Entry 1.5 Dark Side

148 4 0
                                    


MAGENTA~

Nasan nanaman ba ako? Bakit ganito? ang dilim. Wala kong makita kundi puro kadiliman napaupo ako.

"Anak."

"Magenta."

Napalingon lingon ako upang hanapin ang tinig na iyon. Boses babae ito.

"Sino ka? Nasan ka?!" Sigaw ko. Nag echo lang ang boses ko.

"Mama?" Napaluha ako ng makita ko si Mama na papalapit saakin nakaputi siya. Alam kong si Mama siya dahil nakita ko na siya sa Litrato madami akong litrato ni Mama.

"Demonise." Kinilabutan ako ng binanggit niya ng napakalamig ang pangalan ko. Mas malamig pa sa boses ni Prince.

"M-mama? B-bakit?"  Nanlilisik ang mga mata niya sakin habang papalapit.

"Ma-ma? Miss na po kita." Tuloy tuloy pa din sa pag agos ang mga luha ko. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit siya namatay dahil inilabas niya ko.

"Hindi kita anak!!!!" Malakas na sigaw niya. Punong puno siya ng galit napaatras ako pinunasan ko ang luha ko.

"M-mama anong sinasabi mo??!"

"Dapat ikaw ang namatay!!! Hindi ako! Ikaw!! Ikaw ang pumatay sakin!!! Demonyo ka!!!" Napaiyak ako ng tuluyan sa sinabi niya at napaluhod.

"Mama s-sorry."

"MAMATAY KA! Ikaw dapat ang patay Demonise!!! Ikaw!!!"

"T-ama na Ma-ma!" Tinakpan ko ang tenga ko dahil nasasaktan nako sa sinasabi niya.

"DEMONYO KA!!!"

"Ikaw!!! Kayo ng Ama mo ang pumatay sakin!!! Hindi kana dapat na buhay pa!!!

"Demonyo ka!!!"

"DEMONYO!!!"

"HINDI!!! HINDI AKO DEMONYO!!! TUMAHIMIK KAAAAAA!!!!"

--

Nanay Mae's POV [Nanay ni MD]

"HINDI!!! HINDI AKO DEMONYO!!! TUMAHIMIK KAAAAAA!!!!"

"Anak!" Napatakbo ako sa hinihigaan ni MD dito sa kwarto niya. Jusko panginoon.

Napatigil ako sa paglapit sa kanya dahil pula ang mga mata niya napaatras pako dahil antalim ng mga tingin niya.

"Magenta?" Hindi siya umiimik. Nakatitig lang siya saakin. Ito na nga ba ang kinakatakot ko, Wag mong hayaang kainin ka ng galit Magenta. Panginoon gabayan mopo si Magenta.

"It's good to be back." Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"H-hindi to maari. H-hindi." Umangat ang sulok ng labi niya. Hindi Magenta! Nagising na ang isa niyang katauhan.

"Demonise." Seryosong banggit ko.

--

3rd person's POV

"Nanay Maelindsie Ali. Kamusta ang paninirahan sa mundo ng mga mortal?" Napaatras si Nanay Mae dahil kinikilabutan siya kay Magenta, Hindi Mali, Hindi siya si Magenta ngayon dahil siya si Demonise Clark, Walang Magenta. Tanging ang katawan lang ni Magenta ang gamit nito.

Demonise Clark, Ang isang katauhan ni Magenta iisa silang dalawa. Mag kaibang magkaiba silang dalawa kahit iisa lang sila Masama si Demonise wala siyang sinasanto kahit na sino, Siya ang Dark side ni Magenta na nagigising sa oras masakop ng galit ang buong puso niya.

Devil's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon