Chapter 18
Ngayon na ang araw ng senior ball. Tahimik lang akong nakatingin kay Zarine sa malaking salamin, habang seryoso niyang inaayos ang buhok ko at may nilalagay na kung ano ano. Si Zarine yung babaeng nililigawan ni Bobby. Nakakahiya nga at ako pa ang inunahan niyang ayusan kaysa sa sarili niya.
"Ayan bongga na."-nakangiting sambit niya at kinuha ang isang salamin para makita ko. Tinirintas at kinulot niya ang ibang parte ng buhok ko at nilagyan niya ng iba't ibang mga hairpin na may bulaklak at palamuti ang buhok ko.Simple lang ito pero maganda naman tignan.
"Suotin mo muna ito at may kukunin lang ako sa baba."-sabi niya at itinaas pa ang dress na binili ni mama bago siya lumabas ng kuwarto.
"Paano ba 'to?"-bulong ko habang tinitignan ang mga tali sa likod ko.Hawak ko pa ang dibdib ko dahil hindi pa nasasara lahat ang likuran
"Ako na."-nakangiting sabi ni Zarine at mabilis na naglakad papunta sa akin tsaka mabilisan niya lang inayos at itinali ito.
"Zarine."
Abala siya sa paglalabas ng kung ano-anong mga make-up sa bag niya ng tawagin ko siya.Nakangiti naman siyang tumingin sa akin.
"Hmm?"
"Anong tingin mo kay Bobby?"
Napatigil siya pero agad ding ngumiti.
"Okay naman siya para sa'kin."Tumango tango naman ako kaya tinuloy niya na ang ginagawa niya.
Simple lang ang make-up na nilagay niya sa akin.Hindi "heavy make-up" dahil mas bagay daw sa akin pag light lang.Pinasuot niya pa ako ng gray na contact lens na binili niya daw para sa akin. Buti nalang at nakapagsuot na ako nito dati kaya hindi na ako naluluha. Nilagyan niya din ako ng mga glitters sa dibdib para daw bongga.
"Ang ganda,omg."-ngiting ngiti na sabi niya habang tinitignan ako.
Ngumiti naman ako at tumingin sa salamin.
"Salamat, Zarine."
"Sus,wala yon."
Dito na rin nagstay si Zarine dahil tinatamad daw siyang bumalik sa dorm niya.Handang handa nga siya dahil dala niya na rin ang susuotin niya para mamaya.
"Nak, nandiyan na sundo niyo."-sigaw ni mama sa baba. Agad namang ngumiti si Zarine at tumingin muna sa salamin at inaya ako sa baba.Simple lang din ang ayos ni Zarine pero umaangat talaga ang kagandahan niya.Kaya siguro siya nagustuhan ni Bobby.
"Ang gaganda naman ng mga ito."-nakangiting sabi ni mama habang nakatingin sa'min ni Zarine.
Naghiwalay na din kami ni Zarine dahil sa sasakyan siya ni Bobby sasakay.
"Ingatan mo pinsan ko ah."-nakangiting sabi ni Bobby at ngumisi pa.Tumango naman si Zarine bago siya alalayan makapasok ng sasakyan ni Bobby.
"Shit.Ang ganda mo."-bulong niya habang tinitignan ako na parang naaamaze. Inalalayan ako sa sasakyan niya.Akala mo nakakita ng multo eh.
BINABASA MO ANG
The Four Transferees [SVT's Hiphop Unit FF]
FanficWhat will happen if the four hot and handsome transferees messed up your heart?