Chapter 2: Soulmate Thingy

1.3K 23 4
                                    

Lexie's POV

"Oh ito yung listahan, at nalimutan ko pang bilhin kanina. O sige na, bilisan mo ha?" sabi ni mama at inabot sakin yung pera at listahan ng mga bibilhin ko sa palengke.

Umalis na ako para maglakad, hindi na ako nagjeep pa. Walking distance lang din naman eh, pati hindi naman masyadong maaraw. Oh diba? Nakapag-exercise na nakatipid pa.

[palengke]

Tagatak na ang pawis ko at haggard na haggard na ang itsura ko ng bitiwan ko sandali ang dalawang supot na dala ko. Agad ko namang pinunasan ng panyo yung noo ko dahil sa pawis. Kung minamalas ka nga naman at dagsaan pa ang tao sa palengke kaya parang nasa oven ako sa sobrang init dahil sa siksikan. Agad kong kinuha sa bulsa ko yung listahan ng mga pinamili ko.

"Dalawang kilong baboy, check. isang kilong manok, check. Patis, kamatis, sibuyas, toyo at bawang, check na check! Ano pa ba.." sabi ko habang tinitignan sa papel ang mga napamili ko.

Napangiti naman ako dahil kumpleto na pala at makakauwi na ako. Agad kong binitbit ang dalawang plastic ng mga pinamili ko. Medyo mabigat sya, pero keri lang.

Naglalakad ako palabas ng palengke habang tumitingin ng mga paninda ng may nadaanan akong matandang babaeng nakaupo sa gilid. Naawa naman ako kaya't nilapitan ko sya para abutan ng pera.

"Ah, lola ito po oh" wika ko habang inaabot yung bente pesos na suppose to be pamasahe ko dapat,

"Salamat ineng nawa'y kaawan ka ng diyos"

"Walang anu man po" Nakangiting sabi ko sakanya. Maglalakad na sana ako paalis ng hawakan ng matanda yung kamay ko.

"Gusto mo bang magpahula?"

Nagulat naman ako sa tinanong nya "Po? Ay nako wag na ho. Pauwi na po kasi ako pati.. hindi po kasi ako naniniwala sa mga ganyan eh"

"Akin na ang kamay mo at nang makita ko" napakamot nalang ako ng ulo, at ipinakita yung kamay ko sakanya

Agad nya namang sinuri yung palad ko. Si madam auring kaya sya? Nagtaka naman ako ng bigla syang ngumiti at sumeryoso ulit.

"Isang gabi.. Kabilugan ng buwan.. Umuulan.. makikilala mo na sya" wika ni lola na nagbigay naman ng kilabot at takot sakin. Si..nong siya?

"Wag kang assuming neng. Hindi to horror, romance-comedy ang trip ng author." nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni lola. Akala ko thriller na eh =__=

"Eh lola.. Sino pong 'siya'?" nagtatakang tanong ko

ngumiti naman si lola na parang kinikilig pa? "ang nakatakda sayo"

"Nakatakda sakin? Parang soulmate po ba ganun?"

Tumayo naman sya sa pagkakaupo at kinuha yung tungkod nya "Oo. Kaya't tandaan mo ang mga senyales.."

"Sus. Si lola naman eh. Jinojoke-time nyo naman po ako. Nasa wow mali po ba tayo? He-he" Natatawang tanong ko, eh sa hindi talaga ako naniniwala sa hula eh. Pati soulmate? Pupu. Uso pa ba yun? Mas kailangan ko ng trabaho ngayon kesa lovelife.

"Muka ba kong nakikipagbiruan neng?" seryosong tanong niya.

"Ay hindi naman po kaso lang.."

"Nasa sa iyo yan kung maniniwala ka. Sige na, humayo kana" sabi ni lola at naglakad na paalis.

Soulmate? Nagkibit-balikat nalang ako at naglakad na pauwi. 

Pagkauwi ko ng bahay naabutan kong nagbubukas na si mama ng karinderya.

"Ma! Ilalagay ko nalang sa kusina ha? Andyan pa ba si Alex?" tanong ko sakanya

"Sige. Oo, nandyan pa yung kapatid mo." sagot nya. Pumasok na ako sa bahay at inilagay sa lamesa yung mga pinamili ko. Naupo ako sa sofa, binuksan ang T.v at itinapat sakin yung electric fan. Woo! Ang hot! Ang.. Ang hot ni Daniel Padilla!! *u*

Napakurap naman ako ng may pumitik sa harapan ko. "Ate, pinagnanasaan mo nanaman si Daniel Padilla"

"Che! Tumigil ka nga dyan. Kay Sheila 'tong si Daniel eh. Akin si Enrique baby" sabi ko. Tinignan nya naman ako ng masama at tska umupo sa tabi ko.

"Akin yon." sagot nya. Sa kanya daw sino? Teka.. Si Dan-- Oh my god!! Sinasabi ko na nga ba! Sina-sabi ko na!

"Kapatid! Why? Anong nangyari?! Akala ko ba.. Akala ko lalaking buo ka? Paminta ka pala. Pero hayaan mo susuportahan parin kita. Kaya pala wala ka pang girl--"

"Ate naman! Hindi ako bakla!" sigaw nya. Hindi daw? Eh sino?

"Ahhh~ Si sheila ba yan kapatid?" tanong ko at inakbayan sya. Si sheila yung kapitbahay namin, childhood friend namin pati magkasing edad lang sila ni Alex.

"Ate naman eh. Ewan ko sayo. Akin na nga yung baon ko, papasok na ko" agad na sagot nya.

"Sus! Nahiya ka pa. O eto. Umuwi ka ng maaga at wag ka ng magdota. Pag ikaw ginabi kakaltukan talaga kita." inabot ko na sakanya yung baon nya at agad nya namang kinuha.

"Sige na. Bye! Kamusta mo ko kay sheila." sabi ko at dinilaan sya. Sinamaan nya lang ako ng tingin w/ matching pa'blush-blush pa. Haaay. Inlove nga itu!

Sabagay binata na naman sya, matanda lang naman ako ng 4 years sakanya eh. At kung tatanungin naman kung may lovelife ako... Wala. Hindi naman ako NBSB nagkaroon din naman ako ng mga boyfriend nung highschool at college ano. Sa ngayon wala pa kong plano magboyfriend. Ay! Hehe meron pala.. Kung totoo nga yung hula. Wala naman masama kung maniwala ako eh, wala rin namang mawawala.

Lumabas nalang ako ng bahay para tulungan si Mama sa pagtitinda sa karinderya. Kapag nasa trabaho ako si Tita Elsa yung tumutulong kay mama, yung nanay ni Sheila.

"Ma! Tutulong ako ha?"

"O nandito ka pala lexie. Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ni Tita elsa

napakamot naman ako ng ulo sa tanong nya "Tita wala na po ulit akong trabaho eh"

"Oh? E diba dalawang linggo ka pa lamang doon?"

"Ay tita grabe naman po kayo. Mga dalawang linggo at kalahati naman po."

"Ikaw talagang bata ka. Hindi ka ba maghahanap ng trabaho?" napaisip naman ako sa tanong niya. Kelan nga ba ulit ako maghahanap ng trabaho? Isang linggo narin mula nung nasisante ako.

Nagulat naman ako nang si mama ang sumagot "Bukas. Lexie, maghahanap kana ulit ng trabaho bukas ha?"

"Hmm.. Okay po"

"Osige, hugasan mo na rin yung mga kumbyertos sa kusina."

"Okay po."

"Magboyfriend kana rin."

"Oka-- Mama naman eh!" agad na sagot ko sakanya.

"Oh bakit? Andami namang nanliligaw sayo. Nandyan din si Dexter" umiling lang ako sakanya.

Di pwede. Hinihintay ko pa si Soulmate kuno eh. *grin*

____

A/N: Saturday ang update.

(c) celinfinityy

Secretary of Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon