Lost Princess

354 5 2
                                    

Isang garden, maliwanag ang paligid at maraming mga nakakalat na petals sa pathway.

Lakad.

Lakad.

Sinundan ko lang yung pathway. Gulong gulo na ako. Nasaan ba kasi ako? Etong damit ko bakit ako naka-gown at tiara. Anu ba yan nawawala na ako kung anu-ano pa ang napapansin ko. (-_-)

"May tao ba dito?" Sigaw ko.

"May tao ba dito-o-o-o" sa kasamaang palad yung echo lang sumagot sakin. Ampft naman talaga oh! Naiinis na ako, nasan ba kasi ako?

Napahinto ako. Wow!! Anu to? Table for two. May mga nakahain na pagkain at bouquet sa isang upuan with a small box. Napansin ko sa gilid yung nakatalikod na lalaki. Nilapitan ko sya para magtanong.

Kinalabit ko si kuya "Ah, kuya nawawala po ako"

Dahan dahan syang humarap sakin at napansin ko ang isang makisig na lalaki na may suot suot na maskara

" Prinsesa, kanina pa kita hinihintay" sabi ng lalaking nakamaskara.

Actually mata lang yung natatakpan sa kanya,

Nagulat ako sa sinabi nya.

"Prinsesa? Ako? Oh, no. Nagkakamali ka. Teka, nasaan ba tayo? Saka etong damit ko? Ano to?" gulong gulo kong sabi at inikot ko ang paningin ko sa paligid ko. May orchestra. Mukhang engrandeng dinner itong napasukan ko at napagkamalan nyang ako yung kadate nya.

ngumiti sya at hinaplos nya yung pisngi ko napa igtad ako sa kuryenteng naramdaman ko, wait naramdaman ko yun, diba panaginip lang to? Makakaramdam ka ba ng sparks sa panaginip?

"Princess, hindi ka nagbago. Alam mo alisin mo muna ang mga gumugulo sa isip mo kahit ngayong gabi lang"

Tumingin ako sa kanya, nakita ko syang ngumiti kaya napangiti na rin ako. Nilahad nya ung kamay nya at tinanggap ko naman. Nagsayaw kami ng slow dance. Hindi ko alam kung bakit akong pumayag magsayaw. Hindi ko sya kilala pero sya kasi yung tipo ng taong mapapasunod nya lahat dahil sa charm nya. Tinignan ko syang mabuti. Ano kayang hitsura neto? ano kayang nagtatago sa loob ng maskara nya. Nagulat ako ng bigla syang magsalita.

"napakaganda mo ngayong gabi."

Pakiramdam kong naginit ang mga mukha ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"T-thank you." sabi ko. Ano ba tong lalaking to. Napakamysterious nyang tao.

Nag-iba yung music na tinutugtog ng orchestra.

Naging mabilis ang beat at parang pang club.

Fast and furious, yeah.

Fast and furious, yeah.

Fast and furious, yeah.

Natawa sya. Naglakad kami papunta sa table pero pinigilan ko sya.

"Teka,ang daya naman eh. Hindi ko makita yung buong mukha mo." tapos nag pout ako.

Tumawa syabat hinawakan ang baba ko para iangat ang mukha ko "don't do that, nahuhulog ako ng tuluyan sa'yo ee"

Nagblush naman ako na ikinalakas ng tawa nya. Uminit ang mukha ko at alam kong pulang pula na ako ngayon.

"oh sige tatanggalin ko na" sabi nya binitawan nya ang pagkakahawak sa braso at mukha ko.

Tiningnan ko sya at parang kinakabahan ako. Napahawak ako sa dibdib ko ng tatanggalin nya na nya yung maskara nya pero may biglang sumigaw.....

ANNNNAAAAAAAAAKKKKKKKKK!!!!!!!!!!!!!

Tumigil ang orchestra.

Si Mama. Patay. Nandito rin sya? Hinahanap nya ako?

Tumingin ako sa kanya bigla syang nagsalita "hanggang dito na lang tayo, paumanhin Prinsesa. Sa susunod nating pagkikita." hinawakan nya yung kamay ko at hinalikan ito. Tumakbo na sya palayo.

tinignan ko na lang sya hanggang hindi ko na sya matanaw. Gustong gusto ko syang sundan pero pinigilan ko ang sarili ko.

tumakbo na rin ako pabalik kung saan ako galing kanina.

Pero biglang may humila sakin at tinulak ako sa bangin. Teka kelan pa nagkabangin dito? Wala namang bangin dito nung dumaan ako ah.

"AHHHHHHHHHHHHH, TULONGGGGG!!!!!!" Sigaw ko

Nakita ko ulit sya at pilit nyang inabot yung kamay ko. "Prinsesa, WAGGGGGG!!"

Pero huli na ang lahat dahil kahit anong gawing abot nya sakin, hindi nya na ako maabot dahil tuluyan na akong nahulog sa walang hanggang bangin na ito.

Tumingin lang ako sa kanya at tinaas ang kamay ko na parang inaabot ang kamay nya.

Parang may humihila sakin pababa, pumikit na ako at nagpaubaya sa kung ano man ang mangyayari.

---

Thank you for reading this is my first story. sana magustuhan nyo. :))

The Forgotten GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon