Sariwa pa din ang gabing kung paano mo sinabi na nag aalala ka para sa akin. Walang dahilan. Walang sagot sa ano? bakit? paano nangyari? Basta walang dahilan. Alam mong napaka independent kong tao. Sanay mag isa. Sanay gawin ang maraming bagay na walang kasama. Ngunit pagkatapos noon. Pinaramdam mo sa akin na kailangan ko ng taga protekta, tila baga ang maskarang kay tagal kong sinuot ng matagal upang matakpan ang lahat ng kahinaan ko ay basta mo na lang tinanggal. Masyado akong naging hubad, na lahat ng tinatagong pagpapanggap na okay lang lahat, okay lang ako, kaya ko sarili ko ay bigla na lang ding nabunyag. Sa pinakaunang beses, hindi ko aakalain na may taong gusto akong iligtas sa nakakatakot na mga bagay na tumatakbo sa isip ko, at sa unang pagkakataon, naramdaman kong kailangan din ako. Nakakamiss yung mga panahon kung paano mo sinasabing "ihahatid na kita" kapag kailangan kong magpa-umaga sa Mcdo, dahil alam mong delikadong dumaan sa kalsada ng alas tres ng madaling araw, kung paano ka nag aalala kapag hindi ako nakikinig sa'yo sabay sabing "baka may mangyaring masama sayo". Hindi ko pa din malimutan kapag sinasabi kong gusto kong umiyak at bigla mo namang sasabihin "mag aalala ako para sayo." Yung mga panahon kung paano mo sinasabing namimiss mo na ako, yung mga simpleng haplos mo sa buhok ko, yung titig mo, kung paano mo ilapit yung mukha mo pag may sinasabi ka at hindi ako nakikinig sayo. Yung gabing sinabi mong "magpahinga ka na." may halong awtoridad na tila kailangan kong sundin ngunit napakalambing pa ding pakinggan. Yung mga panahon kung paano mo sabihing namimiss mo ako. Kay sarap pakinggan, tila baga nagbibigay ng ideya na gusto mo kong makita, na hinahanap mo yung presensya ko at hindi ka mapakali kasi naaalala mo ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat yung maramdaman ko. Napakahiwaga, nakakapanibago. Parang kailangang ingatan dahil sobrang importante. Mahalaga dahil mahal. Mahalaga dahil mahal. Mahalaga dahil mahal? Pero yun nga ba? Ilang beses kong gustong itanong sayo kung ano yung dahilan kaso walang lumalabas sa bibig ko. Natatakot ako kasi baka nag aassume lang ako. Baka ganun ka lang talaga sa lahat. Baka na-misinterpret ko lang. Wala naman talagang dapat na idahilan.
Isang araw umalis ka, umasa ako na sa panahon na yun, baka sakaling malaman mo yung reason kung bakit kailangan mong mag alala sakin. Umalis ka baon ang puso kong marahil dahil na din sa pagpaparamdam mong mahalaga ako ay naibigay ko na din ng kusa sayo. Naghihintay na sa pagbalik mo, kahit na araw araw ay pakiramdam ko ay kulang ako dahil dala mo yung puso ko, magiging makabuluhan dahil siguro baka mas maging malinaw kung ano nga ba yung mayroon sa ipinapakita mo. Araw, linggo at lumipas ang buwan, sa una, pakiramdam koy wala ng katapusan itong paghihintay na ito. Ansakit sa dibdib. Mapapaiyak ka na lang dahil nga alam mong kulang ka na. Bawat araw ay parang isang taon hanggang sa dumating ka na nga.
Sa buwan na paghihintay ko, at pagkamiss ko sayo nakita kitang nakatayo, mga ilang metro lang katapat ko. Pero bakit ganun? Ang lapit lapit mo na. Ganun pa din naman ang itsura mo, masiglang masigla, nakatayo at masaya. Pero parang naghihintay pa din ako sa pagbabalik mo. Naghihintay na sagutin mo yung tanong kung bakit ka nag aalala. Dumating ka, pero parang wala. Naiwan akong hubad at tanggal ang maskara na walang prumoprotekta. Nawalan ng taga protekta. Na ang tanong ko na halos ilang buwan ng naglalaro sa isip ko kung bakit ka ba dapat mag-alala ay napalitan na lamang ng kaya ka ba biglang nawala ay dahil hindi ka nakahanap ng dahilan? May iba ka na bang prinoprotektahan? Siguro nga. Ganun nga.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Naghihintay sa wala, Umaasa sa wala (Prose and Poetry)
PoetryDahil ang lahat ng nararamdaman at libo libong mga tanong at salita na gumugulo sa puso't isipan ay kailangan ding isulat pagkat kailan man ay di ito mabibigkas at maipapahayag ng isang manunulat.