A/N: sorry sa matagal na update guys! T.T Nawalan kami ng Internet tag-hirap ako! Hahahahaha. Enjooooooy^^-----
Magenta's POV
Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko. Walang magandang nangyare bukod sa mga presensya na nag mamasid wala na, Nalilito ako sa nangyayare sa palagid ko.
Bakit na Fe-feel ko parang may kailangan sila sakin? Sila naba makakasagot sa katanungan ko?
Alam ko namang Malabo iyon, hindi ko sila kilala. Pero may posibilidad na kilala nila ko, Sariling ako di ko kilala napaka sama ko naman para sa sarili ko. Napabuntong hininga nalang ako.
"Kakain na Anak." Sabi ni Nanay na bagong pasok sa kwarto ko.
"Opo. Susunod na po ako."
"Sige Anak."
Naligo muna ko bago bumaba sa Dining area. Walang ibang tao dito sa Mansion na ito bukod saming dalawa ni Nanay Mae.
"Kamusta ang pag aaral mo?" Tanong nito sakin habang kumakain.
"Ayos naman po," tugon ko.
"M-may bumabagabag ba S-sayo?" Napakunot ang noo ko.
"Wala naman po. Bakit? May dapat ba kong isipin?" Diretsong tanong ko. Nakita ko siyang pinag pawisan at mabilisang ininum ang hawak niyang Juice. Aircon naman 'tong buong Mansion ah?
"W-wala. Mabuti pa't dalian mo na jan para makapag pahinga kana."
"Opo Nay." Di na siya umimik pa.
Sinakop kami ng Katahimikan. Sa malaking Mansion na ito kung titingnan napakalaki nito para saming dalawa lang mas malaki pa sa School, Nakakapagtaka hindi ba? Mag isa lang naman ang Mama ko.
Itong Mansion na ito halatang nasisiayos ang lahat. Dahil, napaka linis ng buong lugar akala mo natirahan ng matagal na panahon. Ang gaganda pa ng chandlers Living room parang pang Royalties.
Nang matapos akong kumain napag desisyunan kong umakyat na pabalik sa kwarto ko. Ngunit bago pa ako maka balik nahagip nanaman ng mata ko ang Stock Book Lib.
Nakita ko nalang ang sarili ko sa loob nito. Walang pinagbago dito ganoon pa din ng huli kong punta dito ng nakaraan. Bakit ako pinag babawalan dito? Samantalang Silid Aklatan ito. bukas na ang ilaw dito kaya malaya kong makita ang nandito.
Agad kong pinuntahan ang Box na pag mamay-ari ni Mama. Malay mo may iniwan siyang liham na makakasagot sa buong katanungan ko. Binuksan ko ito.
"Between Me & You" basa ko sa Hawak kong Libro ata? O notebook? Sinubukan ko itong buksan ngunit hindi ko makaya.
"Paano na 'to?" Tanong ko sa sarili ko. Ayaw mabuksan! Ugh.
Teka? Nasan na pala yung libro na nakuha ko dito?
"AAAAAHHHHHHHH!" Napabitaw ako sa hawak ko na libro ng makarinig ako ng malakas na sigaw sa baba. Si Nanay!
Tinakbo ko ang Kusina kahit malayo ito sa kinaroroonan ko. Bahala na!
"N-nanay!" Pag tawag ko. Ngunit walang naimik pag dating ko. Nakita ko lang na basag na mga baso at pinggan anong nangyare?
"Nanay Mae! Nasan po kayo?!" Sigaw ko. Ano ba kasi nasan ba siya?
"Ito ba hinahanap mo?" Halos kapusin ako ng hininga ng makita ko ang isang tao na hawak hawak ang katawan ni Nanay.
"S-sino ka?! Anong ginawa mo sa Nanay ko! Bitiwan mo siya!" Galit na sigaw ko. Nginisihan niya lamang ako.
"Nanay! Ayos lang ba kayo?!" Wala, walang salita akong narinig sa kanya. Blangko lang ang isinukli niya saakin, Anong nangyare?
"Anong ginawa mo?!"
"Magenta Demonise Clark ang Tagapagmana ni Maiven Clark." Nakangisi pa nitong banggit. Itinulak niya sa Nanay na wala pa ding Ekspresyon. Agad ko naman siyang kinuha.
"S-Sino ka ba?! Ano bang ginawa ko sayo ha?! Wala kaming Atraso!" Sigaw ko. Niyakap ko si nanay.
"Nay? Ayos lang po ba kayo?" Wala nanamang response. Tinitigan ko ng matalim ang lalaking kaharap ko naka suot siya ng Pulang kapa hindi ko makita ang mukha niya ngunit halata mo naman sa pangangatawan niyang malaki na lalaki siya.
Di ko maiwasang hindi matakot. Alam kong kaya niya kong patayin sa iglap lang. "Ikaw, wala. Ngunit, Ang Ina mo meron!" Napaatras ako sa sigaw niya. Punong puno ito ng galit. Binitiwan ko muna si Nanay at hinarap ang lalaki.
"Wala kong alam sa sinasabi mo! Ibalik muna si Nanay sa dati!"
"Ha! Matapos ng ginawa nila sa Pamilya ko?!! Sa tingin mo susundin kita?! Ano ako tanga?! Matapos kong ibigay ang lahat ng meron ako sa Dyablo ibenta ang kaluluwa ko para lang malaman kung sino at Nasaan ang Anak ni Maiven, Isusuko ko ang lahat?! Ha!! Hindi ako tanga!!" Galit na sigaw niya. Bigla nalang may pumalibot saking apoy.
"H-hindi kita maintindihan!" Katapusan ko na ba? Wag! Wag kang matakot MD! Kaya mo yan.
"Papatayin ko kayo!!!" Bigla nalang tumayo si Nanay at sinakal ako.
"A-aaackk N-na-nay" Nahihirapan na akong huminga ayoko siyang saktan siya na lamang ang meron ako. Napaluha ako.
"Na-nay" tumawa ng tumawa ang lalaking naka kapa na pula para siyang baliw.
Itinulak ko si Nanay dahil nararamadaman kong malapit ba ko kapusan ng hininga blanko pa din ang paningin niya. Di ko na kaya! Bigla na lang siyang tumalsik at namatay ang apoy na nakapalibot sakin napa bagsak ako sa sahig.
"Hindi kapa namatay!!! Pwes!! Ako ang papatay sayo!!" Sinugod niya ako. Mabilis akong nakailag sa apoy niya.
Tinitigan ko siya ng matalim. Ibinaba niya ang kapa niya at doon ko nasilayan ang demonyo niyang ka anyuan. May sungay siya!
"D-demonyo ka!" Sigaw ko.
"Ako ang Demonyong papatay sa iyo!!!" Napatakip ako sa mukha ko ng makita ko ang apoy na patama na saakin. Inintay ko ngunit wala, marahan kong inalis ang kamay ko.
"Tss." Naglaho nalang bigla ang apoy.
"Sino ka ha?!!' Sigaw ng lalaki..
"May naliligaw na demonyo dito? Hm?" Nagpalabas siya ng itim sa kamay niya at ibinato sa Demonyo kusa na itong nanglaho. Di nakatakas sa matalas kong paningin ang tyan na sa gilid na may Triangle at mata sa gitna itim na itim ito at kagaya ng saakin.
"Sa susunod mag iingat ka." Napabalik ako sa ulirat ng magsalita siya. Wala na patay na ang Demonyo.
"P-prince." Napaiyak nalang ako at niyakap siya.
----
Okay sabaw! Hahahaha. Ang ano ni Otor! Ngayon na ngalang nag UD ganito pa! Hahahaha.
Comment guys^^
BINABASA MO ANG
Devil's Child
FantasíaPaano kung ang tahimik mong pamumuhay ay magbago? Ang nakaraang ibinaon na dapat sa limot ay mauungkat nanaman. Makakaya mo kayang makipag laro kay Kamatayan? Pano kung si Kamatayan mismo ang sumundo sayo pabalik sa Nakaraan na siyang limot na. Mab...