Lexie's POV
S-siya na nga ba?
Unti-unting humihina ang ulan hanggang sa tuluyan na itong tumila. Nakatitig pa rin ako sa lalaking nasa tabi ng kotse sa harapan ko. Nakakunot ang noo nya habang nagtatakang nakatingin din sakin ang pares ng mga mata nya. Ang unang tanong na bumabagabag sa isip ko... Model ba 'to? Bukod sa porma nyang naka corporate suit attire, opo hot po siya.. A-ang gwapo pa *O* Maamo yung muka, anghel na bumaba sa lupa?
Napakurap naman agad ako at natigil sa pagde-daydreaming ko ng mapansing nasa harapan ko na ito, tatlong hakbang ang layo mula sa akin.
"Anyway miss whoever you are. Were in a hurry so please get your goddamn ass out of the way!" sigaw nito sa akin. Dun ko lang napagtanto na nakaupo parin pala ako sa basang semento. Nauna ko pang pagpantasyahan ito bago ayusin ang sarili ko.
Magsasalita na sana ako ng mapalingon ako sa sasakyan nila nang may lumabas na isang babaeng nasa 40's ang edad, "Dylan! Don't shout at her like that! Go and help her!" sigaw nito.
"What?! We almost hit her and its all her fvcking fault! She didn't even look while crossing the road!" sigaw naman ng lalaki. Eh? Nagsigawan daw ba sa harap ko? Alam ko namang kasalanan ko at umiral nanaman ang kaengotan ko e, ang akin lang naman... wala ba talagang may balak tulungan akong tumayo?
"Watch your words dylan!" sigaw ng nanay niya ata at sa wakas ay lumapit na ito sa akin. Tinulungan nya kong pulutin ang mga gamit ko at itinayo ako.
"Iha, are you okay? May masakit ba sayo? Gusto mo bang dalhin ka namin sa ospital?" nag-aalalang tanong nito.
"A-ah.. Hindi na po, hindi na po kaylangan. O-okay lang ho ako" sabi ko habang umiiling at pinapagpag ang damit ko.
"Are you sure?"
"O-opo. Sorry po t-talaga. Pasensya na po kayo sa abala." paghihingi ko ng pasensya at tumungo sa kanya.
"No, come with us. We'll bring you to the hospital." pagpupumilit nya.
"Mom! Were late in the meeting. Just.. Just give her some money and let her go by herself okay? Lets go, were running out of time" inis na sabi naman nung gwapo -slash- aroganteng hot na lalaki.
"Get inside the car dylan!" magsasalita pa sana yung lalaki nang panlakihan sya ng mata ng nanay nya at sinamaan ng tingin. Inis na pumasok naman ito sa loob ng kotse nya, hinawakan nung ginang yung kamay ko kaya napalingon ako sakanya.
"*sigh* Were really sorry, iha. Pasensya ka na rin sa ugali ng anak ko. Are you really okay? If you need anything just call this number or go to this place.." sabi nya, ibinigay nya sakin ang isang bussiness card at inabot ang perang puro libo.
"You should go to the hospital and have some examinations okay? Sorry again and im expecting you to call me right away. Sige na, Mauuna na kami mag-iingat ka." sabi nito, marahang pinisil niya ang kamay ko at kiming nginitian ako. Pagkatapos ay naglakad na sya palapit sa kotse.
Tumabi muna ako sa gilid habang papasok ang babae sa kotse nila, mahirap na at baka ituloy nung lalaki yung pag'sagasa sakin. Pagkalingon ko kasi sa kotse kung saan nanduon sya ay tinignan niya lang ako ng masama at nag-iwas ng tingin. Taray lang diba? T^T Kumaway pa yung ginang saakin bago umandar paalis ang sasakyan nila.
Nang mawala sa paningin ko ang kakaalis nilang kotse, nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at.. Muntik na ako dun. T^T huhubells. natakot din naman ako, ayokong mamatay ng maaga ano, ayokong iwanan si mama at yung kapatid ko, mami'meet ko pa yung soulmate-- And speaking of soulmate!?
BINABASA MO ANG
Secretary of Mr. Sungit
Novela JuvenilAko si Lexie Ramirez, isang simpleng empleyado. Naging sekretarya ni Dylan Monteverde a.k.a Mr. Sungit, ang lalaking nagdala ata ng dalawang timba at isang palanggana noong nagpaulan ng kasungitan.