•
'Maagang nagising si Jin para ipagluto si Namjoon na tulog na tulog pa sa itaas nakangiti itong nagluluto dahil naaalala niya ang mga nangyari kahapon sa kanila ni Namjoon at hindi niya maiwasang makaramdam ng kuryenteng dumadaloy sa kanyang buong katawan, maya maya eh naramdaman ni Jin ang dalawang braso na pumulupot sa kanyang bewang nilingon niya si Namjoon na naging dahilan ng paglapat ng labi nila dahil nakapatong ang baba nito sa balikat ni Jin.
"Good Morning Mahal ko, salamat sa Morning Kiss 😊"
Napangiti nalang si Jin dahil sa kapilyuhan ng kasintahan.
"Ang aga aga ang landi muna, umupo kananga dun para makakain na tayo"
Natatawang wika ni Jin at hinarap ang boyfriend na abot langit din ang ngiti.
"Pwedeng ikaw nalang ang breakfast ko? 😉"
Pilyong tanong ni Namjoon at kinindatan si Jin na naging dahilan ng pamumula nito.
"ASA! Masyado pa tayong bata para diyan"
Sabi ni Jin at pinagtulakan na paalis si Namjoon pero bago umalis ang binata eh may pahabol pa ito.
"Pero kapag nagbago ang isip mo wag kang magdadalawang isip na sabihin sa akin, boy scout ata to"
Pahabol nito at nagtaas baba pa ng kilay bago tuluyang umalis napailing nalang si Jin dahil sa kapilyuhan ng boyfriend.
Pagkatapos magluto ni Jin eh inihain niya na ang mga pagkain na niluto at inayos na ang lamesang pagkakainan nila pagkatapos mag ayos eh tinawag na niya si Namjoon na agad din namang dumating at umupo sa tabi niya, si Jin na ang nagprisintang maglagay ng pagkain sa plato ni Namjoon pagkatapos eh sa kanya naman nagsimula ng kumain si Jin pero agad din siyang napatigil ng mapansing hindi ginagalaw ni Namjoon ang pagkain nito.
"Hindi mo ba gusto yang niluto ko?"
Agad na tiningnan ni Namjoon si Jin at umiling.
"Eh bakit hindi mo ginagalaw yang pagkain mo?"
Mataray na tanong ni Jin dahil ang ayaw niya sa lahat eh yung taong nagsisinungaling sa kanya pero napawi ang inis na yun sa sunod na sinabi ni Namjoon.
"Gusto ko kasi subuan mo ako"
Sagot ni Namjoon at ngumiti na naging dahilan ng paglabas ng dimple niya.
"Haynako! mukhang may ibe-baby ako ngayon ah"
Iiling iling na wika ni Jin.
"Gusto ko ako muna ang baby mo habang wala pa tayong baby"
Agad namang nahampas ni Jin si Namjoon dahil sa kung ano anong pinagsasbi nito.
"Manahimik kanga diyan"
Sabi ni Jin at sinubuan na si Namjoon na abot langit ang ngiti sa sobrang saya habang nakatitig lang sa kasintahan habang sinusubuan siya hanggang sa matapos na silang kumaing dalawa.
•
Gabi na at malakas ang hangin sa labas at kumukulog at kidlat pa dahil nabalita kahapon na may bagyong paparating kaya si Namjoon at Jin ay nagkulong nalang sa kwarto habang magkayakap at masayang nagkukwentuhan.
"Saan mo gustong pumunta kapag nawala na ang bagyo?"
Tanong ni Jin kay Namjoon na kasalukuyang pinaglalaruan ang buhok niya.
"Gusto kong pumunta sa puntod ni Mama at ipakilala ka ng opisyal"
Napangiti nalang si Jin sa sinagot ng boyfriend kaya hinigpitan nito ang yakap na parang ayaw na niya itong pakawalan.
"Namjoon~"
Biglang nasabi ni Jin ng mag blackout.
"Dito ka lang titingnan ko lang yung power sa baba kung brownout ba talaga"
"Sasama ako!"
Prisinta ni Jin pero inilingan lang siya ni Namjoon.
"Dito kalang, pangako sandali lang ako"
Tumango nalang si Jin at bago umalis si Namjoon eh hinalikan niya muna sa noo si Jin para kumalma ito kahit papaano.
Halos dalawampung minuto na ang nakakalipas pero hindi parin nakakabalik si Namjoon kaya nakaramdam na ng konteng kaba si Jin dahil nangako ang binata na sandali lang ito agad siyang kinabahan ng makarinig ng kalabog mula sa baba kaya agad siyang tumakbo palabas ng kwarto at hindi nagdalawang isip na bumaba.
Pagbaba niya nagulat siya sa nasaksihan, isang nakatalikod na lalaki ang may hawak na baseball bat at hindi ito nagdalawang isip na ihampas sa likod ni Namjoon upang maging dahilan ng pagsuka nito ng dugo hindi alam ni Jin kung ano ang gagawin dahil hindi siya makapaniwala sa nangyayari.
"Ba-bakit k-ka p-pa bu-bumalik,T-tahimik n-na a-ang b-buhay ko"
nanghihinang tanong ni Namjoon sa lalaking nakatayo sa harapan niya ang taong dahilan kung bakit hindi na niya kasama ang kanyang Ina ang kanyang walang pusong TATAY.
"Siyempre nakalimutan kong patayin ka diba gustong gusto mo ng sumunod sa madumi mong ina, edi isusunod na kita ngayon"
Nagulat si Jin ng maglabas ng baril ang lalaking nakatalikod sa kanya at nakaharap kay Namjoon habang si Namjoon eh unti unting bumalik ang alaala nung gabing pinaslang ang kanyang Ina. Habang nakatingin sa baril na hawak ng Ama ito ang baril na ginamit sa pagpaslang sa kanyang ina alalang alala niya ito dahil sa nakatatak na Bungo sa hawakan ng baril hindi nagdalawang isip na ikasa ni Kris ang baril na hawak at itinutok sa nakahandusay na si Namjoon pinilit ni Namjoon na tumayo kahit nanginginig ang mga tuhod nito.
"Sana maging masaya ka"
Napapikit nalang si Namjoon bago siya makarinig ng sunod sunod na putok ng baril pero hindi siya nakaramdam ng pagtama ng bala sa kanya kaya agad niyang iminulat ang mga mata para makita ang minamahal nito na naliligo sa sarili niyang dugo agad na naalarma si Namjoon at lalapitan na sana si Jin ng patamaan din siya ng Ama at natamaan siya sa kanang parte ng tiyan niya at ang pangalawang putok eh sa kanang binti niya tumama kaya bumagsak siya sa sahig pero hindi niya yun ininda gumapang siya papalapit sa nakahandusay na katawan ni Jin nakatingin lang si Jin sa direksyon niya at nakita niya pa kung paano tumulo ang luha nito sa kaliwang mata niya na ang ibig sabihin ay....sakit
hindi na nagawang makalapit ni Namjoon kay Jin ng tuluyan dahil kahit siya eh tuluyan ng nawalan ng lakas tanging kamay niya nalang ang naiabot niya kay Jin.
"Wag kang *cough* bibitaw ha papunta na *cough*sila Sugilagid dito*cough* kasama ang mga pulis*cough*"
Pilit na sabi ni Jin habang sumusuka ng dugo kaya nagsimulang magpatakan ang luhang kanina niya pa pinipigilan.
"Ikaw din wag kang susuko, lalaban tayong daLawa"
Pagkatapos sabihin ni Namjoon yun eh ang mga sigaw nalang ng mga pulis at kung sino mang mga tao ang narinig niya pero bago siya mawalan ng malay eh isang tinig lang ang nangibabaw sa kanyang pandinig niya.
"I l-love y-you Nam ko~"
TBC
BINABASA MO ANG
He Died (NamJin Short Story)(COMPLETED)
FanfictionOnce you NamjIN, You can't NamjOUT 👬