[A/N] Whew! Eto na po muna ang Chapter 4 guys! Sorry po ulit ha?? Sobrang busy lang sa work! hehe hope you enjoy! ^_^
+++
CHAPTER 4
Nasa clinic pala ako at nurse pala itong sinasakal ko sa gulat.
So… hindi pala jeep ang naramdaman kong dumamba sakin kanina?
“Miss pakibitaw… ‘di ako makahinga…”
“Ay sorry po!” binitiwan ko ang kwelyo ng kawawang nurse.
“Okay lang. Maiwan ko na muna kayo.”
“Uhmmm… How are you na?” tanong sakin ni Kiko after umalis ang nurse.
Hindi ako sumagot. Umupo lang ako galing sa pagkakahiga at tinitigan sya. Hindi pa rin ako makapaniwala na niligtas ako ng kapreng ito. Nung last kami nag-usap tinarayan ba naman ako sabay sabi ‘I don’t understand you!’. Ang arte ha!
Tapos ngayon may pa-rescue rescue pa syang nalalaman?
Teka, paano nga pala nya ako naligtas? I don’t even remember seeing him! Ano sya? Ninja?
Medyo naiilang na sya sa katahimikan kaya nagsalita sya ulit.
“Uhmm… ano pala ang hindi totoo?”
Huh? Hindi totoo? Alien. Maligno. Kapre. Pero sa itsura mo malamang totoo nga sila.
“I don’t know what you’re talking about.” Sabi ko na lang.
“Eh kasi sigaw mo kanina hindi totoo yan? Nagdidiliryo ka lang ba nun?”
“Baka ikaw.” Tinaasan ko sya ng kilay.
Pero syempre tanda ko noh, ‘yoko lang i-share sa kanya. Hmp.
Alam mo kung bakit hndi nagtetext sayo si jason?
Dahil hindi ka mahalaga sa kanya...
SHADAP! Pinipilit kong 'wag maisip ang panaginip kong 'yun. I know that’s not true. I’m sure busy lang si Jason kaya hindi pa nya ako tinetext.
Oo nga pala! Yung phone ko?! Baka nagtext na yun ngayon at nag aalala na!
Pero yung phone ko…
“NOOOOO! MY PHONE!” napasigaw ako nang makitang kong pira-piraso na lang ito sa bedside table.
“Uhhh, I’m sorry about your phone. Nagulungan sya ng jeep.”
“Pakshet! Ang mahal pa naman nito!”
Hinalukay ko ang mga piraso. Pati sim card, durog! At yung memory card, wala na. Paano na yung mga importanteng contacts ko?!
Paano na ako mako-contact ni Jason?
Badrtip naman talaga oh! Kung kailan naging napaka importante na makontak ako ni Jason, saka naman umepal ang tadhana at sinira ang nag-iisang bagay na maguugnay sa amin.
“Okay lang yan, at least yan lang ang nasagasaan at hindi ikaw.” Narinig kong sabi ni Kiko.
“Yan LANG?”
Nagulat sya sa bigla kong pagtaas ng boses.
“Alam mo bang napakarami kong files jan?! Hindi ko na mare-recover ang mga yun and you say ‘okay lang yan’?!”
Magsasalita na sana sya pero tuloy pa rin ang pagpuputak ko.
“So, what now? Am I supposed to say thank you? Yan ba pinunta mo dito??”
Nakatingin lang ako sa nanginginig kong kamay habang nararamdaman kong umaapaw na ang galit sa loob ko
“Anu bang kinagagalit mo jan? Sinabi ko lang naman na buti hindi ikaw yung nadisgrasya!” naiinis na rin sya sa akin. Aba! Sumasagot sagot pa ‘to!
BINABASA MO ANG
Meantime Girl
Teen FictionPeople eventually find their place into each other's lives by choice. But really, it's the expectation that makes all the difference, although Michelle Ybañez goes through most of her romantic life without it. Will her place beside a man eventually...