The meeting

68 3 2
                                    

"PAPA/DAD"

Sabay naming sabi ni Miko. Tinulak ko sya at nilapitan si Papa.

"Papa, ang aga nyo naman po" then nag bless ako sa kanya.

Lumapit si Miko kay Papa.

"Good evening sir, I'm Miko Buenavista" then nag shake hands sila.

"Dad what are you doing here?" tanong nya sa daddy nya na kasama ni Papa.

"Mr. Yllustre here invited me to have dinner in his house. Ikaw anong ginagawa mo dito?" tapos tinignan ako ng Dad nya. Parang nakakatakot ang dad nya.

"Hi sir, I'm Maria Alexia Yllustre," pakilala ko sa kanya then I offer him my hand, buti na lang inabot nya.

"I thought she's Cassandra. You have a daughter pala after Cassandra, I thought after Cassandra is Kenchi?"

Nakita kong parang nagtaka si Miko, nilingon nya ako pero nagkibit balikat lang ako.

"I have 4 kids sir. 2 boys and 2 girls." Sagot ni Papa

Lalo naman nangunot yung noo ng daddy ni Miko pero nakita kong nagkibit balikat na lang din sya,

"Sir, pasok tayo" pagiiba ni papa ng usapan

Miko's POV

Nagtaka ako kung bakit andito si Daddy. Bagong investor siguro ang papa ni alexia sa company namin.

Ganun naman si daddy eh, lahat ng malalaking investor ng company namin kinakausap nya.

Pero nung nagpakilala na si Alexia, nagtaka si daddy na may ibang anak na babae pa si Mr. Yllustre.

Nilingon ko si Alexia, pero nagkibit balikat lang sya.

Pumasok na kaming apat sa bahay nila.

Pagpasok mo sa bahay ay living room ang una mong makikita.

Makikita mo ang dalawang family portrait na nakasabit sa dingding. Ang unang portrait ay 5 lang sila pero wala si Alexia, ang pangalawang portrait ay halatang bagong kuha lang at andun na si Alexia.

Makikita mo rin ang mga mamahaling vase sa magkabilang gilid ng sofa.

"Maupo ho muna kayo. Tatawagin ko lang ang aking asawa. Alexia, ikaw na muna bahala sa kanila." Sabi ng papa ni alexia, sinundan ko ito ng tingin, umakyat ito sa hagdan.

"Ah, wait lang po sir, magpapakuha lang po ako ng meryenda sa katulong" at pumunta na sya sa kitchen syempre.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap si Daddy.

"Dad, anong ginagawa nyo dito?"

"Alam mo naman siguro kung bakit ako nagpunta dito? Gaya ng hinala mo anak, ganun din ang hinala ko."

Nanahimik na ako. Ano na namang pinagsasabi ng tatay ko

"Nakausap mo ba dito si tita?"

"Hindi. Naaawa na nga ako eh. Ilang taon na din."

May sasabihin pa sana ako pero biglang dumating ang si Alexia, kasama ang yaya nya.

"Ah. Natagalan po ba sir? Pasensya na po eto lang po ang maio-offer namin"

Tinignan ko yung dala nila. Lasagna, chocolate cake, pizza, carbonara, orange juice, tea, softdrinks, coffee,

Tinignan ko sya and raise an eyebrow at her. Andami naman, I took a slice of pizza. Kakagat pa lang sana ako ng pizza ng.......

"Mr. buenavista sorry medyo natagalan kami,"

Pagangat ng ulo ko, ayan na pala yung Mama at Papa ni Alexia.

The Forgotten GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon