Entry 1.12 Stranger

175 6 2
                                    


Magenta~

Napatakbo ako ng makita ko ang makapal na usok na malapit sa Mansion. Medyo malayo ito sa Rockfort at malayo sa mga tao solong nakatayo ang Mansion sa Gitna ng gubat kaya bigla aking kinabahan.

"Omyghad." naibulalas ko dahil tinutupok na ng apoy ang buong Mansion.

"NANAY!" Sigaw ko. Hindi! Hindi maaring makasama siya dito. Hindi!!

"N-nanay!!" Sigaw ko pa din. Hindi ako makalapit sa loob dahil napakataas ng apoy wala kong ibang nagawa kundi ang umatras napaluhod ako at napaiyak.

Kasalanan ko 'to , kung hindi ko iniwan si Nanay hindi siya masasama sa loob. Ako ang may kasalanan.

"Ineng? May mga pulis at Bombero na ang papunta dine sa inyo." Napaangat ako ng tingin bago pinunasan ang luha ko. Nakita ko ang matandang may dala dalang tungkod at ibon sa balikat nito.

"S-salamat po." Napatingin muli ako sa Mansion na tinutupok na ng apoy. Sino ba ang may gawa nito?

"Tsk. Tsk. Hindi kana dapat pumayag na bumalik dito. Mauulit at mauulit muli ang nakaraan na nakabaon na dahil sa pag babalik ng nag-iisang anak nila." Napatingin ako sa Matanda samantalang nakatingin lang siya sa Mansion na Umaapoy.

"A-anong sinasabi mo?" Takhang tanong ko.

"Mauulit ang nakaraan. Ang nakaraang ibanaon na ng nakaraan. Ang nakaraang sumira sa buong sang katauhan. Dahil sayo Masisira muli iyon."

"Maaaring mabago ngunit mukhang malabo." Naglakad na siya palayo sakin.

"T-teka?! Sino kaba?" Sigaw ko dito.

"Makikilala mo din ako. Sa tamang panahon."

Naguguluhann ako sa sinabe niya. Ano bang meron sa nakaraan? Tsaka ano? Ako? Ako pa ang sisira? E di ko nga siya maintindihan.

Sunod sunod na Wang wang at tunog ng ambulansiya ang nakapag balik sa wisyo ko.

Napaluha muli ako. Ano bang nagyayari sa buhay namin? Siguro tama ang matanda na iyon. Hindi na dapat pa ako bumalik dito. Para saan pa diba? Eto ba ang kapalit? Parang gusto kong itali ang ulo ko at isabit sa puno para magising ako sa katotohanan.

Pinipilit ko ang sarili ko na ayos lang ang lahat. Na Ayos pa ang buhay ko kahit sirang sira na. Wala na siya. Wala na si Nanay Mae mag isa na lang ako.

"Iha? Dito kaba nakatira sa bahay na 'to?" Tanong sakin ng Pulis.

"Oo." Walang buhay kong sabi.

"Ah- eh Hihingin ko lang Sana ang—"

"Bahala na kayo." Tumalikod ako sa kanila.

At naglakad palayo. Sana'y naman akong nag iisa e bakit pa diba? Ibinigay niya pa sakin si Nanay tapos kukunin niya din naman pala?! Sana *sob* hindi niya nako hinayaang *sob*  nasanay na may laging nasa tabi ko kung ganito din pala.

Dahil sa sobrang pag dadalamhati ko hindi ko na napansin ang Truck na papunta saakin hindi ko manlang napansin na nakaabot na pala ako sa High way.

Naramdaman ko nalang bumagsak ako sa lupa.

"ANO BA KAYO?! MAG PAPAKANATAY BA KAYO?! LETCHE! WAG KAYO DITO. NAKAKASAGABAL KAYO!!!" 

Napadilat ako ng makarinig ako ng malakas na sigaw. Nagmula iyon sa Driver ng Truck.

"Paumanhin po." Sabi ng lalaking nagtulak saakin dito.

Hindi umimik ang Dribmver bagkus nag maneho ito paalis. Natuon ang pansin ko sa lalaking nakahood na Green. Di ko makita mukha niya pero halata namang lalaki siya base sa boses niya.

"Sino ka?" Tanong ko dito. Tumayo na ako mula sa pagkabagsak ko.

"Mag iingat ka nga sa susunod." Hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Salamat." Naisabi ko nalang bago siya talikuran. Ngayon? San ako pupunta?

"Mabuti pang sumama ka sa kanila. Sila lang ang makatutulong sayo." Sabi nito. Napalingon ako sa gawi  niya nakatayo siya may suot siyang mahabang kapa na kulay Green at may malaking Hood medyo mag didilim na din kaya di ko makita ang mukha niya.

"Sino ba tinutukoy mo?"

"Sila Prince at Zaffira. Sila lang ang kayang sumagot sa lahat ng katanungan mo. Ay mali pala ang lugat nila Ang mundo nila."

Napaisip ako sa sinabi niya. Kung sasama ba ako sa kanila matatapos na 'to? Matatapos na ang pag hihirap ko? Masasagot naba ang mga katanungan ko?

"Mauuna na ako. Pag isipan mong mabuti." Patalikod na sana siya ng magtanong ako.

"Sino ka ba?"

"Ako? Makilala mo ko sa tamang panahon. Pero maaari mokong tawaging Perseus." Naglakad na siya palayo.

Isa nanamang Stranghero?  Punong puno na talaga ng kababalaghan ang katauhan ko. Paano niya nakilala sila prince?

"Hanggang sa muli, Magenta." Huling salita niya bago mag laho sa kadiliman.

Kilala niya ko? Dapat na ba akong matakot? Sa tingin ko tama siya. Sila lang ang Enchanted World Lang siguro ang makakasagot sa katanungan ko.

Wala namana kong babalikan pa namatay na. O pinatay? I will make sure They will pay big time.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Devil's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon