akong umiling at hinawakan ang magkabilang balikat ni Min Hyung at niyugyog.
"MIN HYUNG!! HINDI YAN TOTOO ALAM KONG HINDI AKO KAYANG IWAN NI JIN HYUNG! MAHAL NAMIN ANG ISA't ISA!"
"Mahirap mang tanggapin pero kailangan mo, hindi kinaya ng katawan niya ang tama ng bala malapit sa puso niya kaya inanunsyo ng Doktor na Dead on arrival na siya"
Bigla akong nanghina sa narinig ko kaya nahulog ako sa hospital bed ko agad naman akong tinulungan ni Min Hyung makaupo sa kama ko ulit.
"Min Hyung, gusto ko siyang makita"
Tanging tango lang ang naisagot ni Min Hyung at nag request na siya ng wheelchair para sa akin.
Morgue
Parang dinudurog ang puso ko habang nasa tapat ako ng lugar nato.
"Hyung, bakit dito mo ako dinala— diba dapat sa private room mo ako dalhin?"
Umiling nalang si Min Hyung at tinulak ako papasok sa loob hanggang sa makarating kami sa isang bakal na higaan kagaya ng sa iba may nakalagay na pangalan sa puting tela na nakabalot sa mga bangkay dito at ayoko ang nababasa ko.
Kim Seokjin
Nagsimulang magpatakan ang mga luha ko ng ibaba ni Min Hyung ang telang nagtatakip sa mukha nito.
"Min Hyung, panaginip lang to diba pero kung hindi to panaginip diba nagkukunwari lang si Jin Hyung diba Min hyung. Diba? Diba? Huh?"
kagaya ng kanina pa niyang ginagawa inilingan nanaman niya ako at nagsimula naring magpatakan ang mga luha niya.
"Hindi ito pwede. Hindi ako pwedeng iwan ni Jin Hyung. Bakit? Bakit? Bakit?"
Sinubukan kong tumayo pero napapaupo lang ako ulit dahil sa sugat ko sa binti na humahampdi.
"Jin Hyung! Gumising ka diyan wag mo nga akong dramahan!"
inis na wika ko at niyugyog siya pero parang umasa lang ako na puputi pa ang uwak dahil kahit kailan hindi ko na makakasama pang muli si Jin Hyung. Bakit ganun— dalawang mahal ko na sa buhay ang nawala sa akin bakit ganun hindi ko ba deserve na mahalin? Sinubukan kong tumayo sa huling pagkakataon at niyakap si Jin Hyung at hinalikan sa bawat parte ng mukha niya hanggang sa umabot sa malambot niyang labi na alam kong hinding hindi ko na mararamdaman pang muli.
He Died because of me.
Yoongi's Pov
"Jin Hyung, ginawa ko para sayo"
Nakangiting sabi niya.
"Jin Hyung, lutuan mo pa ako sa susunod ah"
Nagpapacute na sagot niya.
"Jin Hyung, mahal na mahal kita"
Nakangiting sabi niya nanaman.
"Jin Hyung, bakit hindi ka sumasagot?"
Malungkot na tanong niya.
"Jin Hyung, mahal kita higit pa sa buhay ko"
ngumiti nanaman siya na parang may kasama siya.
"Jin Hyung, sumagot ka nga hindi mo naba ako mahal?!"
bigla nanaman itong nagalit habang nakatitig sa hawak niya.
Napailing nalang ako habang nakatanaw kay Namjoon na nagsimulang magpatakan ang mga luha niya habang hawak hawak ang isang Mario stuff toy na akala niya ay si Jinderella, pagkatapos ng libing ni Jinderella maraming nagbago lalong lalo na si Namjoon— napasok ito sa Mental Hospital dahil hindi kinaya ng utak niya ang nangyari kaya nagka mental breakdown siya at wala kaming ibang pagpipilian kung hindi ang ipasok siya sa Mental at halos isang taon na siyang namamalagi dito at wala paring proseso ang treatment pero hindi ko pwedeng sukuan si Namjoon— kami nila Jhope, Jimin, Jungkook at V ay ang mga huling tao na nakarinig sa huling habilin ni Jinderella at yun ay ang..
"I-ipangako n-niyo sa a-kin na ka-kahit aa-anong mangyari w-wag n-na w-wag niyong pp-abayaan si N-namjoon...m-mahal n-nna mmm-ahal kkk-o s-siya..."
At kahit yun man lang ang magawa ko para sa kanilang dalawa.
Ang lovestory ni Namjoon at Jin ay sobrang wrong timing dahil hindi manlang nagtagal ang relasyon nila ay may blackhole agad na umeksena kaya ang Lovestory nila ay isang malaking kaso ng Bad timing kaya hindi sila nagkaroon ng Happy Ending pero alam ko kung nasan man ngayon si Jinderella alam kong babantatayan niya si Namjoon.
THE END
DBS: PEACE!!
BINABASA MO ANG
He Died (NamJin Short Story)(COMPLETED)
FanfictionOnce you NamjIN, You can't NamjOUT 👬