Chapter 10

3.7K 136 14
                                    

Chapter 10: Perfectly fit together




What happened on the rooftop, brought Clyde and I to a new level of closeness. Hanging out and conversing with him every waking day, gave me the chance to get to know the real him.

Not as the popular guy in the school that everyone is chasing after, but the real Clyde Riley Imperial.

I have also discovered so many things about him. He's very smart but he never brags about it. He may seem approachable to a lot of females, but he's not. I have finally understood what Claire told me before. Mas suplado nga si Clyde kesa kay Clint.

Siya kasi ay palangiti kaya mukha siyang approachable pero yung ngiti niya sa mga babaing humahabol sa kanya ay parang nagsasabing 'back off'.

Add to that, he has this mannerism of running his fingers through his hair when he's close to getting pissed off or when he's frustrated about something. And when he's in deep thoughts, he usually pinches the bridge of his aristocratic nose.

Marami akong maliliit na mga bagay na nadiskubri sa kanya. At aaminin ko na lahat ay nagugustuhan ko. Siya rin ang matiyagang nagturo sa akin kung paano mag-gitara.

Lumawak ang ngiti ko ng makita kong pumasok sa Haven ang taong kanina pa tumatakbo sa isip ko. Kasama din niya si Xander na kumaway pa sa akin.

I smiled and waved at them. Isang ngiti niya lang sa akin ay parang matutunaw na ko.

"Girl, wag masyadong obvious. Punasan mo laway mo, te."

"Alex!"

She laughed. "Mag-order ka muna kasi."

"Fine. Isang moccha frappe."

Lumapit kami kina Clyde pagkatapos. Umusog siya at tinapik ang tabi niya.

"Uy. Pinapaupo ka niya sa tabi niya. Go!" Bahagya pa kong itinulak ni Gem. Nanlalamig ang mga kamay na umupo ako sa tabi niya.

"Will you wait for Kyle?"

"Nope. Magpupunta kami sa mall. We'll just wait for our order. Uhm, by the way, do you remember them?" Minsan ko ng naipakilala ang mga kaibigan ko sa kanya.

"Hi Clyde!"

He smiled. "Yes, I remember them. Hello."

Gusto kong matawa sa mga reaksiyon nila. Halatang kilig na kilig. Ipinakilala ko rin sila kay Xander. Ng magsimula na ang kwentuhan ay parang gusto ko nalang na lumubog sa kinauupuan ko. Puro tungkol sa akin ang ikinukwento nila! Halatang-halata na inilalakad nila ako kay Clyde na pangiti-ngiti at minsan ay nagtatanong pa!

Alam ko namang kaya niya lang yon ginagawa ay dahil ayaw niyang mapahiya ang mga kaibigan ko. Kaya tuloy kunwari ay interesado siya.

"Ang swerte talaga ng magiging boyfriend niyang friend namin. Beauty na with brains pa."

"She's also super nice and understanding."

"Not only that, she's very caring, too."

Girls, please stop.

Xander cleared his throat. "I think you are lucky to have such supportive friends, Selene." He said with a smirk.

Di ko alam kung ngiti ba o ngiwi ang ibinigay ko sa kanya. I know my friends don't mean harm and they're only doing this because they want to help, but can they be less obvious!?

"I agree with what you all have said about Selene." Bigla akong napatingin kay Clyde. Nilinga din niya ako. "Any guy will be so lucky to have you, Selene."

Masochist & SadistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon