Ulan. . . Ulan

518 43 5
                                    


Unti-unting nabuo ang ngiti sa kaniyang mukha nang kaniyang masilayan ang ulan. Naalala niya ang mga pangyayari na bumuo sa kaniyang pagkatao. Pumasok sa isip niya ang una nilang pag-uusap.

"Gusto mong sumukob sa akin?" tanong ng lalaki.

Bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Hindi niya namalayan na nakasilong na siya sa payong ng binata.

Ang pag-aalok ay nauwi sa pagkilala. Hanggang sa pagmamahal. Hanghang sa mga ngiti na dulot ng pag-ibig.

Nagulat siya nang biglang kumidlat. Bigla niyang naalala, ang pangyayaring iyon ay hindi na muling magbabalik pa. At unti-unti, tumulo ang mga luha sa kaniyang mukha kasabay ng pagpatak ng ulan.

"Kailan kaya ulit kita makasasama sa iisang payong? Umuulan din ba riyan sa langit?"


HagibisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon