Entry 1.11 Demons (Part II)

100 5 1
                                    


Zaffira's POV

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil may Isang Enchantress si Magenta o Matatakot.

Hindi madaling maging isang Enchantress, Oo masayang mag karoon ng kapangyarihan pero hindi mo alam kung ano ang kapalit nun sa'yo.

"Sino ang Mama mo?" Tanong ni Serenity kay Magenta na kanina pang tahimik.

Mabuti nalamang hindi na ganun kadami ang nasasalubong namina na Demons hindi katulad kanina, napakadami.

"Uhhh--- Si N-nanay Mae."

"Isa kang Enchantress kaya marapat na ikaw ay Manirahan sa Enchanted World." Sabi ko. Delikadong mag pakalat-kalat ang Enchantress sa Mundo ng mga Mortal.

Pero isa ako sa mga Higher Ranker na sumasabak sa labanan na handang mamatay.

"H-hindi ko pwedeng iwan ang Nanay ko dito." Napailing ako.

"Tss. You think they can't smell you? Maybe now or later they're after you." Sabat ni Prince.

"Pero----"

"Kyaaah!" Napalingon kami sa gawi ko kung saan nakarinig kami ng sigaw.

"Sino yun?"

"Shit." Prince napakunot ang noo ko. Agad namin siyang sinundan dahil tumakbo siya.

Napatigil kami malapit sa malaking Oger pinatamaan ng Babae ang Oger ng kanyang Lightining Thunder.

"Serves that Ugly Creature!" Bulalas pa nito. Hindi ko makilala kong sino iyon nakatalikod siya saamin. Pero si Prince alam kong nakita niya ang mukha nito. Mahaba ang dilaw nitong buhok.

"What are you doing here?" Malamig na tanong ni Prince dito. Dahan dahang humarap saamin ang Babae. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko siya. Anong ginagawa niya dito?!

"Nice greetings! I smell something fishy kasi e." Maarteng saad nito.

"Ate Kira?" Serenity. Kilala ko siya, Sinong hindi makakakilala kay Akkira Hunter- Melthart ang Asawa ni Prince. Pinsan niya si Serenity at Serena.

---

Magenta's POV

"Serenity!" Niyakap niya ito. mukhang close sila Hmm?

"I miss you Ate Kira!"

"Me too Pinsan!" So, mag pinsan pala sila?

"Psh."

"Kamusta?" Zaffira.

"Still Gorgeous Fira *Wink* "

"Hahaha. I see."

"Pinapabalik na tayo ni Ina." Seryosong sabi nito. Hindi ko siya kilala pero kilala niya sila Prince.

"Nagkalat na ang mga Demonyo napag alaman nilang nandito tayo kaya pinapabalik na tayo nila Ina dahil mas lalong tumatagal ang pag stay natin dito ay siyang mas delikado." Dagdag pa niya.

Naglalakad kami lahat ng madaanan naming Demons at Halimaw ay Pinapatamaan niya ng Kidlat.

Ang cool sigurong mag karoon ng ganung kapangyarihan.

"Sige Ate Kira." Serenity.

"May kasama pala kayo! Pfft. Hindi ko manlang napansin, Oh Hi dear." Napatingin ako sa kanya. May mahaba siyang Dilaw na buhok at asul na mga mata Ang ganda niya.

"Hey?" Ako ba kausap nito? 'Ay natural 'teh '

"Hi." Awkward na sabi ko.

Parang hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya na ewan.

"I'm Akkira Melthart." Pakilala niya. Melthart? Kaano ano niya si Prince? Hmm. Siguro kapatid dahil kita naman sa mata ni Prince kanina ang pag aalala.

"Uhmm. I'm Magenta Clark." Tipid na pakilala ko.

"Nice meeting you! You look innocent yet pretty and Dangerous." Napakunot ang noo ko. Sa huli niyang sinabe.

"Don't mind her. Let's go." Malamig na sabi ni Prince sabay hawak sa nga kamay ko. Nakita ko kung paano manglilisik ang mata ni Akkira.

Ito naman kasing si Prince e. Alam ng nag uusap pa kami nakikisabat nagalit tuloy si Akkira.

Hinahatak ko ang kamay ko mula sa kanya pero mas lalo niya pa itong hinigpitan ng hawak. Ano bang problema nito?

Ilang minuto pa medyo lumuwag luwag na ang hawak niya  kaya kaagad ko itong kinuha sa kanya tiningnan niya ko ng masama kaya nag iwas ako ng tingin. May sarili siya kamay ba't hindi niya hawakan diba?

---

"Sa wakas! Natapos din." Naibulalas ni Serenity habang nakanguso.

"Mahihina lang naman ang mga Demons na yon e." Akkira.

Natapos na naming patayin ang nga demons, Ay hindi si Akkira lang pala dahil siya lang naman ang palaging na patay sa mga iyon.

bumabalik na din sa dati ang klima.

"Napagisipan mo na ba?" Zaffira. Napabuntong hininga ako bakit ba ang kulit niya? Kanina pa niya ko tinatanong about dito.

Hindi ko pwedeng iwanan si Nanay dahil siya nalang ang meron ako.

"Hindi talaga." Sagot ko. Gustuhin ko man pero hindi talaga pwede ang gusto niyang manirahan ako sa Enchanted.

"Pero Magenta.."

"Wag mong ipilit ang ayaw Fira." Napakagat ako sa labi ko dahil iba ang dating ng sinabi ni Akkira.

"8pm sharp later. I will wait you here in School if ever na mag bago ang isip mo. It's your decision not us, It's up to you if you are going to come with us."

"S-susubukan ko." Yun nalang ang nasabi ko sa kanila.

"Hihintayin kanamin Magenta." Rinig kong sabi ni Serenity at Zaffira ng makatalikod ako.

Hindi na ako umimik pa dahil baka kung ano ang masabi ko at Ma dissapoint lang sila sa desisyon ko.

Devil's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon