Blind Item

72 2 0
                                    

Alexia's POV

So there, nagpunta na ako sa restaurant na sinabi nya. Naglakad lang ako. Sa tapat naman kasi ng school namin maraming nakahilera na restaurant at cafe kaya di problema ang pagkain.

Hay naku. Nakakainis talaga. Dapat kasabay ko si Sarah ngayon mag lunch eh. Kaso wala na napasubo na talaga ako.

Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa restaurant.

"Good afternoon Ma'am"

bati sakin nung empleyado ng restaurant.

Hinanap ng mga mata ko ang lalaking yun. Nakaupo sya sa dulo. Prenteng naka upo at parang nagbabasa sa iphone nya. May wifi din dito eh. Halos lahat ng puntahan mo dito may wifi kaya lagot ang phone mo dahil mabilis malowbatt. Kaya nga lagi ako may dalang powerbank in case of emergency, mas preferable sya kesa charger, pag charger dala mo maghahanap ka pa ng outlet.

So back to business, ayun nga naglakad na ako papunta sa kanya.

Parang nakaramdam naman ang loko, tumingin sa gawi ko at ngumiti. Hindi ko naman itatanggi na gwapo talaga sya. Moreno, bad boy look, pero malinis tignan. Magulo ba? Basta yun na. Tumayo sya nung malapit na ako.

"Akala ko di ka na pupunta eh." hinila nya yung upuan at pinaupo ako. Napangiti ako. Gentleman.

"Kanina ka pa ba dito?"tanong ko sa kanya ng makaupo na.

"Hindi naman" nagsignal sya sa waiter na oorder na kami.

"Here's the menu sir, ma'am" abot ng waiter samin.

"What would you eat for lunch?" tanong nya

Hindi ko na tinignan ang menu.

"I guess I'll have Spaghetti with garlic bread, banana split and iced tea. ikaw ba? " Yun kasi ang usual order ko.

"Ok, Hmmm. Chicken Barbeque, Fresh lumpiang ubod, 2 clubhouse sandwich, banana split and iced tea."

Hindi maman sya gutom nyan? Ano pa nga ba ang aasahan mo sa lalaki? 12:20 pa lang. 12:40 pa daw maseserve yung food. Buti na lang medyo busog pa ako kaya naman okay lang sakin ang maghintay.

I look around the place, mangilan ngilan na student lang kumakain dito, yung iba kasi sa mga international resto kumakain.

Pasosyal kumbaga.

Natigil ang pagmuni muni ko ng biglang magsalita si Arvinson.

OO.

Mali kayo ng akala na si Miko ang sasamahan kong mag lunch.

Asa naman sya no. Mainit dugo ko dun. Pahiyain ba naman ako kanina. Saka alam ko naman na ginu-good time nya lang ako. At baka pag pinuntahan ko talaga sya eh, magmukha lang akong tanga dahil wala naman talagang lunch date, dahil hindi sya sisipot.

"Xia, can I ask you something?"

"Nagtatanong ka na Arvi" pabiro kong sagot sa kanya. Alam ko medyo nasungitan ko sya kanina.

Naguilty naman ako kasi mabait naman sya talaga. Hindi dapat sya nadadamay sa pagkainis ko kay Miko.

"Ah. Kayo na ba ni Miko?"

WHATTT? Nagulat naman ako sa tanong nya. I was expecting na magtatanong sya about myself.

"Hindi. San mo naman napulot yan?" Alinlangan akong ngumiti.

Parang there's a place in my heart na gustong sabihin na OO. Yakkk. Ano ba tong nangyayari sakin?

"Ahm. Eh nanliligaw?"

The Forgotten GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon