The Mansion

32 1 0
                                    

Wow. Just wow. Yun lang ang masasabi ko sa ganda at laki ng bahay.

May narinig akong tumikhim,

"Tapos ka na bang mamangha dyan?"

Sumimangot ako at di ko sya pinansin.

Naglakad na sya palayo. Wala naman akong choice kundi sundan sya, may nakasalubong kaming dalawang katulong.

Ngumiti pa ito kay Miko at sakin.

"Ay ser, naroroon po sila ma'm francess at ser aldrich sa pool" sabi nung katulong.

"Ok. Thanks manang"

Paglapit namin sa pool ay may dalawang pigura na naghahalikan. Hindi ko naman na siguro kailangan pang sabihin kung sino di ba?

Sa gulat ko ay napatakip ako ng mga mata.

"Shit" sabi ni miko, hinila nya ako at pinatalikod.

"Hoy aldrich! Tigilan nyo nga yan. May kasama ako dito no!" sigaw nya sa dalawa.

Nanatili akong nakatalikod.

"Sus. Kung magreklamo ka naman. Eh ilan ng babae ang dinala mo dito ah, hindi ka naman ganyan" pang aasar ni Francess sa kanya.

"Bakit pare? Sino ba yang kasama mo? Ito kasing si France eh, biglang nanghalik."

"Hoy ikaw. Harap ka na dito. Safe na." sigaw ni Miko which I guess ay ako ang sinasabihan nya.

Humarap nga ako at nakita ko ang mga gulat na mukha ng dalawa.

"What is she doing here, Miko?" bulong ni Francess na hindi naman talaga bulong dahil nga narinig ko.

"Sinama ko sya" maiksing sagot ni Miko, kahit kelan talaga to ang sungit.

"Nag cut kayo ng class?" tanong ni Aldrich

Hindi nya ito sinagot at imbes tumayo at naglakad sya palapit sakin. Para lang akong estatwang nakatayo dun. Hwak ang strap ng backpack ko.

Ngumiti sya sakin. No. Hindi ngiti. Nag smirk sya at inakbayan ako.

"Siya ang girlfriend ko" proud nya pang sabi at nakangiti.

Laglag ang panga at gulat na gulat ang mga hitsura ni Francess at Aldrich.

Ako naman ay siniko si Miko sa tagiliran.

"Ano bang sinasabi mo dyan?" sab ko sa kanya.

"Bakit? Totoo naman ang sinabi ko ah."

"Tsk. Hindi pa rin ako payag maging gf mo tapos pinagkakalat mo na?"

"Whether you like it or not, tayo na. Alam na nga ng mga magulang natin eh." Sagot nya at hinila na ako palapit kila aldrich.

Naupo kami sa isang cottage. Magkatapat kami ni Aldrich, samantalang si Miko katapat nya si Francess.

"How did this happen?" pambasag ng katahimikan ni Francess.

"Don't ask. Parang napakaimposible namang maging kami. Teka kulang ng food, walang food yung gf ko, oh sayo na lang tong share ko, kukuha lang ako sandali."sabi ni Miko at aktong aalis na pero pinigilan ko.

"Teka sama na ako" ayoko talagang maiwan with Francess at Aldrich dahil sigurado naman akomg magtatanong lang sila at wala akong maisasagot dun.

Tatayo na sana ako ng biglang tumawa si Francess.

"Ganyan ka ba ka-clingy? Parang mawawala naman yung bf mo,"

tumingin sakin si Miko "dito ka na lang, sandali lang ako" then he winked at me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Forgotten GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon