3. Pandak

131 2 0
                                    

Nasa langit na ba ako?

Nagulat ako paggising ko nkahiga ako sa kama. Teka, nasan ba ako? Nilibot ko yung mga mata ko puting kisame, lahat puti.

Nasa langit na ba ako?

"Bawal ka sa langit miss"

shet napalakas yata yung pagsabi ko.

Nakita ko si Arvinson nakangiti. Nasa gilid ko sya.

Pakiramdam ko, yung mukha ko naging kulay kamatis na sa sobrang pula. Nakakahiya naman kasi.

"Ok pala ha. Nag-alala ako sayo kanina nung bigla kang nawalan ng malay. Naalog yata yung utak mo." Hinawakan nya ang ulo ko at nagkunwaring chineck ang utak ko. Tinignan ko syang mabuti, kahit nakangiti sya makikita mo yung pag-aalala sa mukha nya.

"Sorry." Ngumiti ako. Pero ramdam ko pa rin yung pag-iinit ng mukha ko. Narinig ko syang tumawa.

"You're blushing. Bakit ka nagso-sorry eh gi di mo naman kasalanan na natamaan ka ng bola."

Lalo yatang namula yung mukha ko sa pagpuna nya sa pag blush ko.

Buti na lang dumating na si nurse. Pwede na daw ako umuwi since 3 pm na.

"Antagal ko palang nakatulog" sabi ko kay Arvinson.

Pauwi na kami. Ihahatid na lang daw nya ako dahil baka kasi madisgrasya ulit ako.

"Oo nga eh" ngumiti sya. Kanina pa sya ganyan ngingiti pero parang ang lalim ng iniisip nya. Dumadaldal ako pero ang tipid nya sumagot.

"Hmmm. Kilala mo ba kung sino yung nakatama ng bola sakin?" Tanong ko, wala na akong maisip na sasabihin, nababaliw na ako sa kanya sa sobrang tahimik nya.

Seryoso lang syang nagmamaneho.

Malapit na kami sa bahay pero ganun pa din sya.

"Oo, ka-team ko sya sa basketball, bakit?"

"Wala parang pamilyar kasi yung mukha nya, para bang nakita ko na sya before?"

Huminto ako nasa tapat na kami ng bahay namin. "Arvs, sige hanggang dito na lang, salamat sa paghatid" nginitian ko sya saka pumasok sa loob.

Hindi ko sya pwede papasukin. Baka kasi magalit ang mama. Strikto yun pagdating sakin ee. Lumingon ako at nakita kong nakababa ng window nya at nagwave sakin, nagwave din ako at pumasok na sa gate namin.

------------

Nasa kwarto ako, nakahiga, nagrerelax. Ayokong mag-isip kasi lalong sumasakit yung ulo ko. Pero yung pumapasok sa isip ko yung mukha nung lalaki kanina. Yung mukha kasi ng lalaking yun kahit hindi ko sya natitigan masyado para bang magkakilala na kami dati. Nakita ko sa mga mata nya kanina yung pagkahalo ng pagkasuklam at pagkatuwa. Ewan natutuwa ba sya na natamaan nya ako ng bola kasi galit sya sakin?

Nag pout ako. Aish. Mamu. Tumingin ako sa left side ko. Nakita ko yung cp ko. Kinuha ko at tinext si Sarah.

To: Sarah

Sarah, anu ginawa nyo kanina? May nangyari kasi kaya hindi na ako nakapasok.

Pagkatapos magsend nahiga na ako. Maaga pa para matulog.

Umilaw yung phone ko.

From: Sarah

Discussion. Always. Ey wala rin si fafa Arvs. Don't tell me nag date kayo?

Natawa na lang ako. Hindi na ako nagreply since sayang lang sa load. Classmate din kasi namin sa isang subject si Arvinson.

Baliw talaga yung babae na yun.

The Forgotten GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon