♦ 1 ♦

377 19 18
                                    

CHAPTER 1

Ilang beses na ako nakapunta sa bahay, este MANSION nila Shane, pero manghang-mangha pa rin ako sa magarbong lugar na ito. May swimming pool, may malaking gazebo at may basement pa. Dami ring kwarto, nakakaligaw.

Kakagaling lang namin from basketball practice at dahil Sabado, nagkayayaan ang mga members mag inuman. Kaya andito kami ngayon sa bahay ng Team Captain nila.

The Bar Vodka muna ang lason namin, at pumwesto kami sa malaking gazebo sa garden.

Tinulungan ako ni Jason na i-prepare ang mga baso at pulutan.

“Oy ano ‘to dude?? Kayo na ba ulit ni Mitch?? Uuuuuy!” chismoso talaga ‘to si Alex.

Matagal ko ng kaibigan ang ibang members ng Emmanuel Santiago Trojans basketball team. Naging kami kasi ni Jason nung 1st year ng college at magkaka classmates pa kami. Pero ngayong break na sila ni May, madalas na kaming magkasama ulit. There’s nothing official pa naman, but I kinda like where this is going.

Kaya naman medyo disappointed ako sa sagot ni Jason.

“Pag nagsasabay lang ng madalas, kami agad? ‘Di ba pwedeng friends muna?”

Tawanan lahat…kahit ako.

Oo nga naman, porke’t madalas kami nagsasama ngayon, magiging kami ulit? As if.

“Pero Mitch, balita ko naging kayo ni George a few months ago. Nung nangyari dun?” tanong ulit ni Alex.

Hindi ko matago ang gulat ko sa sinabi nya. George Avisado was an engineering student na lab partner ko in Chemistry last year.

“Oh really? ‘Di ko alam yun ah!” gulat na sabi ni Jason. Did I hear some intrigue in his voice?

“Saan mo naman narinig yan?” pa inosente ko na lang na sagot sabay abot ng first drink kay Shane.

“Alam mo naman yang si Alex, dinaig pa ang mga babae sa chismis.” Patawang sabi ni Caloy.

“Like YOU would know anything about girls.” Asar ni Alex.

Wooooaaahh!!! Hiyawan sila lahat. Basag si Caloy!

“Dude, just because I don’t have a girlfriend doesn’t mean I couldn’t get one.” Pagyayabang ni Caloy sabay tagay.

“Pero seryoso, naging kayo talaga?” tanong ulit ni Jason.

Ows. Curious siya ha. Eeeek! Kilig much.

Nag abot muna ako ng tagay kay Kiko before sumagot.

“We’re just friends now.”

Tumango lang si Jason. Wala man lang comment. Psh.

Pero ang totoo, kahit ako mismo hindi alam kung naging kami ba talaga ni George. It was never official. He never called me his girlfriend. Yes, we were intimate pero ano ba tawag mo dun? The only thing certain between us now is that we’re friends.

“Eh ‘di brokenhearted din pala si Mitch eh.” comment ulit ni Alex.

“Haha! Alam na Jay!” asar ni Shane na may nakakalokong expression sa mukha nya.

“Rebound sex!” sigaw naman ni Caloy.

“Mga loko! Sex agad?” napailing na lang na sabi ni Jason.

“’Di ba pwedeng tayo muna? Haha!” dugtong pa ni Alex.

Tawanan na naman ang mga lasing.

Tahimik lang ako habang nagbubukas ng mga chips.

Meantime GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon