♦ 6 ♦

166 9 2
                                    

A/N: STOP!

Before anything else, balikan nyo po muna yung CHAPTER 3! Kasi may binago po ako dun. Hihihi. Thanks!

Tsaka gusto ko po sana mag-apologize yet again hahaha! October 21 pa last update ko nito, tsk tsk. Sorry po talaga, once a week na lang talaga ang maipapangako kong update nito kasi busy talaga sa work. Thank you for reading and hopefully continue pa rin po ang support nyo! :)

Jackie ♥

+++

CHAPTER 6

“Jason!”

 Tumakbo agad ako sa kanyang mga bisig, para kasing may magnet bigla na humila sakin.

“I heard about the accident. Are you okay? Nasaktan ka ba?” concerned na concerned sya.

 “No. I’m okay.”

 Dahil nandito ka na. I thought to myself, as I smelled his all too familiar perfume.

 “That’s good. Buti naabutan pa kitang gising, di ka kasi nagrereply eh.”

 “Naku! Nasira kasi yung phone ko kanina, nagulungan ng jeep. Sorry ha.”

 “Okay lang, kaw naman.” Hinawakan nya ako sa baba dahilan para humarap ang mukha ko sa kanya.

 Parang may nabuhay sa loob ko nang makita ang ngiti nya. Sa kabila ng sari-saring kamalasan na dinanas ko today, abot langit pa rin ang kasiyahan ko pag nakikita ko si Jason.

 Sabi ko na nga ba nagtext nga sya! Kung hindi lang nasira yung phone ko eh di sana nareplyan ko na sya kaagad. Pero okay na lang din kasi kahit hindi nga ako nakareply, pinuntahan pa rin nya ako. Yeee! Kilig!

Pumasok na kami ng bahay at umupo sa sala.

“Anu palang nangyari, ba’t muntik ka nang masagasaan?” tanong nya sakin.

Shet. Anung sasabihin ko??

a.)      Tingin kasi ako ng tingin sa phone ko sa kakahintay ng text mo.

b.)     Biglang may nahulog na bulalakaw sa harap ko kaya ‘di ako nakatawid agad.

c.)      Kinulam ako ng maligno.

“E-ewan ko ba, kinulam ata ako ng bulalakaw.” nauutal kong sagot.

Ano daw?? Napakamot na lang ako sa ulo. Kasi naman! Nakakahiya kayang umamin! Psh.

Medyo kumunot ang noo ni Jason sa sagot ko. Buti na lang, umeksena si Badet before pa ako makapag explain. Perfect timing couz!

“Hey Jason! Heto juice oh,” naglapag sya ng orang juice sa coffee table sa harap namin.

“Yo Bads! Salamat. Kumusta na pala? Graduate na?” tanong ni Jason sa kanya.

“Grabeh ka! Mukha na ba akong grad student? 3rd yr pa lang ako no! Hihi.”

Napa-facepalm na lang ako. 3rd year pa rin kamo.

Mukhang narealize rin ito ni Jason kasi bahagya ng tumaas ang kilay nya, pero ‘di sya nagpahalata.

“High school?” pa insosenteng tanong pa nya.

“‘Nu ka ba? College!”

“Ah! Oo nga pala. ‘Di kasi halata sa baby face mo eh. Hahaha.”

Muntik ko na syang hampasin ng basong hawak nya. Bolero talaga ‘to kahit kailan!

Ito naman si Badet, kilig na kilig naman.

Meantime GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon