~Luna~
"Good morning,my loves." bati ni Hanbin paglabas ko ng bahay.
Agad naman napakunot ang noo ko dahil siya lang ang nandoon at wala sila Bobby.
"Asan sila?""Nauna na sila. Pinasundo ka lang niya sa akin. Busy eh." sagot niya tapos ngumiti ng konti. Anong busy?
Kahit nagtataka ako ay sumakay na ako sa sasakyan ni Hanbin."Buti naman at ayos ka lang."
Nakafocus lang siya sa pagmamaneho pero nakita ko ang slight na pag ngiti niya. Teka. Paano niya nalaman?Humarap ako sa kanya at magtatanong pa lang ako kung paano niya nalaman pero nagsalita siya agad.
"May inutusan si Bobby na bantayan ka kahapon. Alam mo naman yang pinsan mo gusto na safe ka makauwi. Sinabi ng inutusan niya na may nag-abang daw sayo na galing sa kabilang section. Babanatan na nga raw nila pero buti may bumanat na. Pero syempre alam mo na."
Natawa pa siya dahil alam niyang alam ko na pag may ganong nangyayari ay hindi pinapalampas ni Bobby.
"Hanbin, pwede pakibilisan mag-drive? Yung bilis na nag-iingat ah." Sumaludo naman siya agad sa akin.
Pinagmadali ko siya dahil may pagkabaliw pa naman 'yon si Bobby. Wala ngang pakialam minsan yun kahit ma-guidance siya.
"Kalma, my loves. Di naman 'yon papatayin ni Bobby."
Natatawa pa siya sa akin kaya napairap ako. Mga biruan talaga nila eh.Doon siya tumigil sa bandang likod ng school at agad na napakunot ang noo ko dahil tanaw ko agad na nakahawak si Bobby sa kwelyo ng lalaking pula ang buhok. Siya rin yung kahapon.
"Bobby!"
Kahit patawa tawa si Bobby ay kita ko sa mata niya na naiinis siya. Nagdudugo na rin ang ilong ng isang lalaki. Sina Junhoe naman ay nanonood lang. Si Jinhwan nga ay naglalaro pa ata ng ML. Napatingin si Bobby sa akin at kumaway pa.
"Insan."Tinanguan niya ang mga lalaki kaya tumakbo na ang mga ito paalis.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko. Napansin niya siguro ang inis sa boses ko kaya natawa na naman siya."My loves, sabi ko kumalma ka lang eh."
Isa pa 'tong si Hanbin eh hindi man lang inawat ang tropa niya."Katuwaan lang, insan."
Katuwaan daw? Baliw talaga. Napailing naman agad ako."Paano pagna-guidance kayo? Baka ma-expell pa kayo?"
"Galit na ata si Luna, brad."
Nagtatawanan pa sila kaya napairap na naman ako."Ayos lang sa akin ma-expel, my loves. Basta para sayo." sabi pa ni Hanbin at nagtaas baba ng dalawang kilay.
"Kumalma ka nga, insan.Wag ka mag-alala. Kahit ma-guidance kami sasabihin naman namin yung ginawa ng mga 'yon kahapon. Valid naman 'yon. Isa pa close na kami ni Ma'am Sanchez."
Hindi na lang ako nakipagtalo sa kanya dahil alam kong makakalusot na naman siya sa guidance. Hinatid na nila ako sa room at umalis. Binati naman agad ako ni Seungcheol at Hansol.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Seung Cheol. Napatingin naman ako sa kanya na parang nagtatanong ."Kalat na sa mga fourth years yung ginawa sayo nung mga taga kabilang section. It's a good thing na hindi ka nila tuluyang nasaktan. We got worried. Sana pala di kami umalis agad." sabi ni Hansol habang tumatango. Tinulungan naman ako ng kaibigan nila. Hindi niya ba alam?
"Ayos lang ako. Salamat sa paga-alala."
Hindi ko alam kung anong meron sa sinabi ko dahil bigla naman lumingon si Mingyu. Si Hansol naman ay biglang ngumiti."Hindi mo kami sinungitan? Bro, she even thanked us?"
Mukhang aliw na aliw pa siya at nakipag-apir pa kay Seungcheol. Ano daw? Hindi ko na lang sila pinansin at nilabas na ang libro ko."Luna, palit na ulit tayo ng seat." biglang sabi ni Nami na nakasimangot pa. Sila Seungcheol naman ay napatingin rin at napatigil sa pagdadaldalan nila.
"Akala ko ba gusto mo roon?"
"Basta. Just go."
Bumuntong hininga nalang ako tapos kinuha ang bag ko. Pag-upo ko ay agad na bumulong si Mingyu.
"Bakit ka nandito?"Tinignan ko muna siya sandali tapos sinuot yung bag ko. Lilipat na sana ako ng ibang upuan pero hinawakan niya yung pulso ko. Nakatingin pa rin siya doon sa binabasa niya.
"Tinatanong lang kita.Wala naman akong sinabi na lumipat ka."
Sumulyap siya sa akin saglit bago binalik ang tingin sa libro. Napairap naman ako at umupo na ulit. Ang gugulo nila ah."Mingyu!"
Napatingin kami dahil ang lakas ng boses ni Yna. Kakarating niya lang at ngiting-ngiti pa na may hawak na paper bag."May niluto si Mommy. Hindi ko lang alam kung mahilig ka sa spicy foods ah. Spicy tteokbokki!"
Nilabas niya ang laman ng paper bag at meron doon lunchbox at isang sealed drink na lemon juice ata."Nice, Yna ah. Paano mo nalaman na mahilig si Mingyu sa maanghang?" nakangiting tanong ni Hansol. Pero nagkibit balikat naman si Yna.
"Hindi ko naman alam.""Thanks, Yna."
Lumaki naman yung mata ni Yna tapos ngumiti na para bang nahihiya.
"No problem! Kung gusto mo pwede kita dalhan lagi niyan." Ngumiti lang sa kanya si Mingyu at tinabi na muna ang lunchbox.Pag alis ni Yna ay narinig ko agad ang pang-aasar ni Hansol.
"Yie.Bro, ligawan mo na kaya.""Hindi ako interesado." sabi nito at sumulyap pa sa akin saglit. Nagfocus na lang ako sa pagbabasa.
"Cheol, gusto mo?" rinig kong tanong ni Mingyu at mukhang inabot ang lunchbox kay Seungcheol.
"Niloloko mo ba 'ko?""Bro, hindi nga mahilig si Seungcheol diyan."
Rinig ko pa ang tawa ni Hansol dahil mukhang inaasar nila si Seungcheol."Lemon juice na lang?"
Binatukan ata ni Seungcheol si Mingyu kaya lumakas na naman ang tawa ni Hansol."Gusto mo?" tanong ni Mingyu. Tinignan ko naman siya tapos tinuro yung sarili ko.
"Si Wonwoo."
Umiwas na lang ako ng tingin. Akala ko ay ako ang kausap niya dahil nakatingin siya sa akin. Napataas ang kilay ko nang marinig ko na tumawa siya ng mahina."Ikaw nga tinatanong ko. Sayo ako nakatingin eh."
----------x
BINABASA MO ANG
The Four Transferees [SVT's Hiphop Unit FF]
FanfictionWhat will happen if the four hot and handsome transferees messed up your heart?