Chapter 41

2.9K 100 5
                                    

Chapter 41: Stubborn




It's Andy's father's birthday. Napagkasunduan na isang sasakyan na lang ang dalhin. Nagprisinta si Yu na ang van na lang nila ang dalhin. I wore a dress and sandals. Ang mahabang buhok ko ay naka-pony tail. Light lang ang make up ko.

"Selene, let's go! They're here!" Kuya yelled.

"Coming!"

Nag-apply ako ng pabango at kinuha ang bag ko. Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin bago lumabas ng kwarto. Of course, I want to look good for my boyfriend.

"Tagal mong mag-ayos." Kuya complained. Lumabi lang ako.

"Let's go!" Sigaw ni Xander.

Nakatayo siya sa tabi ng van. He looks quite excited. Bumukas ang pinto ng van at bumaba si Clyde mula sa loob. Naka-black polo shirt at khaki shorts siya. Naka shoes ng white. Saglit pa akong natulala sa kagandahan ng mukha niya. Parang ang sarap niyang amuyin. He looks so fresh.

"Hi Selene!" Nakangiting bati ni Claire mula sa loob ng van.

Nasa pinakadulo sila ni Chester. Sina Seth, Jl, at Clint ay nasa ikalawang dulo na upuan. Inalalayan akong sumukay ni Clyde. Tapos ay sumakay na rin siya at tumabi sa akin. Si kuya ay sa harap na sumakay habang si Xander ay tumabi sa amin sa gitna. Clyde took out his phone from his pocket. Di nagtagal ay tumunog naman ang phone ko.

From: Boo

You look so beautiful.


Namumula ang mukhang tumingin ako sa kanya. Diretso lang ang tingin niya pero may ngiti siya sa labi. Nangingiting pasimple akong sumiksik sa kanya. Man, he really smells so good. Ginagap naman niya ang kamay ko.

"Tito pids said he bought JD for us." Said JL. "Mukhang mapapasabak tayo. Marami daw siyang binili."

"Malakas ka talaga sa future father in law mo, bro." Xander teased.

"Gago. Andy and I are best friends. Malisyoso ka."

"Kunwari ka pa!"

Nag-umpisa na naman ang asaran nila. Sinalubong kami ni Andy pagdating namin. Pero nanlaki ang mga mata ko ng makitang may kasunod siyang malaking aso na tahol ng tahol! Namutla ako ng makitang papunta sa kin ang aso. Impit akong napatili at tumakbo palapit kay Clyde. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit. He hugged me back protectively.

"Rambo stop!" Saway ni Clyde. Tumigil naman sa pagkahol ang aso.

"Rambo! Pasok!" Utos ni Andy sa aso. "Naku sorry Selene. Nakalimutan ko siyang dalhin sa likod."

Tumingin ako sa kanya. "I-is it gone?"

I'm really scared of dogs. Especially, big ones! Kaya nga wala kaming aso sa bahay kahit gusto sana ni kuya.

"Wala na. Ipinasok na ni JL. Takot ka pala sa aso?"

Nahihiyang ngumiti ako. "Takot talaga ako sa mga aso. Kahit sa maliit." Clyde rubs my back gently.

"You okay?" He asked while rubbing my back gently.

I smiled a bit and nodded. 

"May alam akong paraan para mawala ang takot mo, Selene." Nakangising sabi ni Xander. Itinaas baba pa niya ang mga kilay. Napalunok ako. Di ako kumporme sa klase ng ngiti niya sa kin. Parang may iniisip na kalokohan!

Masochist & SadistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon