CHAPTER 3
I checked my phone again while eating lunch.
1 text message received.
Tumalon ang puso ko sa tuwa nang makita ang screen ng phone ko. Waaa! Ba’t di ko narinig na tumunog ito? Baka kanina pa naghihintay ng reply si Jason! >__<
From: 2886
Congratulations! Dadagsa ang libo-libong papremyo! Text TANGA(space)AKO to 1234 now to win up to P1M cash! Per DTI number churva eklavu series of 2013.
Muntik ko nang ihagis ang phone ko at tapakan sa sahig.
Bwiset! Asar talaga ‘tong mga alert alerts na ‘to!
Hay! Ano ba?! Wednesday na kaya at hanggang ngayon ‘di pa rin nagtetext sakin si Jason. Hindi ko man lang alam kung anung oras na sya nakauwi nung Sunday galing sa lakad nya.
But do I really want to know?
“Okay ka lang, Mitch?” narinig kong tanong ng classmate ko na si Irene.
“Ha?”
Hindi ko namalayan na natumba ko pala sa mesa and iniinum kong Coke in can.
“Ay sorry!” agad agad kong pinunasan ito ng tissue.
“Kanina ka pa tahimik jan pare. Anyare?” tanong naman ni Sarah.
“Nothing, I’m okay.” Sabi ko lang and smiled.
Sa Otaku Paradise kami naglu-lunch ng mga kaklase ko, isang kainan/net café/manga bookstore sa labas ng school. Ang mamahal kasi ng pagkain sa cafeteria at sikip-sikip pa. Pero kung doon lang sana kami naglunch ngayon, makikita ko kaya si Jason? Kung papalarin ako at nagkita nga kami, anung gagawin ko?
Hi Babe! –pwede ko ba syang tawagin nun? Andun na ba kami?
Hi Jason! –pero baka magtaka sya ba’t ganun ang bati ko sa kanya. He might think na hindi ko gustong makipagbalikan.
Ah! Hintayin ko na lang na batiin nya ako. Pero panu kung hindi?
(-_-)~
“You know, I don’t think he’s really interested in you, girl.” Sarah was saying.
At first, I thought she was talking to me at magre-react na sana ako. Parang narinig nya kasi ang iniisip ko. Pero buti na lang napansin ko agad na tumitingin pala sya kay Irene.
“Ha? Paano mo naman nasabi yan, Sarah?” malungkot na tanong ni Irene.
Oo nga pala, they were talking about some guy Irene met a couple of weeks ago sa mall. Ang tawag nga namin ni Sarah sa kanya ay siomai boy, kasi dun sila ni Irene sa Master Siomai booth nagkakilala.
“Kasi ilang beses na kaya kayo nagde-date tapos wala pa ring kiss? Anung shet yan ha? Bading ata yun eh!” ito namang si Sarah, minsan ang harsh. Pero may point sya ha.
“Pag hindi pa ako kini-kiss, bading agad? Di ba pwedeng gentleman muna? Tsaka hindi mo ba naiintindihan ang concept ng ‘taking it slow’?” pagdedepensa ni Irene.
“Girl, 5 dates without a kiss –that’s taking it slow! Pero 10 dates and still wala pa ring kiss?? Pakamatay ka na! Bading yan!”
“Uwaaaa! Don’t tell me nag a-agree ka sa kanya, Mitch?”
Suddenly, nakatingin na naman silang dalawa sa akin. Shet. Na on-the-spot naman ako!
“I-I don’t know. Ano na nga ba nagawa nyo?” tanong ko muna. Baka naman may mga deep moments na sila together kahit wala pang kiss.
BINABASA MO ANG
Meantime Girl
Teen FictionPeople eventually find their place into each other's lives by choice. But really, it's the expectation that makes all the difference, although Michelle Ybañez goes through most of her romantic life without it. Will her place beside a man eventually...