Huwag mong ibabase ang pagpapahalaga mo sa sa sarili sa tao na para bang nakadepende yung buong buhay mo sa kanya, na ang rason mo lang kung bakit ka nabubuhay ay sya at parang sa kanya lang umikot yung dating magulo mong mundo.
Dahil paaano na kung nawala sya? Paano ka na kung sa bawat paghakbang nya papalayo sayo ay parang nalulunod ka, parang kulang na lang ay dahan dahan kang maupos at mamatay sa sakit na nararamdaman mo sa dibdib na kahit kailan ay di mabibigyan ng kahulugan ng kahit sino mang iskolar?
Anong gagawin mo kung sa iba naman umiikot yung mundo nya at hindi naman ikaw yung pinananabikan nya? Paano ka na makaka-bawi sa bawat guhong naranasan mo? Paano mo pa ibabangon yung sarili mo? Paano pa maibabalik ang pagkakakilanlan na biglang nawala sayo- dahil wala na sya.
Paano ka na?
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Naghihintay sa wala, Umaasa sa wala (Prose and Poetry)
PoetryDahil ang lahat ng nararamdaman at libo libong mga tanong at salita na gumugulo sa puso't isipan ay kailangan ding isulat pagkat kailan man ay di ito mabibigkas at maipapahayag ng isang manunulat.