Lexie's POV
Naglalakad ako pauwi ng bahay. Napatigil ako sa paglalakad ng may pumatak na butil ng tubig sa mukha ko, sinahod ko ang kamay ko at tumingin sa kalangitan..
Gabi na at umuulan habang kabilugan ng buwan..
Binilisan ko na lamang ang lakad ko hanggang sa naging patakbo. Habang palakas ng palakas ang pag-ulan ay pabilis din ng pabilis ang pagtakbo ko hanggang sa may nabunggo ako at tuluyang napaupo sa basang semento. Tumingin ako sa harap ko para tignan ang nabangga ko..
Tao. Isang lalaking nakatalikod sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko habang takot na nakatingin sa likod ng lalaking ito. Dahan-dahan syang humaharap.. Hindi ko maaninagan ang muka nya sapagkat madilim.
Pero sa pagharap nyang ito nawala ang nararamdam kong takot at napalitan ng... Saya? Inabot nya ang kamay nya sakin para tulungan ako, habang ako'y nakatingala paring nakatingin sa kanya mula sa pagkakaupo sa basang semento.
Unti-unti kong inaabot ang kamay nya. Mahahawakan ko na ito nang--
*KRRRIIING*
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga at napasapo nalang sa ulo ko. *sigh* Panaginip nanaman. Simula nung nagpahula ako sa matanda, laging ganito yung panaginip ko. Peste lang at hindi ko maaninagan yung itsura nung lalaki. Minsan nga akala ko horror na yung panaginip ko, pero bigla naman akong kikiligin parang ewan lang diba? Ang hindi ko lang talaga maintindihan.. Bakit ganon yung feeling? Y-yung feeling na.. Yung feeling na.. Ay basta hindi ko maexplain! Basta iba talaga yung feeling eh.
Bumangon na ako sa higaan ko at pumasok ng banyo para gawin ang aking mahiwagang morning rituals. Naalala kong mag'aaply pala ako ng trabaho, isang linggo rin yung nakalipas ng simulan kong mag'aaply ulit kaya lang hindi ko alam kung tinubuan ba ako ng balat sa pwet at naging malas nang lagi na lamang ako hindi natatanggap. Dati naman ay agad-agaran akong tinatanggap eh.
Pagkababa ko sa kusina naabutan kong naghahanda na ng almusal si mama. Naupo ako sa upuan kaya't napalingon sya sakin.
"O kain na."
"Si Alex po?" tanong ko ng mapansing wala yung kapatid ko.
"Ewan ko ba sa batang yun at maagang pumasok. Mag'aaply ka ba ng trabaho ngayon?"
napasimangot naman ako sa tanong niya "Ma, wala ng tumatanggap sakin"
"Tumigil-tigil ka nga alexie. Wag kang nega! Hayaan mo malay natin mamaya matanggap kana diba? O hala sige, kumain na." sagot ni mama, at binigyan ako ng isang reassuring smile. Tama, tama! Baka mamaya matanggap na ulit ako.
BINABASA MO ANG
Secretary of Mr. Sungit
Novela JuvenilAko si Lexie Ramirez, isang simpleng empleyado. Naging sekretarya ni Dylan Monteverde a.k.a Mr. Sungit, ang lalaking nagdala ata ng dalawang timba at isang palanggana noong nagpaulan ng kasungitan.