1

240 4 1
                                    

See you around

Napadilat ako. Malabo pa ang paningin ko.

"Ahh, nasaan ako?" Napabangon ako, pero nabuwal lang ako.

"Siguro dahil sa pagkakahila sakin" tiningnan ko yung damit ko.

Nakapambahay.

Hayyy. Panaginip na naman.Teka. Matagal ko na ring hindi napanaginipan yun. Ano kaya ibig sabihin nun?

Pero parang totoo. Alam kong naramdaman ko yung sparks na yun, yung pag blush ko, yung init ng katawan nya habang nagsasayaw kami.

Tsk. Tumutunog pa rin yung cellphone. Inabot ko at pinatay.

"Anak, gising ka na pala,kanina pa kita ginigising" tinignan ko si mama. Napansin nya yata na malungkot ako kaya nilapitan nya ako.

Gulong gulo ako, bata pa lang ako napapanaginipan ko na sya.

"Mama,napanaginipan ko na naman sya, this time sabi nya ako daw ang prinsesa at matagal na akong hinihintay ng hari" tinitigan ko si mama, sa umpisa nagulat sya pero ngumiti din.

"Hay nako, para kang tanga. Prinsesa ka naman ah, prinsesa namin. Umagang umaga yan ang iniisip mo. Magmadali ka at malelate ka na"

Nag pout ako tapos sinunod na rin si mama first day pala ng school ngayon. College na rin ako sa wakas. Hay salamat. Freedom, here we go!

Teka, hindi pa pala ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Maria Alexia Yllustre. My friends call me Xia, my haters call me Marya. Tindi no? 16 na ako, 1st year college na. Sa Parfait University ako papasok for College. Parfait is a french word means Perfect. Sakto kasi kapag nasa loob ka ng University mo makikita mo na in perfect order lahat, at sabi nila perfectionist daw ang Asawa ng may-ari ng university.

Moving on.

Pagkatapos ng daily routine ko. Tinignan ko muna yung uniform ko. Bagay na bagay kaya lang masyadong maiksi. Eh anong magagawa ko yun naman ang school uniform.

(Authors note: look sa gilid Maria Alexia Yllustre wearing her uniform>>>>>> Gumamit ako ng ibang model since yan ang gusto kong uniform, at wala pang ginanapan si Julia na student na ganyan ang uniform )

Kinuha ko na yung Gucci bag ko at lumabas na ng kwarto. Narinig kong tinatawag na ako ni mama. Si mama talaga oh ever since napaka ingay. Peace loves ko yan no.

"Ma, Pa, hindi na siguro ako kakain, first day kasi, baka traffic."

"Oh sige, good luck anak, sana makahanap ka agad ng kaibigan mo" sabi ni mama habang nag hahanda ng breakfast para kila papa.

"Anak, wag muna mag boyfriend ha?" Sabi ni Papa, habang nagbabasa ng newspaper. Napangiti na lang ako, Araw araw na rin kasing sinasabi ni papa yan.

Hinalikan ko muna sila mama at papa tapos saka na umalis.

Paglabas ko ng bahay ay nag aabang na ang sasakyan namin, pumasok na ako sa likuran at sinenyasan si kuya na ihatid na ako,

Hayy traffic. First day kasi. Tumingin na lang ako sa labas. Hindi pa rin talaga mawala sa isip ko yung panaginip ko ee. anu kaya yung ibig sabihin nung lalaki sa panaginip ko?

Pagkatapos ng ilang minuto, natanaw ko na ang school ko.

"Kuya sa tapat mo na lang ako ng gate ibaba" aangal pa sana si kuya pero gusto kong pumasok ng naglalakad gusto kong mafeel ang pagpasok sa gate ngayong first day ko.

Ayan lakad ng konti.

Andito na ako sa Parfait University.

Huminto ako at pinagmasdan muna ang labas ng University. Halos lahat ng estudyante nagmamadali. Yung ibang mga babae nagkumpulan at nakikipagtsismisan. Maraming estudyante na sa tapat ng gate bumababa pero mas madaming sasakyan ang pumapasok sa gate. Mayaman talaga mga estudyante dito.

The Forgotten GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon