Lexie's POV
"Lexie naibigay mo na ba kay paula yung order nya?"
"Opo ma. Sa sabado nalang daw po yung bayad."
Sagot ko kay mama habang nagpupunas ng mga bakanteng lamesa. Obvious naman na wala pa kong bagong trabaho kaya eto ako ngayon, tulong-tulong muna kay mama sa karinderya namin. Minsan naglilinis, nagluluto, nagdedeliver ng order, odiba all around lang ang peg. Tapos rumaket nga din ako kahapon, nag-tutor ako ng isang kinder student yung anak ng kapitbahay namin.
Napatigil ako sa pagpupunas nang tumunog yung cellphone ko. Sandali ko itong sinilip at napangiti nang pumasok na pala yung load ko kaya't naupo muna ako sa isang bakanteng table, wala naman kasing masyadong customer ngayon kaya pa'chill-chill muna ako. Ini-dial ko na ang numero na nakasulat sa bussiness card na ibinigay sakin nung babae noong isang linggo. Tenen~ Ang solusyon sa aking problema. Hoho! Isang linggo na pala ang nakakaraan ng maganap yung encounter na iyon, nagpalipas rin muna ako ng araw bago tumawag sa kanila mamaya kasi baka busy, syempre malaking bussiness yon kaya siguro tutok sila sa trabaho sa kumpanya nila. Pagkatapos ng pang-limang ring ay may sumagot na babae mula sa kabilang telepono.
[Good afternoon. Lindsay Carpio from Montecom speaking. How may I help you?]
"Ah.. Y-yes. Can I speak to Mrs. Elizabeth Monteverde?"
[Sorry ma'am, but Mrs. Monteverde is in a meeting at this moment.]
napakamot naman ako ng ulo at umisip ng isasagot, "Is there any way to contact her?"
[Yes ma'am. But unfortunately, Mrs. Monteverde doesn't want to be disturbed in the middle of a meeting unless its urgent and related to the company bussiness.] sagot nito. Napabuntong hininga nalang ako, sabi na busy 'to eh. Siguro next time nalang ulit ako tatawag o di kaya pupuntahan ko nalang yung address na ibinigay.
"Oh, okay.. Thank you. I'll just call another time." sagot ko dito. Napasimangot naman ako at ieend na sana ang call nang sumagot pa ito.
[Oh by the way, you can also leave a message or arrange a meeting with Mrs. Monteverde]
"Hmm.. I think I'll just choose the second option." sagot ko dito.
[Is it a bussiness meeting ma'am?]
"Ah.. No? Its a personal meeting."
[Can I have your name, ma'am?]
"Alexie. Alexie Ramirez"
[Okay, Ms. Alexie Ramirez. Meeting with Mrs. Monteverde. 12noon, tomorrow at Monteverde Company, and please bring some identification I.D. For our security. Thankyou and have a good day.]
"Okay. Thank you~" sagot ko dito at ibinaba na ang telepono. Napangiti naman ako dahil sa isip-isip ko.. Tomorrow is my day. Kekeke~
Nang may grupo na ng estudyante ang dumating sa karinderya namin, ay nakangiting tumayo na ako at lumapit upang asikasuhin sila. Pagkabigay ko nung order nila may napansin naman akong isang lalaking nakaupo sa di kalayuan. Nakaitim na outfit ito, with matching itim din na shades at mukang tanga na pilit itinatago yung muka nya sa hawak nyang dyaryo. Tinitigan ko muna ito maigi, at napadako ang tingin ko sa buhok nito. Ay teka. Tsk. kilala ko 'to eh~
"Psst. Anong ginagawa mo?" bulong ko nang makalapit ako sakanya.
Ibinaba nya naman yung shades nya at kumindat sakin, "Disguise 'to ate. Ano okay ba?"
"Mukha kang detective na ewan. Sino bang tinataguan mo?"
"Ate naman~ Sabihin mo munang gwapo ako" sabi niya habang tumataas-baba pa ang kilay. Sino pa ba? Edi yung kapatid ko. Laging agaw eksena sa storya ko eh!
BINABASA MO ANG
Secretary of Mr. Sungit
Novela JuvenilAko si Lexie Ramirez, isang simpleng empleyado. Naging sekretarya ni Dylan Monteverde a.k.a Mr. Sungit, ang lalaking nagdala ata ng dalawang timba at isang palanggana noong nagpaulan ng kasungitan.