•
"Hoy Nam hindi mo parin ba ako papansinin?"Kanina pa sunod ng sunod si Jin Hyung sa akin at ako naman kanina pa siya iniiwasan hanggang ngayon hindi parin maalis ang inis ko dahil hindi niya manlang sinabi na may gusto pala siya sa taong kabayo nayun.
"Hoy Nam! Ano bang nagawa kong kasalanan at iniiwasan mo ako kung tungkol yun sa narinig mo kanina h--"
Inis ko siyang hinarap kaya napaatras siya.
"ANO BA?! WAG KA NGANG SUNOD NG SUNOD SA AKIN NAKAKAIRITA KANA AH. DUN KA NANGA SA KABAYO MONG CRUSH,CRUSH NGA BA O BAKA NAMAN BOYFRIEND MO NA SIYA?!"
Sarkastikong saad ko at iniwan na siya dun dahil mukhang wala naman siyang balak sumagot magmumukhang tanga lang ako dun kakahintay sa sagot niya na halata na kahit hindi siya sumagot.
•
"Jinderella~"Agad kong pinunasana ng luha ko ng marinig ko ang boses ni Sugilagid.
"Sugilagid~"
Sambit ko sa pangalan niya ng makaupo siya sa tabi ko nasa garden kami ngayon.
"Nag-away kayo"
Hindi ko alam kung tanong yun o ano.
"Hindi ko alam bigla niya nalang akong iniwasan tapos nung tinanong ko siya kung bakit eh bigla niya akong sinigawan at sinabihan na dun nalang kay Jhope na crush ko daw"
Sumbong ko si Sugilagid childhood bestfriend ko siya at siya lang ang in-allowed ni Nam na pwedeng lumapit sa akin.
"May nakita kasi siyang hindi kanais-nais na tanawin pagpasok na pagpasok niya sa Campus"
napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Sugilagid anong gusto niyang iparating?
"Haynako Jinderella sana buksan mo ang mga mata mo at tingnan mo ang nangyayari sa paligid mo at wag kang magpaka manhid dahil harap harapan na niya itong pinaparamdam sayo"
Pagkatapos sabihin ni Sugilagid yun eh iniwan na niya ako dun na iniisip kung ano ang ibig sabihin nung sinabi niya haynako mas gusto ko nalang na tahimik ang lalaking yun once kasi nagsalita yun eh mapapaisip ka talaga pero pagkatapos ng ilang minutong pag iisip mukhang nasagot na ang tanong ko at hindi ko alam pero napangiti nalang ako ng palihim pagkatapos masagot ng katanungan ko.
•
Tahimik akong nakahiga sa gitna ng field walang kulay talaga ang buhay ko kung wala siya ang hirap niya talagang iwasan nagsisisi ako kung bakit ko siya sinigawan kanina at buo na ang desisyon ko may gusto man siya sa taong kabayo na yun o wala papansinin ko na siya dahil hindi ko talaga kayang iwasan siya kahit isang araw."Nam~"
Bigla nalang sumulpot sa harapan ko ang mukha ni Jin Hyung kaya agad akong napatayo ng wala sa oras kaya nagkauntugan kami ng ulo.
Sh*t ang sakit pero pagtingin ko kay Jin Hyung namumula yung noo niya kaya agad akong naalarma at hinawakan ang parte ng noo niya na namumula.
"Sorry~"
Natahimik ako pagkatapos kong marinig yung sinabi niya.
"Hindi mo naman kasalanan,kasalanan ko kung bakit tayo nagkauntugan ng ulo"
Sabi ko pero agad siyang umiling.
"Hindi yun ang ibig kong sabihin.Sorry kasi nilapitan ko si Jhorse pero maniwala ka magkaibigan lang naman kami hindi totoo yung sinabi nila na may gusto ako sa kanya nagpatulong lang si Jhope kanina na sagutan yung assignment niya yun lang yun wala ng iba at isa pa may ibang gusto si Jhorse at si Jiminano yun"
Napanatag naman ako dahil sa mahabang eksplenasyon niya. Pero patay! Gusto din ni Min Hyung si Pandakers eh. Mukhang magkakaroon ng love triangle dito sa Campus!
"Kaya ikaw wag kang magseselos kasi kahit gaano man kadami ang lalaking aaligid sa akin ikaw parin ang pipiliin ko sa huli"
Hindi ko alam pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko pagkarinig ko sa sinabi niya para sa akin kasi eh double meaning yun.
"Oo na sige na naniniwala na ako, halika nga dito"
hinila ko siya papalapit sa akin at hinila siya pahiga ulit hindi naman masama ang same sex relationship dahil kapag ang puso tumibok eh wala ka ng magagawa kundi sundin ito at oo ngayong araw nato inaamin ko na
Mahal ko na si Kim Seokjin <3
Tbc