CHAPTER 5
“Ihatid na kita sa inyo.”
“Naknang tokwa!” muntik ko nang makarate chop ang leeg ng kapreng lumitaw sa likod ko, kaso 'di ko pala abot.
“Oh, anu plano mo jan?” sabi pa ni Kiko nang sa dibdib nya lang tumama ang kamay ko.
Kakalabas lang naming ng gate sa school.
“ANO BA?? WAG KA NGANG NANGGUGULAT!”
Napakunot na naman ang noo nya sa pagtataray ko.
Eh kasi naman! Kinakabahan ako pag anjan sya! ‘Di ko naman alam kung bakit! Baka nga maligno talaga ‘tong lalaking ‘to at nakaka-sense ng danger nearby ang spider senses ko.
“Hindi kita ginugulat! Sabi ko lang hatid na kita!” sigaw rin ni Kiko.
“Baket?? Mukha ba akong grade 1??”
“Hindi! Kasi ang grade 1 marunong nang tumawid sa kalsada.”
“Anung sabi mo??”
“Wala, sabi ko madilim ang gabi.” Pagkunwari nya sabay pasok ng mga kamay nya sa bulsa.
“Baliw! May maliwanag ba na gabi? Jan ka na nga!”
Binilisan ko na ang lakad ko papuntang sakayan pero lintek naman ang haba ng mga binti ng kapreng ito at nahahabol pa rin ako kahit gaano kabilis kong maglakad.
“Wag mo nga akong sundan! Stalker ka ba?”
“Bingi ka ba? Ihahatid nga kita.”
“No thanks! I can manage!” Taas noo akong lumayo na naman sa kanya.
“Maputla ka pa kaya. Paano pag nahimatay ka na naman?”
“Ano bang pakialam mo?”
“Ako kaya ang last nakasama mo, pag may nangyari sayo ako pa ang masisisi.” Sabi nya lang.
“Pakialamero ka kasi!”
Sumakay na ako ng jeep nung ‘di sya nakatingin.
Ha! Akala nya sya lang ang ninja? Mwahahaha. >:P
Pero napansin nya agad ang ginawa ko at sumakay din kahit umaandar na papalayo ang jeep.
WADAPAK?? *O*
“Hoy abnormal ka! Bumaba ka nga!” singhal ko sa kanya.
Nagtinginan tuloy ang mga pasahero sa amin.
“Abnormal ka rin! Ito talaga sinasakyan ko pauwi!” dahil may lahing higante ‘to, nakatagilid tuloy ang ulo ni Kiko sa bubong ng jeep.
Nakakatawa sana kung hindi lang sya nakakainis!
Bumaba ang manong sa tabi ko at sya ang pumalit sa pwesto nito, kaya naman ganun na lang ang paninigas ng katawan ko nang magdikit ang mga tagiliran namin.
Dugdug.
Anu beeeehhhh??
Dugdug.
Shet naman talaga sa kalandian ‘tong puso ko oh! Tumo-twerk este nagti-twitch agad! >///<
Tahimik na kami sa buong byahe dahil ayoko na makipagtalo at dahil ang sama na ng tingin ng mga pasahero sa amin.
“Ay shunga!” bigla namang pumreno ang jeep! Guess mo ba anung nangyari?
Yes, sumubsob lang naman ako sa dibdib ng kapreng katabi ko.
Yeah! Twerk bebeh twerk!♫ <–malanding puso.
BINABASA MO ANG
Meantime Girl
Teen FictionPeople eventually find their place into each other's lives by choice. But really, it's the expectation that makes all the difference, although Michelle Ybañez goes through most of her romantic life without it. Will her place beside a man eventually...