•
Inis na inis akong pumasok sa classroom dahil sa nakita ko kanina pagkapasok na pagkapasok ko sa Campus gandang pambungad sa umaga ko BWISET! nakita ko lang naman si Jin Hyung na kasama yung taong kabayo na yun at masaya pa silang nagkukwentuhan na akala mo wala ng bukas pabagsak akong umupo sa tabi ni Min Hyung na nagising dahil sa ginawa ko."Namjoon hindi dito ang upuan mo"
Tiningnan ko muna si Min Hyung at sinagot siya.
"Hayaan mong magtabi ang taong kabayo na yun at si Seokjin"
Hindi ko alam basta bigla nalang akong nainis nung makita ko silang dalawa ang gusto ko ako lang ang kasama ni Jin Hyung palagi at ayokong may umaaligid na iba pang lalaki sa kanya kahit naman alam kong imposible dahil All Boys School to.
"Haynako umaandar nanaman ang pagkaseloso mo hayaan mo naman si Jin na sumama sa iba hindi naman pwedeng sayo nalang umikot ang mumdo niya."
Sinamaan ko ng tingin si Min Hyung pero tinawanan niya lang ako yung tawa ng taong inaantok palagi naman yang tulog eh.
"Manahimik kana nga diyan andami mong sinasabi hindi naman yan ikakaunlad ng bansa natin matulog kanalang diyan PANGHABANG BUHAY!"
Sabi ko sa kanya at tinabunan ang mukha niya andami pang dinadada eh hindi naman nakakatulong. Tamang tamang pagharap ko eh yun naman ang pagpasok ng dalawa nagkatinginan naman silang dalawa nung makita nila ako na nasa tabi ni Min Hyung.
"Namjoon hindi naman dito ang upuan mo ah"
Inangat ko ang ulo ko at sinamaan ang kabayong nasa harapan ko.
"Anong karapatan mong diktahan ako kung saan ko dapat umupo?"
May halong inis na tanong ko sa kanya dahil kapag hindi ako nakapagpigil eh baka masapak ko na to.
"Nakakagulat lang naman kasi na diyan ka umupo sa pagkakatanda ko ayaw na ayaw mong nahihiwalay kay Seokjin"
Sinamaan ko siya ng tingin dahil nagiging madaldal na ito.
"Hoy kabayo manahimik kanga diyan ano bang pakeelam mo kung diyan umupo si Namjoon Hyung at ayaw mo nun makakatabi mo si Jin Hyung diba crush mo siya"
Napakuyom nalang ako ng kamao dahil sa huling sinabi ni Taehyung na sana hindi ko narinig.
"Totoo yan Taehyung? pero diba crush din ni Jin Hyung si Hobie Hyung?"
Dumagdag pa ang Malaking ilong nato kaya mas lalo akong nainis.
"BWISET! MANAHIMIK NGA KAYO ANG INGAY INGAY NIYO BAKA NAKAKALIMUTAN NIYO WALA TAYO SA PALENGKE!"
natahimik silang lahat dahil sa pagsigaw ni Min Hyung yan madala kayo sa sigaw ni Motionless Min.
TBC