Entry 1.10 Demons

91 4 0
                                    


Magenta's POV

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa malakas na dampi ng hangin ang lamig. Natatanaw ko na mula sa pwesto ko ang Rockfort napakadilim na din ng langit nag madali nako sa pag lalakad, Di naman siya ganun kalayuan saamin kaya nag lakad nalang ako.

Nang makarating ako wala kong makitang Studyante kahit isa ang tahimik. Para kong nasa isang horror movie tanging hangin lang ang naririnig ko. Pati si Manong guard wala din sa pwesto niya which is sa tapat ng gate dapat.

Napailing ako marahil may pinagkaka- abalahan sila kaya ganun. Nag tungo ako sa Classroom namin.

Wala din akong nasasalubong kahit isa. Di kaya walang pasok? Pero wala naman ibinalita.

Bigla akong nangilabot ng May maramdaman akong kakaiba. Hindi naman mukhang mali itong napasukan ko ah? Ba't ang creepy? Wala pa namang November.

"*huk* Anong ginagawa mo dito Magenta? *huk*" Napakunot ang noo ko kay Serena na hinihingal bagong pasok siya sa Classroom.

"Anong nangyare sayo?" Hindi ko sinagot ang tanong niya.

"W-wala. A-ano kase k-kailngan mo ng——" Bigla nalang siya tumalsik ng may sumunggab sa kanya.

What's happening?! Nasa pinto siya ng may sumunggab sa kanya di ko 'to nakita kung anong uri iyon dahil napakabilis ng pangyayare.

Agad ako lumabas ng Classroom para tingnan iyon. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat . "A-anong H-hayop yan?" Bulong ko sa sarili ko. Nakita ko kung paano kalabanin ni Serena ang Malaking Bull na nakatayo! Oo nakatayo siya nakakatakot siyang tingnan at yung paa niya parang paa ng kabayo may mahabang sungay din siya.

"Umalis kana dito!!!" Malakas na sigaw ni Serena. Tumalsik siya ng masuntok siya ng Bull.

Agad akong lumapit sa kanya.
"Ayos kalang ba?" Nag aalalang tanong ko. Hindi siya sumagot bagkus inangat niya ang kamay niya at itinapat sa Bull.

Tumalsik nalang ang Bull mula sa malayo. "M-magenta Delikado d-dito ngayon. U-malis kana! K-kinukuha ng mga D-demonyo ang kaluluwa ng mga T-tao." Nahihirapan niyang sabi.

"H-hindi kita iiwan!" Matigas na sabi ko. Kahit alam kong delikado.

Inalalayaan ko siyang makatayo. " Ate Serena!!!" Sabay kaming lumingon sa sumigaw.

"Serenity!" Pag tawag ko. Dali dali siyang lumapit kasama niya pala si Zaffira. Nasan pala si Prince?

"Ate, Ayos kalang ba? Mag pahinga kana Ate. Kami ng bahala pumatay sa mga Demons." Sincere na sabi ni Serenity.

"Andito kapala Magenta! Masyadong delikado dito." Zaffira.

"Alam ko. Tutulong ako!" Sabi ko. Napatingin sila sakin.

"Anong maitutulong mo? Magiging pabigat kalang." Sabi ng bagong dating.

"P-prince." - Serenity.

di ako nakaimik sa sinabe niy, Tama siya makakapabigat lang ako, Sila bihasa na sa kapangyarihan nipa ako? Wala, wala pa sa kalingkingan nila ang alam ko.

"Iuwe niyo na si Serena mukhang napuruhan siya." Malamig na sabi ni Prince.

"K-kaya ko pa." Pag mamatigas ni Serena.

"Tss. May tama kana." Nagdudugo pala ang gilid ng tiyan niya di ko manlang napansin.

"Pero—"

"Teleport her Serenity."

"O-opo Prince."

Bigla nalang nawala sa tapat namin si Serena. "Nasaan siya?" Tanong ko. "Nasa bahay na siya na tinutuluyan namin." Sagot ni Zaffira.

*Tiger's Roar*

Napalunok ako dahil may malaking lion na papalapit saamin.

"Kill that!" Usal ni king kay Zaffira. Tinitigan ni Zaffira ang Lion.

"A-ayaw sa kanya tumalab ng Hypnotism ko." Mabilis na sabi niya.

"What?!"

"Tss. Let me." Prince.

Tinitigan ko ang Lion na nakikipag titigan sakin. bigla nalang lumabas sa bibig ko ang salitang "Pain." Napahiga sa sahig ang Lion at namilipit sa sakit. Hindi na naituloy ni Prince ang balak niyang gawing abo ang Lion.

Onte onte ng naging purong itim ang mata nito at naglaho nalang. "How did you do that?" Serenity.

"Ah-- kase I have power?" Patanong sabi ko. Lumapit saakin si Zaffira.

"Masyadong delikado ang kapangyarihan mo, Kaya mong bigyan ng sakit ang isang Tao o bagay hanggang sa ikamatay nalang. Kagaya ng ginawa mo sa Lion Binigyan mo siya ng sakit kaya namilipit siya sa sakit na naramdaman niya." Paliwanag niya. Ano bang sinasabi niya? Hindi naman yun ang kapangyarihan ko e. Pero hayaan na nga.

"That's why you did not asked me, How did I do, those." Malamig na sabi ni Prince. Napayuko ako.

---

Devil's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon